Chapter 16

32.1K 702 5
                                    

SERENITY POV

"Manang, ba't nagbyahe agad kayo? diba ang sabi ko pagpahingahin muna si Serenity at wag dalhin dito?" inis na sabi ni Howard ang bumungad saamin.

"Asan si Michael? ano nang kalagayan nya?" natatarantang tanong ko.

Hindi na nakipagtalo pa saakin si Howard at dinala na lang ako sa room ni Michael. Hindi ko na nga rin natanong kung bakit nandito rin si Coleen.

Nasa may pintuan pa lang ako ay kitang kita ko na ang pinsalang natamo ni Michael. Maraming aparato ang nakakabit sakanya. Marami rin bandage sa mukha nya. Kung nawasak ako nang naghiwalay kami ni Richard, ngayon naman ay durog na durog na ako habang nakikita si Michael nasa ganoong kalagayan. The father of my child.

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. First drop of tears simula ng nalaman ko ang nangyari sakanya. 4 months na kaming magkasama at sa maikling panahon na iyon, dumepende na ako sakanya.

Pangatlong araw ko na ito dito sa City. Sa condo na lang ako umuuwi kasama si Manang Lita. Pangatlong araw narin akong pabalik balik dito sa ospital. He's still unconcious.

Hinawakan ko ang kamay nya and I planted small kisses.

"Michael, gising kana please. Miss kana namin ni baby. Promise hindi na kita gigisingin kapag madaling araw para sa mangga. Promise, di na kita papatulugin sa lapag kapag sobrang naiinitan ako. Promise, di na kita sasabunutan kapag sinasabi mo sakin na mukha na akong lobo. Promise, di na ako sleepy head basta bumangon kana jan" mahinang bulong ko.

Kagaya parin ng dati, mahimbing parin ang tulog nya. He's not in coma ang sabi ng doctor. Michael's body is still recovering from the accident. Hindi nya rin masabi kung kailan magigising ito.

4th day, 5th, 6th... another 3 days ulit, tulog parin sya. Ba't ba ayaw nya pang magising. Namimiss ko na ang pag-aalaga nya saakin. Ang pagiging sabik nya sa anak namin. Namimiss ko na sya, sagad. Kung pwede lang sampalin ko ito para magising na.

7th day as usual day, mahimbing parin ang sleeping handsome.

"Honey, gumising kana please."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo malapit sakanyang kama nang biglang kumirot ang tiyan ko. Napaluhod na ako sa sakit na nararamdaman. Anong nangyayari saakin? My baby?

"Ahhh! Ansakit!" napasigaw na ako nandahil sa sakit. Nag-unahang tumulo ang luha ko ng nakitang may dumaloy na dugo sa legs ko. Hindi 'to pwede!

"Help! Tulungan nyo ko! Help!"

The next thing I knew, nagising na lamang ako sa isang puting kwarto.

My baby?!

Napabalikwas ako ng maalala ang nangyari kani-kanina napakapa ako sa tiyan ko.

"NO NO NO! WHERE'S MY CHILD!" hindi 'to pwede!

"Maam, huminahon po kayo."

Hindi ko pinansin ang pang-aalu saakin ng nurse. I need my child!

"Asan ang anak ko! She's still inside of my womb, right?!"
But no, wala na akong maramdaman sa loob ko.

Pinagtatapon ko na ang mga unan ang itinumba ang isang oxygen tank.

"Humahon po muna kayo"

SERENITY POV

Nagising ako ng naramdamang may nakahawak sa kamay ko. Nang iminulat ko ito, si Alysa pala. Napatayo si Kurt mula sa pagkakaupo ng makitang nagising na ako.

"Sery, kumusta? Ok ka na ba?" tanong agad ni Kurt.

Napahagulhol nanaman ako ng maalala ko ang mga nangyari.

Wala na saakin ang anak ko.. wala na sya. wala ng buhay ay tiyan ko.

Now, I can't see any reason to live.

"Asan na ang anak ko?" mahinahong tanong ko habang lumuluha parin.

"Sorry to tell this Sery pero kasi mahina ang kapit ng bata" mahinang sagot ni Alysa.

Napasapo ako sa noo ko habang nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Naging pabaya ba akong ina? Hindi ko ba sya napangalagaan ng maayos? Bakit kinuha agad sya?

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now