Chapter 46

85.9K 2.9K 336
                                    

CHAPTER 46

NATALIA's POV

Mahigpit na hinawakan ni Vaughn ang aking kamay at hinila ako patungo kung saan. Kunot-noong napatingin sa akin si Austin at agad na napasunod sa amin ni Vaughn.

"Bitiwan mo nga ako!" Hinampas ko siya sa braso at tamad lang niya akong nilingon.

Wala pa rin siyang sinabi at nagpatuloy pa rin sa paghila sa akin. Ipinasok niya ako sa isang opisina at galit na hinarap.

"I can't believe na nakikipag-usap ka pa kay Tito Charlie! Nasa paligid lang si Tita Marcia!" galit pang aniya at igting ang kanyang panga. Para bang nagpipigil siyang pagalitan ako nang husto.

"Wala akong pakialam sa Charlie na 'yun at pati na rin sa asawa niya!" gigil kong sabi habang kuyom ang mga palad.

"Gad, Natalia! You shouldn't be here!" nate-tensyong sabi pa niya habang panay ang martsa sa aking harapan. Ilang beses din niyang ginulo ang kanyang buhok sa sobrang inis o galit na hindi niya magawang mailabas.

"Wala akong ginagawang masama sa kahit na sino. Hinusgahan na ninyo ako! Wala na akong pakialam!" sigaw ko pa kasabay nang pagtutubig ng aking mga mata.

Napahinto siya sa pagmamartsa at matamang tumitig sa akin. Bakas ang pagkalito at lungkot sa kanyang mga mata.

"Natalia!" Agad na bumukas ang pinto at iniluwa noon si Austin na alalang tumitig sa akin. "Are you all right?" Mabilis siyang nakalapit at hinaplos ang aking pisngi.

Napaawang ang aking labi sa kanyang ginawa at muli na namang nakaramdam nang pagka-ilang. Hindi naman siya ganito sa akin nitong nakakaraan.

"I'm okay." Tipid akong ngumiti at sumulyap kay Vaughn na nagdidilim na naman ang mukha. Igting ang kanyang panga at mabigat din ang paghinga. Mukhang kaunti na lang ay sasabog na naman siya.

"May problema ba, Mr. Del Rosario?" pormal pang tanong ni Austin at marahang humarap kay Vaughn.

Napatikhim si Vaughn at malalim na napahugot nang buntong-hininga.

"No ones touching what's mine, Mr. Briones," matigas pang sabi niya at muling mabilis na lumapit sa akin. "Can you give us a moment, please."

"Walang sa'yo, Vaughn," masungit pang sabi ko sabay hila kay Austin palayo.

"You will always be mine, Natalia," seryosong pahabol pa niya at muling lumakad palapit sa amin. Pero sa halip na huminto ay nagdiretso lang siya sa may pinto. "You'll be my wife and there is nothing you can do about it." Dire-diretso na siyang lumakad at hindi na kami nilingon.

Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi naman na ako nilapitan ni Vaughn. Gusto ko na sanang umuwi pero tsaka pa dumating si Madam Erlinda. Sa tantiya ko ay maganda ang relasyon niya sa mga Del Rosario base na rin sa klase nang pakikipag-usap niya sa mga ito. May mga pagkakataon pa ring nagkakahulihan kami nang tingin ni Vaughn pero ako rin ang kaagad na nag-iiwas. Sariwa pa sa alaala nila ang mga nangyari noon kaya't nanatili akong nakayuko dahil ayokong may makakilala na naman sa akin.

"Look who's here." Agad akong napaangat nang tingin at nasalubong ang galit na mukha ni Marcia.

Makahulugang napatingin sa akin si Madam Erlinda at Austin. Napatiim-bagang din si Austin na makahulugan ding nakipagsulyapan sa kanyang ina.

"Marciana Fuentebella. Is that right?" pormal pang tanong ni Madam Erlinda at makahulugan ding ngumiti sa akin.

"Madam Erlinda," pormal naman ding sabi ni Marcia at mabilis na nakipagbeso sa matanda.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now