Chapter 6

44.1K 933 9
                                    

"RICHARD!" sigaw ko sakanya nang nakitang pumasok na sya ng kanyang Audi.

Agad naman syang lumabas at mabilis na lumapit saakin. Nabigla ako nang hinakawan nya ang braso ko, napakahigpit ng pagkakahawak nya.

"R-richard, nasa-sak-tan ako."

"Can't you wait?! Serenity, nabagot ka na ba?!" mas lalong hinigpitan nya ang pagkakahawak saakin. Parang mababali ang mga buto ko.

"A-ano b-ba!" biglang may nagbara sa lalamunan ko. Umiinit narin ang mata ko. Naiiyak ako hindi dahil sa pisikal na sakit kundi dahil sa mga punyal na tumutusok sa puso ko.

"I told you that night before that day we broke-up! I told you to hold on! sinabi kong kahit anong mangyari wag tayong bibitaw! Na kahit anong pagsubok ang dumating satin, ikaw at ako lang!" pumalag na ako ako sa pagkakahawak nya kaya mas lalo akong nasasaktan.

"A-ano bang akala mo sakin! n-na si wonder woman ako? N-na hindi ako masasaktan? Ikaw ang bumitaw diba? I-ikaw yung nang-iwan. Ako yung naiwan! Kaya wag kang umastang ikaw ang mas nasasaktan saating dalawa, kasi ako yung nawasak! Ako yung nadurog!" napahagulhol na lamang ako matapos ko yun sabihin. Unti-unti namang lumuwag ang hawak ni Richard sa braso ko at hinigit nya ako para yakapin.

"I-I'm sorry."

Nabigla ako ng may humigit ulit saakin.

"We'll go now." at kinaladkad nya na ako. Nahawakan naman ni Richard ang kamay ko kaya hindi kami tuluyang nakaalis.

"Wag kang bastos, pre. Nakita mong nag-uusap kami" pikon na sabi ni Richard.

"Wag ka ring bastos, pre. Kita mong may fiance na 'tong niyayakap mo. Tara na, Serenity. Nakapagpaalam na ako sa magulang mo". Siya na ang nagtanggal ng kamay ni Richard sa kamay ko.

Nakakatakot nga baka magsuntukan ang dalawang ito. Kitang-kita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat ni Richard. He's trying to control himself. Agad naman kaming nakapasok sa Hilux ni Michael. Pagkapasok na pagkapasok namin, inabutan nya ako ng panyo.

"Wipe your tears. Seriously, mukha kang tanga kanina" (galing nyang mag-comfort nuh?)

"Pwede ba Michael, wag ngayon ha."

"Ok ok. Fine." pinaandar nya na ang kanyang sasakyan.

Tahimik lang ang naging byahe, hindi narin naman ako humihikbi. Tumigil ang kanyang sasakyan sa harap ng isang garden restaurant.

"Ano namang ginagawa natin dito?" Date? Akala ko ba 20th century na ngayon?

"Kakain? Di ka naman yata magshoshopping dito diba?"

"G*go" natawa pa sya sa sinabi ko.

"Hahaha tara na nga" at pinadausdus ang kanyang kamay sa aking bewang.

Well, wala naman nangyaring nakakaewan, kumain lang kami. Creepy nga lang ngayon si Michael, bawat paglingon ko sakanya habang kumakain, lagi syang nakatingin sa akin. Problema nito?

"May dumi ba sa mukha ko?", tanong ko ng nakitang pinagmamasdan nya lang ako.

"Wala lang. I'm just wandering why are you cried kanina."

"G*go ka ba? kita mong nasaktan ako tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiyak?"

"Bakit ka nasaktan?" (KASI NAGMAHAL AKO!)

"Kita mo 'tong braso ko?" at ipinakita ko sakanya ang magkabilang braso ko na hanggang ngayon ay pulang-pula pa.

"Sinong hindi maiiyak nito?!"

"Ok ok. Chill, high blood ka agad. Akala ko kasi yan na yung tinatawag mong pagmamahal" (gahd! Ba't ang hina nyang pumick-up?)

"Ewan ko sayo~" naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko. It's her. Problema ba nito?!

"What now, Danica?" pabulyaw kong bungad sakanya.

"Haha Chill lang Sery! Ok ka na? Ang cool nung nangyare kanina. That was great hahaha".

Weirdo talaga 'to. kung iniisip nyong mala-Anastasia sya, at ako naman ang Cinderella pwes nagkakamali kayo~

"You shut up brat, at wag ka ngang tawag ng tawag saakin ha. Ilang beses ko bang sasabihin na ayokong kinakausap mo ako?" mataray kong tanong sakanya.

"Sorry na ate. I'm just trying to light up your feelings, alam kong nasasaktan ka"

"And it's because of you"

"Sorry na nga. Tsaka ilang beses ko narin kayang kinausap si Daddy para wag ituloy ang engagement namin nung Richard mo. Wala nanaman akong magagawa e'"

Yeah. She's innocent sa mga nangyayari. She's 1year younger than me pero kung umasta parang teenager lang.

"Tigilan mo na nga ako" in-end call ko na agad ng walang paalam.

Pagkababa na pagkababa ko ng tawag. Nagsalita naman si Michael.

"Ang kulit lang ng kapatid mong yan. Ang akala ko kontrabida sa buhay mo pero nung umalis ka sa hapag kanina... tawa sya ng tawa, napikon nya daw kasi ang ate nya. Tinawag ka nyang ate at kuya na tinawag nya sakin. Alam mo bang sinabi nya na wag daw kitang hahayaang maging malungkot~" pinutol ko na ang mga pinagsasabi nya.

"Stop it Michael. Satingin mo ba talaga may pake ako sa pinagsasabi ng spoiled brat na yun"

"She's not. Masyado lang syang inosente and there's something about her" kursunada nya ba si Danica?

"Looks like, you're interested sa kapatid ko?" at pinanliitan ko sya ng mata. Kumunot naman ang noo nya at biglang natawa.

"You jealous?" tanong nya at ngumiti ng nakakaloko.

"Dream on, Michael, just dream on. Wala akong pake sainyo..."

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now