Chapter 34

98.5K 2.8K 161
                                    

CHAPTER 34

NATALIA's POV

Halos buong maghapon ang lumipas ay wala man lang Vaughn na nagparamdam sa akin. Kanina pa ako mangiyak-ngiyak dahil pakiramdam ko ay biro lang ang lahat nang ito. Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil sa sobrang bilis kong maniwala. Ayan nga at kakasabi lang niya ng totoong feelings niya kagabi, wala na kaagad siya. Gan'un kadali. Ang bilis ko kasing magpauto.

"Uy, Natalia, okay ka lang?" tanong pa ni Jhane na biglang sumulpot sa aking likuran. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya dahil sa paglipad ng aking utak. Saglit kong ikinubli ang aking mukha sa kanyang paningin at mabilis na pinunasan ang luhang agad na bumasa sa aking pisngi. Kanina pa pala ako nae-emote.

"O-okay lang..." mapakla ko namang sagot. Hindi naman kami close para magsabi sa kanya. Wala naman din akong itinuturing na kaibigan simula pagkabata. Nasanay akong nag-iisa at walang inaasahan.

"Parang kanina ka pa umiiyak. May problema ba?" nag-aalalang tanong pa niya. Gan'un na pala ako ka-obvious. Wala ako sa sariling humugot nang malalim na buntong-hininga bago marahang umiling. Masyadong mabigat sa dibdib ang mga imaheng tumatakbo sa isip ko. Pero ano nga bang magagawa ko kung hindi pala seryoso si Vaughn sa sinabi niya kagabi? Ugh, kung puwede ko lang tigilan ang pag-iisip. Paano ko nga ba masasabing totohanan na ang intensyon niya ngayon kung umpisa pa lang, wala na siyang ginagawa?

"W-wala... May naiisip lang ako." Mapait akong ngumiti pero mabilis na nag-iwas nang tingin.

"Are you sure?" paniniguro pa niya.

"Yup." Tumango ako at pinilit ngumiti nang masaya.

Alanganin man ay hindi na rin siya nangulit at pinuntahan ang natanawan niyang customer na namimili na sa kanyang section.

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at mariing kinagat ang aking labi. Kailangan ko sigurong tanggapin na walang prince charming na nakalaan sa akin. Iyon lang 'yun.

Hinarap ko ulit ang mga damit na nagulo ng mga customer at inayos iyon. Kailangan ko na lang muna libangin ang sarili ko para hindi na ako mag-isip. Namumugto na ang mga mata ko kakaiyak. Kainis.

♫♪ I remember what you wore on the first day

You came into my life and I thought hey

You know, this could be something. ♪♫

Napamaang ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Literal na tumigil ang puso ko pagkakita sa gwapong mukha ni Vaughn na bahagyang nakangiti habang kumakanta.

♫♪ 'Cause everything you do and words you say

You know that it all takes my breath away

And now I'm left with nothing. ♪♫

Napatitig ako sa mga barkada niyang may hawak na roses at nakangiting tumitig sa akin. 'Yung isa ay may hawak na gitara at siyang tumutugtog pero may nakaipit pa ring bulaklak sa kanyang likuran. Mabilis na nagluha na naman ang aking mga mata at lumipad ang mga palad ko sa aking bibig. Panaginip lang ba ang lahat nang ito?

♫♪ So maybe it's true

That I can't live without you

And maybe two is better than one

But there's so much time to figure out the rest of my life

And you've already got me coming undone

And I'm thinking two is better than one. ♪♫

May biglang sumulpot na babae sa tagiliran ni Vaughn at nakikanta rin sa kanya. Nakangiti siya sa akin at kumindat din kay Vaughn. Parang kita ko na ang mukha niya pero hindi ako sigurado.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now