Chapter 35

99.2K 2.7K 99
                                    

CHAPTER 35

NATALIA's POV

Nagmamadali ako sa pagbibihis dahil excited na ako sa date namin ni Vaughn. Hindi ako makapaniwalang totoo pala lahat nang ito.

Mahal niya ako.

Naiisip ko pa lang kung papaano niya sinasabi ang mga salitang iyon ay sobrang kinikilig na ako.

Nang bumalik ako kung saan ko siya iniwan ay kausap na naman niya ang mga kasamahan kong babae sa trabaho. Napanguso ako at hindi ko maiwasang magselos.

Napalingon siya sa akin at umirap naman ako. Napangisi siya na para bang nababasa na niya kaagad ang nasa utak ko. E, ano ba? Talaga namang ayokong may kahati. Gusto ko nag-iisa lang ako.

"Hey, Cinderella." Sinalubong niya ako at mahigpit na niyakap. "Don't be jealous," bulong pa niya at napailing lang ako. Akalain ko bang alam na niya ang nasa utak ko. Hinarap niya ako at kumindat pa. Galing din talaga magpa-cute ng tao na ito. No wonder ang dali niyang makuha ang mga babae. Mga mata pa lang ang titigan sa kanya ay laglag na lahat nang malalaglag sa babae.

"Mahirap hindi magselos, Vaughn," sagot ko naman at iyon ang totoo. Nakilala ko siyang gan'un at ang isiping nagbago siya dahil mahal niya ako ay hindi ko pa rin alam.  Alam kong maling makaramdam nang ganito sa taong minamahal mo, pero hindi ko pa rin maiwasan.

"All right. Ikaw na lang ang tititigan ng mga matang ito. Ayos ba 'yun, hmm?" Malagkit pa siyang tumitig sa akin habang hinahaplos ng kanyang hinalalaki ang ang aking pisngi.

"Impossible naman 'yang sinasabi mo."

"Just trust me. Can you at least do that?"

Napabuntong-hininga ako at kailangan kong subukang magtiwala nang buo sa kanya. Tumango ako at tipid na ngumiti.

"That's my girl..." Matamis pa siyang ngumiti at mabilis ulit akong hinalikan sa labi. "Let's go?"

Inilahad niya ang kanyang kamay at mahigpit akong humawak d'un.


Dinala ako ni Vaughn sa isang fancy resto at mukhang may reservations na siya roon base na rin sa pag-entertain ng mga empleyado. Mukhang kilala na siya roon at naiisip ko pa lang ang dami ng mga babaeng nadala niya noon dito ay nagseselos na naman ako. Ganito pala ang pakiramdam na ma-inlove sa isang playboy na kagaya niya. Palagi na lang negatibo ang pumapasok sa isip ko.

Itinuro sa amin n'ung waiter ang isang private area na natatakpan nang matataas na division at may malambot na upuan sa magkabilang gilid. Madilaw ang kulay sa paligid dahil sa maliit chandelier na nakadisenyo sa sentro ng bawat table. Sobrang sosyal at maganda ang lugar. Pakiramdam ko ay hindi bagay ang suot ko sa lugar na 'yun.

"Nakakahiya ang suot ko, Vaughn," nakasimangot ko pang sabi.  Para bang pilit na ipinapamukha sa akin ang katotohanang malayo ang agwat ng estado namin sa buhay.

"It's all right. Maganda ka naman," nakangising sabi pa niya.  Inikot ko ang aking mga mata.

"Vaughn naman, e." Ngumuso ako at gan'un na lang ang gulat ko nang bigla niyang hinalikan ang aking labi. Wala talagang pinipiling lugar ang lalaking 'to.

"Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo, Cinderella. If kissing you will make you quiet, I'll kiss you every time you think too much."

Umirap ako at napangisi lang ulit siya habang inaalalayan akong maupo sa malambot na sofa. Tumabi siya sa akin at agad na lumapit ang waiter para sabihing igagayak na ang mga pagkain. Pormal lang na tumango si Vaughn at agad na umakbay sa akin.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now