Chapter 39

83.7K 2.7K 168
                                    


CHAPTER 39

VAUGHN CRAIG's POV

February 24th. 

Well, today happens to be my birthday.

This is actually the first time that I am celebrating without my parents. I am not complaining though because I would be celebrating it with people I cared about. 

I am celebrating it with my love.

My Natalia. 

I wonder why she didn't greet me yet?  Nakalimutan kaya niya?

Nasa kalagitnaan ako nang pagta-trabaho noon nang makatanggap ako ng text galing kay Dalton. May text siyang lugar kung saan daw puwedeng magkita-kita ang tropa. Hindi naman na bago ang surprises. Nakakalamang na inuman na naman iyon. Pero sana 'wag naman silang magdala ng babae at malalagot ako kay Natalia kapag nagkataon.

Good boy na kaya ako... not just on bed.


Nakalipas ang buong maghapon na hindi man lang nagparamdam si Natalia. Ni hindi man lang niya ako binati ng happy birthday. Nakalimutan ba talaga niya? Pero impossible naman dahil kakatanong lang din niya sa akin noong nakaraang araw. Pero bakit nga ba hindi man lang niya ako binati ngayon? Jeez, Vaughn, kailan ka pa natutong maghanap?

Naabala lang ako sa aking pag-iisip nang tumawag ang secretaryko at sinabing nasa labas daw si Sam. I sighed deeply.  Hmm, it's been a while. Okay na kaya siya?

Hindi naman nga nagtagal ay pumasok si Sam at bumungad ang kanyang matatamis na ngiti. I really thought she's mad. Ang tagal niyang hindi nagparamdam sa akin.

"Happy birthday, Vaughn," nakangiting bati pa niya.  Masaya akong hindi niya nakalimutan ang birthday ko.  All those years, she was always the first one who remembered.  That thought made me really guilty. 

"Thank you, Sam." Tumayo ako at sinalubong siya nang yakap.

She hugged me back and gave me a kiss on my cheek.

"Labas naman tayo. My treat," imbita pa niya.

"Uhm, may plano kasi ang barkada today." Napangiwi ako at iyon naman din ang totoo. At kailangan ko pa rin puntahan si Natalia. Isasama ko siya sa kung ano mang plano ni Dalton.

"Ah, gan'un ba?" Dismayado naman siyang tumango at tipid na ngumiti. "Some other time maybe?"

"Oh yeah, sure. I'll give you a call then."

"By the way..." Iniabot pa niya ang isang maliit na paper bag. "Hope you will like it," nakangiti pa niyang sabi at kahit naman hindi ko pa nakikita ang laman n'un ay parang nahuhulaan ko na. She knew how much I wanted collecting watches.

"Hindi ka na sana nag-abala pa, Sam." Tipid akong ngumiti. Another pang of guilt crept on my sytem again. Alam kong umaasa pa rin siya sa aming dalawa.

"I care about you, Vaughn. And, it's not that simple to forget you," malungkot pa niyang sabi. Napaiwas na lang ako nang tingin. May bigat ang mga salita niya pero may mga bagay na 'di puwedeng ipilit. Katulad nang pagmamahal na gusto niya. I love her, but not just the kind of love she expected from me. I can only give my heart to Natalia.

"I am really sorry for everything, Sam," seryoso ko pang sabi at gumuhit ang 'di maipaliwanag na sakit sa kanyang mukha.

"I knew that one of these days, you'll have a change of heart, Vaughn," mapait pa niyang sabi at hindi ko alam kung tama nga bang sabihin ko na sa kanya ang tungkol sa plano kong pagpapakasal kay Natalia. Itinikom ko ang aking bibig at pinigilang magsalita.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now