Chapter 12

38.9K 778 5
                                    

Nakilala ko narin yung magiging katulong namin, siguro taga- luto lamang. Si Manang Lita.

Nakakapanibago parin na may kasama sa bahay. Sanay akong ako lang sa isang bahay, sanay akong walang kasama pag-dinner. Pero ngayon, heto magkaharap kami ni Michael habang nagdidinner.

Napanguso ako habang tinitingnan ang mga pagkain sa hapag, puro halaman (vegetable).

"Naubos na ba lahat ng hayop sa mundo, at puro halaman na lang nasa harap ko?"

"It's good for you lalo na't buntis ka" sagot nya at nilagyan nya pa ng pinakbet at vegetable salad ang pinggan ko. Halos subuan pa nya ako. Buntis ako, hindi baldado.

Pati ang paghuhugas ng pinggan hindi nya na pinaubaya saakin.

Pagkatapos naming magdinner, pinainom nya pa ako ng vitamins.

"Sayang, gusto ko sanang mag-honeymoon tayo sa Italy. o kahit sa palawan man lang."

Kinunutan ko lang sya ng noo habang nasa sala kami nanunuod ng tv.

"Kaso baka di mo kayanin ang byahe"

Nakahiga sya sa lap ko at kanina pa hinahaplos ang tiyan ko. Hinayaan ko na lang, ayaw paawat e.

"Babae kaya 'to o lalaki. I want a junior. We'll name him Michael Luis Santiago Jr."

Parang ewan nuh?! Ni-hindi pa nga umuumbok ang tiyan ko.

Nagising ako ng madaling araw. Nangangasim talaga ang bibig ko. Tiningnan ko ang katabi kong mahibing ang tulog at nakayakap sa tiyan ko.

(Oo, tabi talaga kaming dalawa. Andaming kwarto ng bahay naito, kelangan talaga isang kwarto lang gamitin namin.)

Niyugyug ko sya para magising.

"Michael, hoy gising nga muna." (sleepy head!)

"Mmm?"

"Gising nga muna, uy... Michael" inalog-alog ko pa ang balikat nya. Minulat nya ang antok nya pang mga mata. Gwapo parin ang gago.

"B-bakit?" mahina nyang tanong.

"Gusto ko ng manggang hilaw tapos sawsawan ketchup" sagot ko sabay nguso. Please,sana bumangon sya at maghanap.

Napatingin sya sa wall clock. "Ala-una pa lang, tssk." at pumikit ulit.

"Michael" sabay yugyog ko ulit.

"Mmm?"

"Dali na."

Napamulat ulit sya ng nakakunot noo.

"Sa'n naman ako nyan makakahanap sa ganitong oras?"

"Eh... basta humanap ka."

Tamad syang tumayo at hinaplos ulit ang tiyan ko. "Baby, di na ba talaga yan matitiis kahit apat na oras pa?"

Tinampal ko ang kamay nya at sinamaan ng tingin. Ngumuso naman sya at tamad na lumabas sa kwarto.

Pag-gising ko, napatingin ako sa wall clock. 4 am na pala. Nakatulog kakaantay kay Michael. Napabaling ako sa kabilang side ko. Nakaupo at naka-lean sya sa dashboard. Nakapikit na ang mga mata nya.

Napatingin ako sa mga kamay nyang nakahawak parin sa isang tray na may lamang mga hilaw na mangga at isang mangko ng ketchup. Naghanap nga talaga sya.

Nagsquat ako sa harap nya at tahimik na kumain. Kawawa naman 'tong asawa, ginising ko pa ng madaling araw.

Dahan dahan kong tinanggal ang tray sa kandungan nya at kinumutan sya. Tumayo na ako at tinahak ang daan papuntang kusina. Nag-umpisa akong magluto ng omelet at bacon. Nang naramdaman kong may umakap saakin mula sa likod.

"It's so nostalgic, sweetheart. I thought you leave again" mahinang bulong nya saakin gago.

One week leave ngayon si Michael kaya buong araw ko syang kasama. Buong araw ay naglibot lang kami sa farm.

Andaming mangga, kaso dilaw na lahat, hinaharvest na ng mga trabahador.

Mapresko ang lugar kaya hindi nakakastress.

Pumunta pa kami sa may isolated na parte para doon na magpicnic, walang naghaharvest doon.

"Boring dito" mahinang reklamo ni Michael.

Napatigil ako sa pagbabasa ng pocketbook "O'di iwan mo na ako dito"

"Tsk" humiga na lang sya sa blanket. Niyaya ko dito pero di ko naman pinapansin, masama na ba yun?

Sa sumunod na araw naman ay dinalaw kami ng mga kaibigan ko at yung asawa ko, kunot noo nanaman lalo nang nakitang andito rin si Kurt. Hindi ko talaga sya maintindihan kung bakit masyadong mainit ang ulo nya kay Kurt.

"I can't still believe na mas naunahan mo pa akong magpakasal!" nasabi saakin ni Alysa. Saaming magkakaibigan, ako yung least priority ang pagpapakasal, pero ngayon ako pa ang pinaka-unang naitali.

"Pero real talk Sery, nakakapanghinayagn talaga kayo ni Richard. 5 years perfect relationship"

Nawala ang kanina ko pang ngiti ng banggitin nya si Richard. Napansin naman ito ni Coleen kaya nakita kong mahina nyang siniko si Alysa.

Nasa kwarto ngayon si Michael, kausap ang lola nya kaya walang alinlangan 'tong dalawa kung makapag-usap tungkol kay Richard.

"Ano ba Coleen, hindi naman pwedeng habang buhay na lang nyang ipapawalang bahala yung tungkol kay Richard. Nagkahiwalay sila because of wrong moves. Si Richard nakipaghiwalay lang sayo Sery dahil hindi nya malabanan ang ama nya, pero may plano talaga syang kausapin muna si Danica at makipagtulungan para mapigilan ang kasal nila"

"Pano mo nalaman iyan?" tanong ko sakanya.

"After ng kasal nyo, nakita namin si Richard nasa labas ng bar, lasing at bugbug, napaaway yata. Dinala namin sya sa bahay ni Kurt. Kahit galit na galit kami sakanya dahil sa ginawa nya sayo, hindi parin namin sya pinabayaan. After all, kaibigan parin natin sya. The next morning, sinabi nya na ang dahilan ng paghihiwalay nyo, at kung gaano kasakit ang katotohanang hindi nya na maayos ang sainyong dalawa."

Dumaan ang mga araw, ako na naiiwan sa bahay. Kailangan ng pumasok sa opisina ni Michael, naiipon na rin kasi ang mga gawain nya. Ako naman di na pinayagang pumasok sa trabaho (napaka-OA talaga nung gagong yun!) ni-seconded naman ng lola ni Michael, mas mabuti raw kung sa bahay lang ako.

Boring na talaga dito. Kasama ko lang lagi si Manang Lita. Hindi na naman nakakabisita ang mga kaibigan ko dahil busy rin sila sa buhay nila. Kakaunti lang ginagawa ko dito. Magluluto ng almusal pagkaumaga (na tinututulan ni Michael, baka daw maka-sama sa bata). Ipinaghahanda si Michael at tinutulungan sa paghahanda ng mga gamit, tutulungan sa pag-aayos ng necktie (feel na feel talaga ang pagiging asawa).

Kapag wala na sya sa bahay, nasa may veranda lang ako nagpi-paint. If they only know how it feels na nasa tahimik lang na lugar, walang ginagawa, walang pinagkakaabalahan. Napakaboring. Nakakapabaliw.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now