Beginning

167K 4.1K 209
                                    

START POSTING: October 3, 2016

BEGINNING

VAUGHN CRAIG's POV

I'm a little dizzy after that Beirut Party. Ang gago naman kasing si Terrence ay nakipaglaro pa, may tama na pala. Maaga pa lang ay umiinom na kami sa bar ni Danzel. Lumipat kami sa isang strip club na pag-aari ng isang malapit na kaibigan daw ni Terrence. Sa totoo lang ay mas hilig ko ang mga live bands kaysa sa mga babaeng naglalakad ng hubad sa stage. I may be a horndog at times, but I didn't sleep with strippers and prostitute.

"Look at that girl, dude. She's hot." Itinuro pa ni Terrence ang isang babae sa bandang sulok na nagsasayaw sa stage na ang tanging suot ay bra at panty lang.

"Yeah, she is." Tumango ako at pinagmasdan ang kanyang galaw. She moves a little awkward na para bang hindi pa sanay sa pagsasayaw nang halos hubad sa stage.

"Mukhang mawiwili ako sa club na 'to, a," nakangisi pang sabi niya at iginala ang tingin sa paligid. Mukhang nasobrahan na nang inom ang siraulong 'to.

"You're drunk, Lee. You want to go home?" Piniga ko ang pagitan ng aking kilay at parang hindi ko na rin kakayanin mag-drive.

"Saglit na lang, dude. Darating 'yung friend kong may-ari nitong club." Sinilip pa niya ang kanyang relo at buong pwersa na lang akong napasandal sa sofa.

Mayroong mga babaeng nakatabi sa aming dalawa pero hindi maalis ang titig ko doon sa babaeng itinuro ni Terrence. Halos lima silang nasa stage pero namumukod-tangi ang kanyang ganda sa lahat. She's giving me a boner, huh.

Natapos ang music at halos nagtanggalan na nang saplot ang mga babae sa stage maliban d'un sa babaeng kanina ko pa tinitingnan.

"Now, that's a little disappointing," iiling-iling pang sabi ni Terrence at napako lang ang tingin ko sa babaeng ngayon ay tahimik na nag-exit sa stage.

Hindi naman nagtagal ay may kung sinong mukhang arabo ang lumapit sa amin ni Terrence at kung 'di ako nagkakamali ay siya ang kaibigang tinutukoy niya.

"Amir, dude!" Tumayo pa si Terrence at nakipagyakapan d'un sa lalaki. "Nice job you've done here. At ang daming magaganda, huh."

"Thanks, dude," sagot naman n'ung Amir at napakibit-balikat pa.

"By the way, tropa ko." Si Terrence na nilingon pa ako. "This is Vaughn."

"Hey, dude." Iniabot pa niya ang kanyang kamay at inabot ko naman din iyon.

"Si Amir, dude. Siya 'yung sinasabi kong may-ari nitong club." Si Terrence ulit.

"Your place rocks. Very Nice. Thanks for inviting us," pormal namang sabi ko lang at agad na hinagilap ang babaeng bumaba sa stage kanina. Where the hell did she go?

"The pleasure is mine," nakangiting sagot naman ni Amir.

"Do you know the girl who did a number on the stage a while ago? The one who did not strip?" interesadong tanong ko pa at agad namang napahagalpak nang tawa si Terrence.

"Ah, si Natalia." Nakangiti pa siyang tumangu-tango at mabilis na sinenyasan ang isang waiter na 'di kalayuan sa kanya. Binulungan niya iyon at agad naman ding umalis. "She's new. I cannot guarantee you anything, Vaughn. Ayokong namimilit ng mga babae dito. Hope you understand," paliwanag pa niya at ibig kong matawa. Sino bang tatanggi sa isang Vaughn Craig Del Rosario?

"Oh, I see. You have nothing to worry, Amir," paniniguro ko pa sa kanya at nakangisi naman akong tinapik ni Terrence sa balikat. He knew me. It was so easy for me to get the girl I want for free.

Hindi naman nga nagtagal ay dumating ang babaeng tinutukoy ko. Hapit na hapit ang suot niyang burning red tube dress and she really got the most beautiful curves I've ever seen.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now