Chapter 36

92.4K 2.6K 112
                                    


CHAPTER 36

NATALIA's POV

May kung ilang araw na ang lumipas simula nang magkasagutan sina Vaughn at Sam. Kasa-kasama ko si Vaughn pero madalas ko rin siyang makitang nalulungkot.

Nasasaktan ako.

Pero hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Natatakot ako na biglang magbago ang isip niya sa amin.

Paano kung si Sam pala talaga ang mahal niya at hindi ako?

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at mapait na ngumiti sa repleksyon ko sa salamin. Kailangan kong maging handa. Dahil lahat ng mga naiisip ko ay possibleng mangyari. Masakit iyon pero ano nga bang magagawa ko? Ano nga ba ang panlaban ko sa ilang taon nilang pagsasama kumpara sa amin? Magkakilala na sila simula pagkabata. Ako naman ay nakilala lang niya sa club kamakailan lang? Mayaman si Sam. Mahirap lang ako.

Sino nga bang mas pipiliin ni prince charming?

Inalog ko ang aking ulo at nagdiretso palabas ng comfort room. Kasalukuyan akong nasa trabaho ngayon pero kahit na anong pilit kong pasiglahin ang aking sarili ay hindi ko magawa.

Naglakad ako pabalik sa aking puwesto pero ganoon na lang ang gulat ko nang biglang may humigit sa aking baywang at mariin akong hinalikan sa labi! Sasampalin ko na sana ang taong gumawa noon pero ang gwapong mukha ni Vaughn ang nakita ko.

"I missed you," bulong pa niya sa aking labi.  At hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napaiyak.

Hinila niya ako patungong fire exit at pagdating doon ay hinalikan na naman niya ako. Napakapit ako sa kanyang braso dahil sa mariing dampi ng kanyang labi. Hindi ko alam kung dapat ko bang katakutan iyon.

"I'm sorry..." humihingal na bulong pa niya at patuloy lang ang pagbuhos ng luha ko. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang daliri kasunod nang mapait na pagngiti.

"Hihiwalayan mo na ba a-ako, V-vaughn?" Nanginig ang boses ko at matamang tumitig sa kanyang mukha.

"What?" Kunot-noo pa siyang napatitig sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko na iyon. Pero kailangan ko nang itanong ang gumugulo sa isip ko. Kailangan kong malaman kung nasaan nga ba ako sa puso niya. Gusto ko mang maging makasarili, paano naman ako sa huli? Paano kung hindi pala ako ang gusto niyang makasama hanggang sa huli? "I don't understand. Bakit mo nasabi 'yan?"

Napahikbi ako at saglit na bumitiw sa kanya.

"Are you in love with Sam?" Sinundan ko ulit ang tanong at napabuntong-hininga naman siya.

"I love Sam but not as much as I love you, Natalia," seryosong sabi pa niya at muli ay lumapit sa akin para haplusin ang aking pisngi. "I admit, I was not myself lately," pag-amin pa niya sabay mapait na ngumiti. "Sam is a very special girl for me."

Napayuko ako at ang sakit lang marinig na may ibang espesyal sa puso niya.

"She's like a sister and we shared beautiful memories together." Tila hinihiwa ang puso ko sa sakit na idinidulot ng mga salitang binibitiwan niya. Sa wakas ba na-realize na niya kung sino ba talaga sa amin ang pipiliin niya? "But those are not enough, Natalia." Iniangat niya ang aking mukha at muling pinunasan ang luhang bumasa sa aking pisngi. "I'm in love with you. You're not just special... You are my life. I just can't imagine myself without you."

"Vaughn..." Napaawang ang labi ko at hinanap ang sinseridad sa kanyang mga mata.

"Let's start anew, Natalia." Ginagap niya ang aking mukha at manipis akong hinalikan sa labi. "I love you."

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon