Chapter 15

35.2K 727 2
                                    

Mas naging sweet and expressive saakin si Michael. And I start liking him, his a man in every woman's dream. Napakamaalaga.

Sya ang kasa-kasama ko sa pagpapa-check up. He's really updated about our child. Ni-isang beses ay hindi sya nawala sa pabalik-balik ko sa OB.

Humahaba narin ang oras ng tulog ko kaya kapag umaga, nagigising na lang ako sa mga halik nya saaking noo.

Pinagsisilbihan nya pa ako sa pagkain.

Hindi ko narin sya naalagaan, to think na ako ang babae saaming dalawa. Naiintindihan nya naman daw iyon dahil buntis ako.

Lumulubo narin ang tiyan ko. 4 months na ito. He seem so excited. Bumili na sya ng baby stuff. Sabi ko nga sakanya wag na muna, dapat maghintay muna kami ng one month para malaman na naman ang kasarian ng baby namin. Kaso ayaw paawat e', yung nais nya parin ang masusunod.

Nung isang gabi naman, pinalayas ko sya sa higaan namin. Kahit kasi malakas ang aircon, naiinitan parin ako ng sobra. Wala syang nagawa kaya sa lapag sya natulog.

"May conference kami ngayon sa Cebu. Siguro after tomorrow pa ako makakauwi. Si Manang Lita na muna kasama mo dito. Take care of our child, sweetheart" bilin nya saakin sabay halik sa'king noo.

"Mag-ingat karin sa byahe ha"

Tumango naman sya.

Inayos ko muna ang favorite necktie nya. Napakagwapo talaga ng napangasawa ko. I never thought I will like him more than just because of his face. Pagkatapos nun ay nagpaalam na sya leaving little kisses sa tiyan ko. He's a proud father.

Gaya ng pang-araw araw kong ginagawa, nasa veranda lang ako, nagpipinta. Hindi ko naman matawagan sina Coleen para dalawin ako dahil bukod sa kakadalaw pa lang nila nung isang araw, mayroon din silang ginagawa ngayon. Dinalaw naman ako ni Kuya Josiah kanina kasama ang kanyang fiancee, finally I met his girl, Ate Sandra. She's pretty and a joker. I can't imagine how she tamed Kuya Josiah.

Dahil yata buntis ako kaya maaga akong nakatulog ngayon. Hindi na ako sanay na hindi katabi sa higaan si Michael. I miss his hug and kisses.

Nagising ako ng naramdamang may humawi ng aking buhok, at humalik saaking pisngi. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng inakalang nakauwi na si Michael. Ngunit wala. Walang tao sa kwarto, ako lang mag-isa. Oo nga pala, bukas pa ang uwi nya.

Napatingin ako sa wall clock, 3am pa lang. Ang aga ko yatang nagising. Tiningnan ko ang cellphone ko. 45missed calls and 112messages. Bigla ulit itong nagring at number ni Howard ang naka- register. Ba't kaya sya tumatawag ng ganitong oras?

Sinagot ko na lang ang tawag nya to hear these "Serenity, sorry kung naka-isturbo ako pero kasi... naaccidente si Michael. Nasa ospital sya ngayon. He's in critical condition" Bigla kong nahulog ang cellphone ko sa lapag.

He's in danger right now?

Nabigla ako ng kumatok sa pintuan ng kwarto si Manang Lita, calling my name. Nang binuksan ko iyon, ibinalita nya rin na kritikal daw si Michael. Inutusan ko syang tawagin yung driver para puntahan namin si Michael pero hindi nya sinunud dahil makakasama raw saakin at sa bata.

HOWARD POV

He said he already miss his wife. Kaya hindi na namin tinapos ang conference sa Cebu. Late evening na kaya pinilit ko syang ipagpabukas na ang pag-uwi pero ito lamang ang sinabi nya "No, Howard. I want to wake her up by my kiss."

"You are insane, man!" at pinagtawanan ko lang sya.

10pm kami bumyahe. We're in the same car. Buong byahe namin laging bukambibig nya ang kanyang asawa. I really salute this woman, mukhang nagkakaroon narin ng damdamin 'tong si Michael.

We were in the middle of our conversation about Serenity and their child nang biglang may nagliwanag sa side ni Michael. And the next thing I knew, nabangga na ang sasakyan namin at duguan na si Michael.

We're in the City.

I immediately call for a help, at agad naidala si Michael sa ospital. I was furious seeing how doctor revive his body. He look so lifeless!

I don't know who should I call, wag muna si Madam Victoria, baka atakihin yun sa puso. Should I call his wife? 12pm pa lang? makakasama sakanya ang ibabalita ko.

1am lumabas ang doctor mula sa ER. He said that Michael is in danger right know, but he's fighting. Ilang beses nag-straight line ang monitor but every time they revive his body, he's responding.

Tinawagan ko muna si Coleen. Nasabi ko ang nangyari saamin kanina kaya dali-dali syang pumunta ng ospital.

"How is he?" tanong nya saakin.

"Michael is a fighter" tipid kong sagot sakanya.

"Dapat na 'tong malaman ni Sery~" bigla kong pinigilan ang pagtitipa nya ng numero ni Serenity.

"Wag muna, baka kung mapano pa sya kapag nalaman nya ito"

"But she's his wife!"

"She's pregnant! Baka kung mapano pa sya."

We decided to wait until morning pero hindi mapakali si Coleen. Tinawagan nya agad si Serenity ng nag 2am. Serenity's phone just ringing, siguro mahimbing talaga ang tulog nya. Tinawagan ko narin sya and she accept the call nang nag 3am.

I call also Manang Lita to take care Serenity, baka kung bumyahe ito ng ganitong oras.

Nang nag 6am, nakarating agad ng ospital sina Serenity kasama si Manang Lita.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now