Chapter 53

125K 3.2K 249
                                    

CHAPTER 53

Vaughn Craig

Whoa, that was unexpected... Who would have thought that my Cinderella was really a Princess?

Nang bumaba sila sa stage at pormal nang nagsimula ang dinner ay hindi ko na pinakawalan si Natalia sa aking kamay. Ayoko lang din siyang bigyan nang chance na magbago nang isip. Iiling-iling lang din sa akin si Madam Enriqueta na para bang hindi nagustuhan ang pagbuntot ko sa kanyang apo, pero wala na rin akong pakialam. Alam kong bago pa lang sila magkakasama ng lola niya, pero handa naman akong sumama sa kanila. Ayoko na lang mapag-iwanan.

Nang humiwalay saglit si Madam Enriqueta ay tsaka na lang ako nakahinga nang maluwag. Sinasamaan kasi niya ako nang tingin sa tuwing makikitang nagnanakaw ako nang halik sa pisngi ni Natalia. Old fashioned nga naman!

"Well, well, well..." Nakangisi pang sumalubong sa amin si Charlie kasama si Sam na mukhang kakagaling lang din sa iyak. A part of me wanted to comfort her. Hindi ko rin naman ginustong umasa siya sa kahit na ano. Si Natalia lang talaga ang mahal ko.

Naramdaman ko ang pagkabalisa ni Natalia kasabay nang pag-igting ng kanyang bagang. Pinisil ko ang kanyang palad at nagluluha naman siyang napabaling sa akin. I knew that she's worried.  I couldn't blame her though. Nasa harap na naman namin ang mga taong nagbaba nang husto sa pagkatao niya. I became part of that mistake, but now, I am going to stand by her side no matter what happens. Ngayon pa ba ako bibitiw matapos ang lahat? That would never happen. Naging tanga na ako noon, wala na akong balak isabuhay pa iyon ngayon. Magpapakatanga man ako sa pag-ibig, hindi ako manghihinayang kung kay Natalia ko gagawin 'yon. At magugulo talaga kung sino man ang magtatangkang sirain ang pagmamahalan naming dalawa.

"Granted she's a Briones, still, I never thought you were that dumb, Vaughn."

Napatiim-bagang ako at nagpigil ng sarili. She's still my Dad's cousin.

"If loving her would really make me dumb, then I'd be glad to be dumb forever," sarkastikong sagot ko lang at mas lalong nalungkot ang mukha ni Sam. I felt sorry for her though, but I did not ask her for anything.

"So, you're cool for second hand girls? Because you see, I am her first."

Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niyang iyon. All along, pinasakay lang niya ang lahat sa pagkakaroon nila ng affair ni Natalia. But it's loud and clear na gawa gawa lang pala ang lahat. Napakuyom ako ng palad at mabilis na lumipad ang kamao ko sa kanyang mukha! Mabilis siyang bumagsak sa sahig habang sapo ang kanyang pumutok na labi. Napasigaw si Sam kasabayan nang ilang nakasaksi sa nangyari.Muntik na kaming masira ni Natalia dahil sa kagagawan niya!

How could I be so blind?!

I wouldn't be sorry for that. He surely deserved it. I should have done that a long time ago. Breaking his fvcking nose would be a brilliant idea!

"For your information, motherfvcker, she was never a second hand because you see, she's mine. From the very start, she's all mine," matigas ko pang sabi sabay akbay kay Natalia.  "Got that, you fvcking double decker dckhead?!"

Matalim siyang tumitig sa akin habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi.  Tinulungan siyang makatayo nang ilang nakasaksi at akma sana akong lalapit ulit nang matanawan ko na ang bisitang kanina ko pa hinihintay.

"Oh, just right on time!" malakas pang sigaw ko sabay naglahad nang kamay kina Nanay Tere at Andrea na parang gulat pang napatitig sa amin.

Saglit kong nilingon si Natalia na halatang hindi inaasahan ang presensya ng mag-ina.

It's payback time.

Hindi ko man siya nagawang ipagtanggol noon, I will make it right this time. Hindi ko na hihintaying dumihan na naman nila ang mabuting puso ng aking pinakamamahal. Ako ang lakas ni Natalia. At mananatiling gan'un, simula ngayon at sa buong buhay niya.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon