Chapter 27

33.2K 684 9
                                    

MICHAEL POV

Cuss it! Shit! I'm a big fvckin jerk! Having sex with someone behind my wife was really a bullsh*t! Hindi ko inakalang magagawa ko iyon at talagang may souvenir pa, talagang nabuntis ko pa si Jenny? Curse me, oh Lord! Inilatag ni Jenny ang isang pregnancy test kit at isang papel.

"Ano yan?" tanong ko sakanya.

"I know this is wrong but I'll do everything for my child" matigas na tugon ni Jenny.

Her child?

"W-what do you mean?"

Halos ipanalangin ko na sana, sana hindi ako.

"I'm pregnant!"

"W-what?"

"I said, I'm pregnant! at ikaw ang ama! Luis, panagutan mo ito. Hindi mo naman yata hahayaang lumaki ang anak natin na dalawa ang kinikilalang ina diba?"

That was the reason why I'm alone here. Umalis na si Serenity. Gusto ko syang sundan, suyuin, pilitin, kahit lumuhod pa ako sa harap nya bumalik lang sya. Pero di ko magawa, wala akong mukhang maihaharap na sakanya. Sa sobrang inis at galit ko sa sarili ko- nasira ko na ang mga gamit sa bahay. Napaka-gago ko!

12pm, hindi parin ako mapakali. Thinking about Serenity makes me crazy. Hindi ko kayang tumunganga lang dito. Papunta iyon ng City. Sana lang ay mas malakas ang pagmamahal nya saakin kaysa sa pagiging selfless nya. Nakarating ako sa City ng 2:30 am. Madaling umaga na. Dumeretso ako ng condo nya but she's nowhere to find there.

Sa'n sya tumuloy? Tinawagan ko na si Howard at inutos na itanong kay Coleen kung nasan si Serenity ngunit wala akong nakuhang matinong sagot. Tinatago nila saakin ang asawa ko.

Pinuntahan ko ang bahay ng mga kuya nya. Pasado alas-tres na pero mambubulabog parin ako, who can blame me? I'm being left here.

"SERENITY!" halos pang-limang sigaw ko na ito sa harap ng bahay nila.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad saakin ni Josiah na halatang galing pa lang sa tulog.

"Where's Serenity?"

"Wala sya dito."

"Alam kong nandito sya, ilabas nyo sya dito!"

"Iniwan ka ni Serenity? Bakit?" madiing tanong ni Jasper na kakalabas lang din ng bahay nila.

"Bakit ka iniwan ng asawa mo? Anong kalukuhan mo?!" kinuwelyuhan nya na ako. "Sabihin mo! May babae ka ba?" sigaw nya saakin.

Hindi na ako nanlaban, ako ang may kasalanan dito.

"Gago ka talaga!" at inambahan nya ako ng suntok sa mukha. Malakas iyon kaya sumalampak ako sa semento. Hindi pa sya nakuntento at kinuwelyuhan nya pa ako at sinuntok ulit. Kung hindi pa sya pinigilan ni Josiah, siguradong basag basag ang mukha ko. Na sana ay tinuluyan nya na lang ako.

"P*tangina mong gago ka! Papatayin kita!" Pinipigilan lang sya ng Kuya nya.

"Michael umalis ka na dito. Wag ka ditong manggulo" pagtaboy saakin ni Josiah.

"Sabihin nyo lang kung nasaan si Serenity~"

"At wag mo nang guluhin si Serenity! You don't deserve her, you're a big shit!" galit na sigaw ni Jasper.

"Umalis ka na Michael kung ayaw mong tumawag pa kami ng pulis, public disturbance 'to."

"I-I just want to see my wife."

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na talaga nagpakita si Serenity. Isang resignation paper at annulment paper na lamang ang nakarating saakin. Pabalik balik ako sa condo nya, bahay ng mga kuya nya at bahay ng mommy nya, pero wala. Hindi raw nila alam kung nasan si Serenity. Nakausap ko rin ng matino si Josiah, inamin nyang naroon daw dati sa bahay nila si Serenity ngunit mga ilang araw lang iyon. Hindi nya alam kung out of town ba o nag-abroad si Serenity. They're clueless also. Naitanong ko narin si Coleen ngunit pati sya ay hindi nya rin alam, nawalan daw sila ng communication after she bid her goodbye. Pati nga rin yung dalawang kaibigan nyang sina Alysa at Kurt ay walang alam.

"Hayaan muna sya Michael, siguro kailangan nya lang hanapin ang sarili nya. Hindi pa naman kayo annuled diba? Hindi nya inasikaso. Siguro may dahilan. Kung gusto nya talagang maghiwalay kayo, dapat inuna nya yung pagpapawalang bisa ng kasal nyo kaysa sa paglayo" iyan ang sinabi saakin ni Kurt nang minsan naitanong ko sya.

Binigyan ko na lamang ng pansin ang dinadala ni Jenny. Dapat maging responsable na ako, magiging ama na ulit ako, hindi nga lang sa anak namin ni Serenity. Pero hindi rin pala. The child is not mine. Nakita ko sa gamit ni Jenny ang ilang test na ginawa sakanya, dated before ng birthday nya. Buntis na sya bago pa yung gabing iyon.

"Anong ibig sabihin nito? You lied? Buntis kana bago pa may mangyari saatin?"

At first she denied.

"I was your boy bestfriend back then, hindi ko inexpect na magagawa mo 'to sakin! You ruined my married life!"

"I-I'm sorry Michael. Yes, this is not yours. I'm just afraid na walang ituring na ama ang batang ito."

"Who's his father?"

No'n ko nalaman na mistress pala sya ng isang business tycoon. A 40 years old man ang nakabuntis sakanya.

"Ano kaibahan namin? Ba't hindi ka sakanya lumapit? Ba't ako na pinerwisyo?"

"May mga anak sya, Luis. Ikaw lang ang tangi kong matatakbuhan. Luis, help me. Hindi ko kayang buhayin ito ng mag-isa"

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now