Chapter 11

113K 3.5K 153
                                    


CHAPTER 11

NATALIA's POV


Tahimik lang ako habang nakasakay sa magarang sasakyan ni Vaughn. Nananatiling seryoso ang kanyang mukha at nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa niya akong iligtas sa kabila nang ilang beses kong pagtanggi sa kanya. Natatakot pa rin ako sa possibleng hingin niyang kapalit. Pero kung wala naman din akong pagpipilian, siguro nga ay mas gugustuhin kong sa kanya na lang sumama kaysa kay Mr. Capingco.

Napatingin ako sa labas at hindi ko na naman naiwasang magluha. Ibinenta ako ni Nanay Tere sa halagang one hundred thousand. Gan'un kadali lang pala para sa kanya ang ipagpalit ako sa pera. Matapos ang lahat nang pagsasakripisyo ko para sa pamilya ay ganito pa rin ang igaganti niya sa akin? Mabilis na naglandas ang aking luha sa pisngi at parang may kung anong kumukurot sa aking dibdib. Mariin kong kinagat ang aking labi sa pag-asang mapipigilan ko ang maiyak pero mas lalo lang iyong umagos at tuluyan akong napahikbi. Awang-awa na ako sa sarili ko.

Pero saglit akong natigilan nang may panyong iniabot si Vaughn. Tahimik ko iyong kinuha at halos 'di ko rin narinig ang sarili kong boses nang magpasalamat. Wala rin naman akong narinig sa kanya at tahimik lang siyang nagmamaneho.

Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Siguro nga ay maniningil na rin siya sa tulong na ginawa niya kanina.

Pinasok namin ang isang condominium at mabilis na nagpark. Alanganin akong lumabas sa kanyang magarang kotse at ibig kong mailang. Iginala ni Vaughn ang tingin sa paligid at napabuntong-hininga pa nang mapatitig sa akin. Tanging coat lang niya ang aking suot at wala akong maamoy sa aking sarili kung 'di siya.

Kumunot ang noo ni Vaughn at itinuro ang gilid ng aking labi. "What happened to this?"

"S-si Nanay..." Yumuko ako at pinigilang umiyak. Ilang beses na nga ba akong nasaktan ng aking madrasta? Hindi ko na rin mabilang.

Hindi naman na siya nagsalita at ang malalim lang niyang paghugot nang buntong-hininga ang narinig ko.

"Come on." Naramdaman ko ang kanyang kamay sa ibabang bahagi ng aking likuran at inalalayan ako patungo sa elevator.

Pinindot niya ang button ng 48th floor at tila taranta pang napatitig sa floor na inaakyatan ng elevator. At nang huminto iyon sa 7th floor ay agad siyang humarap sa akin na para bang itinatago ako sa paningin nang iba. Tiningala ko siya at langhap na langhap ko ang kanyang bango. Kumalabog ang puso ko at tila naaawa lang siyang napatitig sa akin. Huminto pa rin iyon sa ilang floor at nananatiling nakakubli ako sa kanya. Nang makarating kami sa kanyang floor ay mabilis niyang ginagap ang aking kamay at hinila patungo sa kanyang suite.

"May masakit ba sa'yo?" Dinungaw pa niya ako habang isinusuksok ang card key sa pinto.

Umiling ako at nauunahan na ako nang takot hindi pa man.

Nang buksan niya ang pinto ay awtomatikong nagbukas ang ilaw at aircon sa loob. Kulay black at white lang ang nakikita kong kulay at halos wala ding palamuti sa loob. Makintab ang kanyang sahig na tila marble at sobrang linis. Amoy Vaughn sa loob ng suite.

"Hungry?" tila nagsusungit pa niyang tanong at wala ako sa sariling umiling. Kanina pa nga palang tanghali ang huling kain ko at 'di pa ako naghahapunan pero ayoko namang makikain pa lalo pa nga't two hundred thousand ang kabayaran ko.

"Are you sure?" nakakunot-noo pa niyang tanong pero ipinagkanulo ako ng aking tiyan nang malakas iyong kumulo. Shit. Agad na nag-init ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now