Chapter 30

99K 2.8K 148
                                    

CHAPTER 30

VAUGHN CRAIG's POV

Bumalik ako sa table namin ni Sam kahit na sa totoo lang ay parang ayoko pang pakawalan si Natalia. Hindi naman kalayuan ang kinakaupuan niya pero nakikita ko ang maganda niyang mukha sa kinakaupuan ko. She's not wearing any make up and her hair was set in a messy bun. Damn, how I've missed the scent of her neck.

"Sino bang tinitingnan mo?" taka pang tanong ni Sam at lumingon sa kanyang likuran. Good thing, nakakubli pa rin si Natalia at hindi pa rin niya basta-basta matatanaw.

"No one." Mapakla akong ngumiti at pilit na ibinaling ang tingin sa paparating na waiter na may dala ng aming pagkain.

Hindi naman na nangulit si Sam at bahagya pang napapalakpak nang makita ang paborito niyang pasta. She's a fan of pasta. At kahit na anong luto pa yata noon basta may pasta, kakainin niya.

Habang kumakain ay hindi ko pa rin maiwasan ang mapatingin sa kinakaupuan ni Natalia. Ilang beses ko din siyang nahuhuling nakatingin sa akin pero mabilis din siyang nag-iiwas nang tingin. Panay ang kuwento ni Sam patungkol sa kung anu-anong mga bagay at wala akong maintindihan sa mga iyon. Natalia really caught my full attention and it's hard not to look at her.

"Are you even listening?" irritable pang sabi ni Sam at parang noon na lang ako bumalik sa aking sarili. This is a bad sign, right? Fvck, ganitong-ganito rin si Dalton noong ma-inlove siya kay Janella.

"Y-yes..." alanganin ko pang sagot at mapaklang ngumiti. "Are you enjoying the food?" mabilis ko pang tanong sa kanya, pero nananatiling nakakunot ang kanyang noo. I am so fvcked and I am beginning to realize everything that was happening to me.

"Sino ba kasing tinitingnan mo kanina pa?!" Mabilis siyang tumayo at tiningnan ang direksyon na kanina ko pa tinitingnan. Agad na nanigas ang kanyang panga bago muli akong balingan nang tingin. Madilim na ang kanyang mukha at parang nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata. I am such an asshole! "Si Natalia na naman, Vaughn?" galit pa niyang tanong habang kuyom ang mga palad.

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga sabay banayad siyang hinila sa kamay para paupuin. Pero sa halip na magpadala sa paghila ko ay matigas pa rin siyang naestatwa sa kanyang pagkakatayo.

"Sit down, Sam," pakiusap ko pa at nananatiling nakakunot ang kanyang noo.

"Seriously, Vaughn? Ano bang nakita mo sa babaeng 'yan?!" medyo alsa boses na siya at hindi maikakaila sa kanyang mga mata ang galit.

I let a defeated sighed. Mabuti na lang at walang masyadong kumakain. Ayoko pa naman sa lahat ang ganitong eksena. Kung gusto ko man nang atensyon, 'di dahil sa eskandalo kung 'di dahil sa mga nagkakagulong babae na gustong makalapit sa akin.

Or maybe, that was before.

All I want right now is that piece of Natalia's looked in her eyes.

"Just eat, Sam," seryosong sabi ko lang. Mas pipiliin kong magsawalang kibo kaysa ang magsabi nang kung anong puwedeng makasakit sa feelings niya.

Hindi naman na siya kumibo pero nakasimangot pa rin siya. Padabog siyang naupo habang hindi matanggal ang matalim niyang titig sa akin. Pinilit kong 'wag na tumingin sa gawi ni Natalia at nagfocus na lang kay Sam.

Nang makatapos kaming kumain ay nagmamadaling nagyayang umuwi si Sam. Pinagbigyan ko na rin siya sa kanyang gusto at isang tango na lang ang naging paalam ko kay Natalia.

Nang tuluyan kaming makalabas sa restaurant na iyon ay halata pa rin ang iritasyon sa mukha ni Sam. Dagdag pa na katapat ng kotse ko ang puwestong kinakaupuan ni Natalia.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now