Chapter 45

88.9K 2.7K 282
                                    

CHAPTER 45

NATALIA's POV

Kanina pa ako nanlalamig.

Matapos na ayusan at bihisan ay hindi ko pa rin sigurado kung tama nga bang sumama ako kay Austin sa investor's dinner na iyon.

"You looked beautiful, Nat." Malalam ang mga mata ni Austin habang sinasabi iyon.

Mataman kong tinitigan ang aking sarili at saglit na namangha sa pagkakaayos sa akin.  Nakalugay at bahagyang kinulot ang dulo ng aking buhok. May kaunti rin akong make-up at tamang naging accent ang mapula kong lipstick. Bumagay din sa edad ko ang custom made na dress na color flesh sexy halter with beading na naglilitaw ng aking flat na tiyan at floor length na white chiffon skirt na may accent na beaded belt.

Mukha akong ibang tao sa aking suot. Mukha akong prinsesa kung titingnan at mas moderno ang disenyo. Ang white stiletto na bigay din ng aking amo ay kataka-takang sobrang komportable isuot. At lahat nang iyon ay ginastusan ni Madam Erlinda para lang sa gabing ito.

"Hindi ko yata kaya." Alanganin ko pa siyang pinigilan sa braso at saglit naman siyang napahinto. Nasa lobby kami ng hotel patungo sa function hall. Nanlalamig ako at parang nagbabalik lang lahat ng mga masasakit na alaala.

"Look, Nat. You'll be fine. I promise you that, hmm?" Pinisil niya ang baba ko at agad na nag-init ang aking pisngi. Kakaiba na kasi ang mga titig ni Austin. Unti-unti na akong nakakaramdam nang pagkailag.

Tumango ako at pinilit na ngumiti. Mukhang hindi rin naman siya papayag na umatras pa ako.

Bahala na nga.

Nilakad namin ang kahabaan ng lobby papasok sa pagdarausan ng munting salo-salo na iyon. Medyo pormal ang setting at halos lahat ng mga nakakasabay namin ay hindi pahuhuli ng suot. Lalong bumibilis ang pintig ng puso ko sa bawat hakbang namin ni Austin. Para akong hihimatayin na hindi ko maintindihan.

Nang pumasok kami sa entrance ay bumungad ang fully carpeted hall na napapaligiran ng mga naglalakihan at nagkikinangang chandelier. Nakapaikot din ang mga bilog na table na may kulay white at gold. May flower arrangement din sa bawat table at may kandila sa gitna. Simple lang ang disenyo sa buong paligid pero sumisigaw iyon sa pagiging elegante.  Maging ang madilaw dilaw na kulay ng mga ilaw ay bumagay sa formal ambiance.

Nakipagbatian si Austin sa mga nakakasalubong niya at ipinakilala ako. Tanging matitipid na ngiti ang naisusukli ko dahil ngayon pa lang ay hindi na ako mapakali.

"You looked tense, Nat. Relax." Tipid pa siyang ngumiti sa akin sabay pisil sa aking pisngi.

Ngumiti ako at pinagtakpan ang pagtahip ng dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi nagtagal ay namataan ko ang mukhang nagpatigil sa pag-ikot ng aking mundo. Bakas ang gulat sa kanyang mukha na tila ba hindi inaasahan ang pagkakita niya sa akin. Nanigas ang kanyang panga at agad ding nagluha ang aking mga mata. Bumalik ang mga masasakit na alaala at parang mas gusto ko na lang magtatakbo palayo.

Literal na nanigas ang aking mga tuhod nang makita kong papunta sila ni Sam sa kinakatayuan ko. Nilingon ako ni Austin na para bang sinasabing magiging maayos lang ang lahat. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baywang at pormal siyang tumango kay Vaughn na noon ay ilang hakbang na lang ang layo sa aming dalawa.

"Mr. Briones," malamig na bati ni Vaughn at nalaglag naman ang mga mata ko sa sahig.

"Mr. Del Rosario," pormal na bati naman ni Austin at hindi ko alam kung dapat ba akong mag-angat nang tingin.

"Where's Madam Erlinda?" tanong pa ni Vaughn habang nanatili akong nakayuko. Pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin at pinagmamasdan ako.

"She's on her way. May dinaanan lang na kumare niya," kaswal na sagot ni Austin. Ramdam ko ang kanyang kamay sa naka-expose kong balat sa baywang. "By the way, I would like you to meet Natalia," pakilala pa ni Austin sa akin at hindi ko alam kung mag-aangat ba ako nang tingin o papaano.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon