Chapter 22

99.7K 2.9K 104
                                    

CHAPTER 22

NATALIA's POV

Nag-ikot kami ni Vaughn sa mall na parang tunay na magkasintahan. Papaano naman kasi ay hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko simula kaninang nagsimula kaming maghanap ng panregalo sa kanyang mga inaanak. Ang nakakamangha pa roon ay talagang pangalan pa naming dalawa ang inilagay niya sa card. Hindi man ako komportable ay may bahagi sa aking natuwa sa ginawa niya. Hindi man totoo ang pagiging magkasintahan namin, nakakatuwa pa ring isipin na gan'un ang tingin niya sa aming dalawa. Hindi naman siguro masamang mag-ilusyon paminsan-minsan.

"Would you like to watch a movie?" Napasilip pa siya sa kanyang relo.

"Ikaw?" Sumulyap din ako sa aking relo. Maaga pa naman. Halos kakatapos lang din naming magdinner.

"Come on, ilagay ko muna sa kotse ang mga pinamili natin," suggest pa niya at tipid na ngiti lang isinukli ko sa kanya.

Saglit kaming nagpunta sa parking lot para ilagay ang mga gift sa mga anak ni Dalton at Janella. Ano pa nga bang aasahan kay Vaughn, mamahaling laruan ang ibinili niya para sa mga ito.

Matapos naming maipasok ang mga laruan sa kanyang blue Maserati ay muli kaming pumasok sa mall. Nakapila siya sa ticket booth nang tila isang pamilyar na mukha ang lumapit sa amin. At ganoon na lang din ang gulat ko nang mapagtanto kung sino ang papalapit! Si Sam!

Agad na nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Sam nang makitang magkahawak kami ng kamay ni Vaughn. Agad kong kinuha ang kamay ko kay Vaughn na hindi naman nakahalata at itinuon ang attention sa computer screen at namimili nang puwede naming maupuan.

Nang tuluyang makalapit si Sam kasama ang dalawang babae na kasing asta nito ay pasimple niya akong tinabig at mabilis na humawak sa braso nang nagulat na si Vaughn.

"Vaughn, babe," ngiting-ngiti pang bati ni Sam at walang pasabing hinalikan si Vaughn sa labi.

Napalingon sa akin si Vaughn na para bang gustong magpaliwanag pero yumuko lang ako at umatras nang bahagya. Tinitigan ako n'ung dalawang kasama ni Sam mula ulo hanggang paa. Ibig kong mangliit sa klase nang pagtitig nila. Tila sinusukat nila ang pagkatao ko at parang natatawa pa silang hindi ko mawari.

"I've been calling you. Nandito ka lang pala," nanghihinampo pang himig ni Sam. Nananatiling nakapulupot ang mga kamay niya sa leeg ni Vaughn, na para namang naiilang. "You said you're busy?" Hinapyawan niya ako nang tingin at hindi na rin naman maikakaila iyon kay Vaughn.

"Yes, I was," tipid namang sagot lang ni Vaughn at pasimpleng kinalas ang kamay ni Sam sa kanyang leeg. "Are you going to watch?" Ngumiti rin siya sa mga kasamang kaibigan ni Sam na nagpa-cute lang din sa kanya.

"Sasabay sana kami sa'yo. Kung okay lang?" Pilit pa ang ngiti nito. Alam kong hindi siya natutuwang makita si Vaughn na kasama ako. Pakiramdam ko ay isa akong kabit na sumisira sa kanilang dalawa.

"Um, yeah. S-sure." Bahagya pang napaubo si Vaughn at inalis ang tila pagbabara sa kanyang lalamunan.

"Kayo na lang, Vaughn. Una na ako," paalam ko na rin at alam ko namang kalabisan na ako roon. Hindi ko rin naman kayang kasama si Sam. Kinakain nang selos ang puso ko. At alam kong mali ito. Walang kami ni Vaughn para makaramdam nang ganito.

"Hey, Natalia," nakakunot na tawag pa ni Vaughn sa akin sabay hawak sa aking kamay. "Where do you think you're going?" kunot-noo pang tanong niya.  Bakas sa timbre ng boses nito ang pagka-irita.

"Vaughn..." Saglit ko siyang hinila palayo kina Sam habang matalim ang titig nila sa aking lahat. "Kasama sina Sam. 'Di ako puwedeng makipagsabayan."

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now