Chapter 2

125K 3.4K 150
                                    



CHAPTER 2

VAUGHN CRAIG's POV

My life is getting boring. Si Terrence na nga lang ang kasa-kasama ko sa gimmick, ang dalas pang 'di available. Like me, sobrang taas ng expectations sa kanya ng parents niya kaya't abala rin sa trabaho kadalasan. At balita ko pa, dumating ang singer ex girlfriend niya galing abroad. Kinakabahan din ako sa gagong 'yun, ah. Mukhang papares na siya kina Chance, Ty at Dalton. Fvcking just one pussy in their lifetime, huh? But nah, I don't think I'll ever be like them. Well at least not at this moment. Gusto ko pang i-enjoy ang buhay single. No complications. No strings attached.

"Come on, dude. Puro trabaho na lang ba ang aatupagin mo?!" Inis na tanong ko pa kay Terrence.

"I really can't, dude. I'm so busy right now," taranta pang sagot niya at kung hindi ako nagkakamali ay babae ang naririnig ko sa background.

"Are you on a date?" Kumunot ako at napailing. Don't tell me, dinapuan na rin ni kupido itong si Terrence. I couldn't believe this. Ako na lang ba talaga ang nasa tamang isip sa aming lima?

"No, dude. I really need to go. See you some other time."

"Wha—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad na pinutol niya ang tawag. Who am I going to call now, eh? This is insane.

Irritable akong naupo sa swivel chair at nag-isip. Pero ang tagal ko nang nakaupo ay wala pa rin akong maisip na puwede kong isama. Shit. Taken na yata lahat ng mga kakilala ko. Like seriously, ako na lang ba ang napag-iiwanan? Jeez, this is not happening.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang coat kong nakasabit. I need to get out. I'm starving.

Lumabas ako sa building at mabilis na iginala ang tingin sa paligid. Hmm... where am I going to eat? Gusto ko sanang tawagan si Ton, but I'm pretty sure sobrang busy pa rin niya sa kanyang mag-iina. Si Terrence lang sana ang madaling tawagin sa lahat pero busy naman ang gago.He had the fvcking signs. Damn.

Nalibang ako sa paglalakad at halos 'di ko namalayan kung saan ako papunta. Pero isang tanawin ang hindi ko inaasahang makita. The stripper at the club. Hmm, this is interesting.

Palihim ko siyang sinundan at wala akong idea kung saan siya papunta. She's just wearing a baby tee and fitted jeans. Wala rin siyang makapal na make-up. At kung tutuusin ay parang ibang babae nga ang nakikita ko ngayon kung hindi ko lang natitigan ang mabibilog niyang mga mata. Oh, yeah right. She's very pretty. She's a lot attractive without a make-up on. And, she doesn't look like a stripper to me at all.

Hindi naman nagtagal ay pumasok siya sa isang mumurahing carinderia. Holy fvck! Nasaan na nga ba ako? Napailing na lang ako at halos 'di ko na alam kung saan na nga ba ako nasuot. Malayung-malayo sa kapaligiran ng building namin ang nakikita ko ngayon. Ugh, Vaughn! You're too busy watching her ass and now you're lost, dickhead!

What the hell am I thinking?! Jeez!

But then, nandito na 'to, e. Might as well enjoy myself watching her reaction after what she did to me the other night. That encounter surely was unforgettable. I almost lost a tooth. Damn, this girl.

Pumasok ako sa carinderia na 'yun at agad ko rin siyang natanawan na naglalagay ng apron. Ang sipag, huh? Stripper at night and waitress at day. Great.

********

NATALIA's POV

Gusto kong magwala sa inis pero wala akong magawa. Papaano kasi ay nakauwi na ako sa bahay nang pabalikin pa ulit ako sa restaurant. At ang sama pa nito ay pinadaan kay Nanay Tere ang text kaya't 'di ko nagawang tumanggi. Mukhang veinte cuatro oras na naman akong gising nito.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt