Chapter 16

107K 3.1K 125
                                    

CHAPTER 16

NATALIA's POV

Kinabukasan tulad nang napag-usapan namin ni Vaughn ay nag-apply na ako ng trabaho. Iyon nga lang ay sa tulong pa rin niya. Sa isang shopping mall malapit lang din naman sa opisina nila ako pumasok bilang sales lady. Kung sabihin ay may connection siya sa loob ng Greene's Mall na 'yun. Hindi ko lang akalain na ganoon pala talaga kalawak ang connections niya at nagkataon pang kaibigan niya ang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.

Noong mismong araw din na iyon ay nakapagsimula ako nang walang kahirap-hirap! Naka-provide rin kaagad ang uniform ko pati na rin ang sapatos. At sa tantiya ko ay may kagagawan pa rin talaga si Vaughn dito.

"Uhm, puwedeng magtanong?" tila nag-aalangan pang tanong n'ung kasamahan ko sa trabaho. Siya pa lang din ang nagtangkang kumausap sa akin ngayon. Pasimple kong tiningnan ang name tag niya at Jhane pala ang pangalan niya.

"S-sure..." Alanganin pa akong tumango at saglit na iginala ang tingin sa paligid namin. Buti na lang din at wala pang masyadong tao sa mga oras na 'yun.

"Boyfriend mo ba si Sir Vaughn?" halos pabulong pa niyang tanong at hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang dapat na isagot doon.

"Huh, e, h-hindi. Magkaibigan kami," alanganin pang sagot ko dahil alangan namang sabihin ko ang totoong estado naming dalawa.

"Ahh..." Tumangu-tango pa siya at mapaklang ngumiti. "'Wag ka mao-offend, ha." Bahagya pa niya akong tinapik sa balikat. "Playboy kasi 'yun. Iba't-ibang babae palagi ang kasama."

"Oh..." Nagkunwari akong walang alam at curious din ako kung gaano ba ka playboy si Vaughn. "Talaga? As in iba-iba?"

"Oo," halos pabulong pa rin naman niyang sagot at lumingon pa sa aming likuran. "Pinagsho-shopping nga din niya 'yung iba. Pero mukhang mayayaman din at may kaya sa buhay."

"Talaga? Siraulo nga, e, 'no," sang-ayon ko pa at hindi ko maintindihan kung bakit may kurot iyon sa aking dibdib.

"Akala ko nga magse-seryoso na 'yan kay Ma'am Sam. Pero hindi pa rin pala."

"Sam?"

"Kababata niya 'yun. Ang ganda kaya ni Ma'am Sam. Nakita mo na rin siguro 'yun dahil kaibigan mo, 'di ba?"

"Ah, oo." Mabilis pa akong tumango at kung hindi ako nagkakamali ay 'yun ngang babaeng nakita naming noong isang araw ang tinutukoy niya.

"Pero paano kayo naging magkaibigan ni Sir Vaughn?" pasimple pang usisa niya.

"Mahabang kuwento," iwas ko na lang at ayoko na rin namang magbigay pa nang kahit na anong impormasyon. Alam ko namang sa klase nang pag-uusisa niya ngayon ay nahuhulaan na nila kung ano nga ba ako ni Vaughn. Ayoko na lang din dagdagan pa nang kasinungalingang maaari rin naman nilang mabuko balang araw.

"Ang daya. Magkuwento ka naman. Ang daming may crush kay Sir Vaughn. Kaya lang 'di naman kami papatulan n'un. Puro modelo ang nakaka-date n'un, e." Ngumuso pa siya at tila nagsusumamo. Pero wala na rin talaga akong balak na dagdagan pa ang kuwento ko.

"Tinulungan lang niya ako magkatrabaho," tipid na sagot ko na lang at muli na naman siyang napasimangot.

"Seryoso? Wala talaga?" pangungulit pa niya pero sa halip na sumagot ay sinalubong ko na lang ang customer na malapit sa amin para tantanan na niya ako sa kakatanong. Wala na rin naman akong magagawa sa kung anong isip nila mayroon kami ni Vaughn. Ang importante na lang ngayon sa akin ay kumita ako at makapag-ipon.

Nang sumapit ang alas seis nang hapon ay mas lalong dumami ang mga customer. Pero ganoon na lang din ang gulat ko nang mamataan ko si Vaughn na papalapit sa kinalalagyan ko. Agad na nahagip ng mga mata ko ang mapanuring tingin ng mga bagong kakilala ko sa trabaho.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now