Chapter 20

106K 2.4K 57
                                    

NATALIA's POV

Nagpatianod ako sa gustong mangyari ni Vaughn. 

Nang marating namin ang sukdulan ay unti-unting bumagal ang kanyang paghinga at bago umalis sa aking ibabaw ay muli niya akong hinalikan. Matapos noon ay lumagay siya sa tagiliran ko at mahigpit akong niyakap. Hinalik-halikan niya ako sa may leeg at tainga. At may parte sa puso kong nasasaling niya sa tuwing ganoon ang ginagawa niya matapos naming magsiping na dalawa. Ayoko sanang isiping espesyal ang pagtrato niya sa akin pero ganoon ang pakiramdam.

"Ilang babae na ang nadala mo dito, Vaughn?" wala pa sa sarili kong tanong at nilingon ko siya. Halos magtama ang aming mukha at nasalubong ko ang bughaw niyang mga mata.

"Ikaw pa lang," seryoso pa niyang sagot sabay hapit nang mas malapit sa akin.

"Even Sam?"

"Hindi ko babae si Sam."

Natahimik ako sa kanyang sagot at hindi ko naiwasang magselos. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi naman tama na makaramdam ako nang kahit na ano. Bukod sa wala akong karapatan, wala akong dapat na maramdaman umpisa pa lang.

"Hanggang kailan ako magbabayad, Vaughn?" mapait pang tanong ko sa kanya at bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Gusto mo na bang makawala, Natalia?" seryosong tanong pa niya at gusto ko yatang pagsisihan ang tanong. Para kasing nadismaya siya na 'di ko mawari.

"Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang din mapaghandaan ang lahat, Vaughn."

Hindi siya nakakibo at sa halip na sumagot ay humiwalay sa akin at dumiretso nang higa. Idiniretso niya ang tingin sa ceiling at malalim na napabuntong-hininga.

"Don't worry, Natalia... Matatapos din 'to. Just let me enjoy this moment with you." Dinungaw niya ako at mapait na ngumiti.

Marahan lang akong napatango at ako naman ang pumaling sa kanya para yakapin siya nang mahigpit. Wala naman sigurong masama kung i-enjoy ko rin ang panahong kasama siya. Alam kong mamimiss ko rin si Vaughn.

Saglit siyang humiwalay sa akin at may kung anong dinukwang sa side table. Nakangiting iniabot niya iyon sa akin at iyon pala ay isa iyong digital album.

Ipinakita niya sa akin ang pictures niya noong kanyang kabataan at nakakatuwang makita kung ano siya noon.

"Ang gwapo mo talaga," wala sa loob kong sabi habang tinitingnan ang mga pictures.

Matamis siyang napangiti at mahigpit lang ulit akong niyakap. "I know right."

"Eto si Sam?" Itinuro ko sa kanya ang picture ng isang batang babae na mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Uhumm..." Bahagya siyang tumango at pinagmasdan din ang pictures nila.

"Close talaga kayo," mapait ko pang sabi at nakikita ko pa lang ang pictures nila ay parang ang dami na talaga nilang pinagsamahang magaganda. At 'di ko man aminin, may kurot iyon. Magkasama kami ni Vaughn ngayon para sa sex bilang pambayad utang. Malayung-malayo sa kung ano man ang nabuo nila ni Sam noon simula pagkabata.

"We grew up together. Believe me, she isn't sweet. She's a jealous girl. Lahat ng mga naging babae ko ay ginawan niya nang kalokohan noon para lang layuan ako," naiiling pa niyang sabi.

"Talaga?" Mangha pa akong napabaling sa kanya. Kunsabagay, hindi ko masisisi si Sam. Vaughn is breathtakingly handsome. Kahit sinong babae ay mage-effort talaga makuha lang siya. "So, papaanong na-inlove ka sa kanya?"

Malalim pa siyang napaisip habang hinahagud hagod ng likod ng kanyang mga daliri ang aking tagiliran. Halos tumayo ang aking mga balahibo sa bahagyang kiliti.

"She's sweet and caring." Mapait pa siyang napangiti sa kawalan. "She always do the unimaginable just to get my attention," natatawang sabi pa niya at bahagya akong dinungaw. "She loves me unconditionally."

"Bakit ginagawa mo pa rin ang mga bagay na alam mong puwede siyang masaktan?" Tiningala ko siya at matamang tinitigan.

"I wasn't ready. I felt there is still something missing. Something I cannot fathom." Tumitig siya sa akin at dinaanan ng daliri ang aking labi. "A part of me just can't kiss her like this." Dinampian niya nang halik ang aking labi at kasabay niyon ay ang pagkalabog ng aking puso. Oh no, Natalia. You can't fall in love with him. "All along I thought I was in love with her. I do crazy stuff with her suitors. I get rid of them discreetly. I was so overprotective."

"At ngayon, hindi ka na sigurado sa nararamdaman mo?" Kumunot ako at malalim lang ulit siyang napabuntong-hininga.

"I really don't know..." Mapait pa siyang ngumiti at kinuha na sa kamay ko ang digital album at ipinatong na ulit iyon sa side table. "My asshole friends knew nothing about how I felt for Sam. It's just recently they find out that something special is going on between us."

"They like her?"

"Sam is spoiled brat and she behaves like that most of the time. But then, she belongs to a wealthy family. We both have the same circle of friends. Everybody has no choice but to be friends with her, even if Ton didn't really like her."

"Ton?"

"Dalton Ace."

"Oh, 'yung asawa n'ung magandang babae sa mall na may dalawang cute na bagets?"

"That's him." Bahagya pa siyang tumango bilang pagkumpirma.

"Are you going to marry her?" Nahirapan akong itanong iyon at pakiramdam ko ay nagbara ang lalamunan ko sa mga salitang iyon.

Napailing lang siya at iniangat ang baba ko para diretso akong matitigan. Napatikhim siya nang mahapyawan na naman nang tingin ang hubad kong katawan.

"Let's not ruin the mood here, Cinderella. For now, all I want to do is kiss you."

Hindi ko na nakuhang magsalita dahil sinakop na niya ang labi ko. At kasabay nang paghalik niyang iyon ay ang malakas ding pagpintig ng aking puso. 


********

Dear Angels and Readers,

Completed SPG Part is posted on the separate book. External link provided below. Hindi ko lang po alam if nakikita sa cp or sa pc lang iyon. Kung hindi po makita, pakihanap sa profile ko ang HMC PRIVATE CHAPTERS. Thank you. Sa mga bagets, iyan na lang muna basahin. 

❤ Ate Mommy Dean

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now