Chapter 8

40.5K 893 16
                                    

GAHDD! Ano bang nakain ko ngayon at naduduwal ako. Hindi naman ako nalate sa pagpasok sa trabaho.

"Pedro! Ba't ba puro palpak ka na lang!" inis kong bulyaw kay Pedro. Natapunan nya kanina ng wine yung isang maarteng koreana.

"Sorry po ma'm, dumulas lang talaga sa kamay ko"

"Argh! goodness! umalis ka nga muna sa harapan ko."

Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngayon. Ang bilis uminit ng ulo ko kay Pedro kanina, at dun sa Koreana. Haaay siguro buwan ng dalaw ko ngayun, napaka-moody ko na.

"Good morning" bigla namang sumulpot si Michael. Ewan ko ba kung bakit gumaan ang loob ko nang nakita ko ang pangit nyang mukha.

"Kelangan mo?" bakas parin sa boses ko ang pagkainis.

"Oh? ang aga-aga, ang init ng ulo mo" lumapit pa sya saakin kaya. Nasa harap lang sya ng mesa ko pero amoy na amoy ko na sya.

"Lumayo ka nga! Ang baho mo! ever heard the word 'ligo'!"

"Ha? naligo naman ako", at inamoy amoy nya pa kilikili nya. (kadiri!)

"LABAS!"

"Anung nangyayari sayo? Fi naman ako mabaho ha" pilit nya paring hinahagilap ang mabahong naaamoy ko.

"Please lang Michael, labas nga muna" tumayo pa ako para ipagtulakan sya palabas.

Kay yamang tao, ni-hndi naliligo.

Nagkulong lang ako sa opisina ko at nag-arrange ng mga files. Lumabas lang ako ng nagtanghalian na. Dito na lang ako kakain. Pagkalabas ko ng opisina, naghanap agad ako ng available table, but unfortunately, taken lahat. Kung sana ay aalis si Michael sa table nya. (yeah, andito parin sya pero napansin kong iba na ang suot nya. Naligo na yata)

Napatayo sya ng nakita nyang nakatingin ako sa banda nya. Ako na lumapit sakanya at hinagilap ang amoy nya.

"Gahd! Michael! ano bang sabon mo, tae?" Napalakas yata ang pagkakasabi ko dahil tinginan ang mga kumakain sa banda naman, especially kay Michael na halatang nahihiya.

Napakamot pa sya ng ulo "Halos ipaligo ko na yung pabango ko para lang mabanguhan ka sakin. Ba't mabaho parin ako?"

Buong araw hindi ko pinalapit sakin si Michael. (jusko! nakakasuka amoy nya). Buong araw rin nasa restaurant lang sya. Ginawang office 'tong restaurant? May kaharap pang laptop. Nasa may counter lang din naman ako para mamanage ang mga gawain. Destructing lang ang pagmumukha ni Michael na lagi kong nahuhuling sumusulyap saakin bawat sampong segundo. Ngumunguso pa kapag nagtatama ang paningin namin.)

Ganyan yan, di ko pinapalapit saakin. Dapat 3 meters apart kami, buti nga lang pumayag sya kahit mukhang labag sakanya.

Nang nag 9:30pm na, nag-out na ako. Binilinan ko na lamang ang mga empleyado sa mga gawain. Nang nakita ni Michael na aalis na ako, tumayo narin sya. Oo, tumagal pa talaga sya dito.

Sinamaan ko naman sya ng tingin nang makitang palapit sya saakin. Tumigil naman sya ng isang metrong layo saakin.

"Oh, ipantakip mu na lang muna. Ihahatid na kita sa villa mo", sabay abot nya ng panyo. Di ko nga ba alam ba't ang kyut nyang tingnan. Mukha syang batang hindi nabilhan ng lobo.

Tinanggap ko na lang ang alok nyang paghatid.

ISANG linggong ganun ang eksena namin, di ko sya pinapalapit sakin pero gustong-gusto kong makita ang mukha nya.

Nang dumating ang linggo, binabalak ko sanang pumunta ng pool sa may hotel. Magandang magnight swimming, kaso hndi natuloy nandahil dito---

"Oww, ikaw pala ang fiancee ng apo ko. you're so beautiful, hija". Sabay beso saakin ng lola ni Michael.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now