Chapter 47

88.7K 3.1K 329
                                    

CHAPTER 47

NATALIA's POV

"P-paano?" Naguguluhan akong napatitig sa kanya.

Malalim lang siyang napahugot nang buntong-hininga bago ulit magsalita.

"Your father chose to love and left his family."

Saglit din akong natahimik at pilit na tinantiya ang ibig niyang ipakahulugan doon.

"Wala po akong maintindihan. Wala pong binanggit sa akin si Tatay bago rin siya mamatay." Napahawak ako sa aking noo. Ang daming tanong ang naglalaro sa utak ko.

"Sa kuwento noon ng aking namayapaang asawa, tinalikuran ni Kuya Ramonchito ang kanyang mga magulang makasama lang ang Nanay mo noon. Itinakwil siya ng mga Lolo at Lola mo, Natalia."

"Dahil lang po mahirap si Nanay, gan'un po ba?"

Tumango siya at malungkot na hinaplos ang aking pisngi.

"Nang mamatay ang Nanay mo, kinumbinsi siya ng mga Lolo at Lola mo na bumalik sa pamilya. Pero hindi na siya bumalik, Nat. Nagpakalayu-layo siya at hindi na nagpakita. Hanggang makamatayan na niya ang sama ng loob. Ibinilin ka niya kay Faustino at ipinahanap ka namin, kaya lang ay nakamatayan na rin ni Faustino ang paghahanap sa'yo."

"Paanong Briones kayo? Cruz kami?"

"Your father used your mother's surname. Sinadya niya na iyon ang gamitin para hindi na siya guluhin ng mga Lolo at Lola mo."

"Magpinsan kami ni Austin?"

"No, anak ko sa pagkadalaga si Austin, but Faustino adopted him. Hindi kami nabiyayaan ng anak ni Faustino," malungkot pa niyang sabi kasabay nang pagluluha ng kanyang mga mata.

"Buhay pa ang mga Lolo at Lola ko?"

"Your grandfather died two years ago. Noon lang din nila nalaman na matagal na palang namatay si Kuya Ramonchito. Wala kaming kaalam-alam, Nat. Kahit kay Faustino ay nawala na ang komunikasyon niya. Isang beses na nagpakita ang Tatay mo kay Faustino at may bago na ulit asawa. Ni hindi nga niya nakilala ang madrasta mo. Hindi rin namin alam na nagawa pala magpundar ng Tatay mo nang sarili niyang bahay. Wala kaming alam, Nat. Kahit hirap na hirap ang Tatay mo ay wala siyang alam sa buhay na pinasok niya, nanindigan siya para sa Nanay mo. Nanindigan siya sa pagmamahal. Iyon nga lang, ang aga ring namatay ng Nanay mo."

Yumuko ako at pinigilan ang humagulgol nang iyak. Simula pa lang pala kay Tatay at Nanay naranasan na nila ang itakwil nang ibang tao. Hanggang sa akin ba naman iyon pa rin ang kapalaran ko?

"Noon pa man ay may lead na kami sa'yo pero hindi konkreto ang mga impormasyon. Pero malakas ang kutob ko dahil malaki ang hawig mo kay Tito Ramonchito. Pinaimbestigahan ka namin at doon ko napag-alamang anak ka ni Kuya Ramonchito. Pinasubaybayan ka namin at nagkataong naghahanap ka pala ng trabaho, kinuha namin ang pagkakataong makasama ka, Nat. Hindi lang namin magawang ipagtapat ni Austin ang lahat because you were so broken at that time."

"At bakit n'yo pa po sinasabi sa akin 'to ngayon? Wala na rin naman ang Tatay ko. Hindi rin ako tanggap ng Lola," naghihinanakit ko pang sabi.

"No, Nat. Your grandmother wanted to see you. Ikaw ang nag-iisang lehitimong tagapagmana ng mga Briones. Nagsisisi na si Mama sa mga nangyari noon. Gusto ka niyang makilala, Nat."

Mabilis na naglandas ang aking luha sa pisngi. Hindi ko pa rin alam ang dapat na maramdaman. Sa dami ng mga pinagdaanan ko, ang hirap na maniwala. Parang wala na akong mga taong puwedeng pagkatiwalaan.

"You didn't deserve to be treated like you're a trash, Nat. Because from the very start, you were a precious gem."

Nanginig ang labi ko at napahagulgol. Niyakap niya ako at hinagud-hagod ang aking likod.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now