Chapter 50

105K 2.9K 353
                                    


CHAPTER 50

VAUGHN CRAIG's POV

"So, what do you think of that?" nakangising tanong pa ni Dalton.

"You want me to die?" asik ko pa kay Dalton na hindi matatawaran ang ngiti sa labi.

"Love is about sacrifice. Ayaw mo n'un? Ang ganda kayang ending noon!"

Nagtawanan ang barkada. Obviously, they are enjoying torturing me.

"But it's gross, dude. At sa tingin mo saang lupalop pa mangongolekta si Natalia ng mga dumi at ihi?" natatawang sabi pa ni Terrence.

"Aish, ganyang ganyan mga nangyayari sa teleseryeng pinapanood nila Janella at Jordan!" depensa pa ni Dalton na nakangisi pa rin.

"Pati nga si Kirsten, hawang-hawa na!" reklamo pa ni Chance.

"At bakit kailangang maghalikan pa sila?" inis ko pang asik kay Dalton.

"Dude, dapat magmukha kang kaawa-awa! E, gago ka sa una mong eksena, so, dapat lang na halos mamatay ka na sa sobrang selos at sakit!" tawang-tawa pang sabi ni Dalton. I rolled my eyes in frustration.  "And, besides, sa dami mong fans turned to haters, they would agree with the ending."

"Fans?"

"Just recently, my wife Janella, Jordan, Kirsten and Chloe created the VCDR Haters Club.  Isama mo pa pala si Isay na na-recruit na nila," natatawa pa ring sabi ni Dalton. Puro kalokohan ang alam ng gagong ito.  "Dahil sa sinira mo ang story ni Cinderella, ayun, haters mo na sila."

Malakas na naman silang nagtawanan. These people I called my friends, huh?

"E, bakit pinatay mo agad si Vaughn? Sana na comatose man lang o kaya nagka-amnesia. Mas exciting sana," natatawang komento rin ni Chance sabay nakakalokong ngumiti sa akin.

"Yeah, well, I was thinking about that, too. Mas maganda nga siguro kung mas nahirapan pa si Vaughn, para makabawi man lang siya kay Natalia, hindi ba, dude?" nakangising baling pa sa akin ng gago. 

"You're terrible," pasuplado ko pang sabi. "Natalia will never be like that. She's Cinderella. Her heart is pure," iiling-iling ko pang komento.

Hindi ko alam kung nandito ba sila para tulungan ako o para mas lalo lang akong bigyan ng stress. Matagal na panahon na nga akong hindi mapagkakatulog sa sobrang takot at pag-aalala.

May kung ilang beses na nga rin akong nananaginip tungkol kay Natalia at Austin. Those dreams that made me so restless. I hope she wasn't kissing Austin. I hope it wasn't too late for me to fix things. Hindi man kaaya-aya ang aking panaginip, there was something good about it. I get to see her beautiful face I've been missing since the day she left.

I couldn't deny it. I am still very much in love with her. At kahit pa anong pagkakamali ang nagawa niya noong nakaraan, handa akong tanggapin iyon bumalik lang ulit siya sa akin.

"May invitation ka rin ba galing kay Madam Enriqueta Briones? 'Yung Lola ni Austin," nang-uusisa pang tanong ni Terrence. He was referring to Austin's grandmother.

Kasalukuyan kaming umiinom sa bar ni Danzel. Paminsan minsan akong bumabalik sa Bistro sa pag-iisip na mapunta roon si Natalia.  Though, umaasa akong hindi na siya bumalik doon.

"Yeah." Tamad akong tumango sabay inom ng Vodka.

"So, you'll get to see Natalia again, huh?" nakangisi pang sabi niya at napailing lang ako. Hindi ko pa rin alam ang dapat na gawin para lang kausapin niya ako.

"Austin is all over her," inis pang sabi ko lang at muling nagsalin ng alak sa baso. Naiisip ko pa lang kung paano niya hawakan si Natalia sa baywang ay gusto ko na magwala.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now