Chapter 31

96.2K 2.9K 221
                                    

CHAPTER 31

NATALIA's POV

Naging madalas ang pagdalaw-dalaw ni Julius sa aming bahay kasabayan ang boyfriend ni Andrea. At kahit pa 'di ko siya gustong pakiharapan ay napipilitan ako dahil sa masayang mukha nina Nanay Tere at Andrea. Ang tagal kong hinintay na makita ang mga ngiti nilang iyon. At gusto ko munang i-enjoy ang mga panahong ganito pa sila sa akin. Alam kong kapag tinanggihan ko si Julius ay baka mabago na naman ang pakikiharap nila sa akin.

"Natalia..." Halos mapatalon ako nang marinig ang boses na iyon. Si Julius.

"Julius, anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko pa lalo pa nga't nasa trabaho ako ngayon. Mabuti na lang at kahit ang tagal kong nawala ay may trabaho pa rin akong dinatnan sa Greene's Mall. Hindi ko alam kung dahil pa rin kay Vaughn kaya ako nandirito o talaga lang mabait ang bisor ko.

"Wala naman. Bored kasi ako sa office so, itinanong ko kay Andrea kung saan ka nagta-trabaho," nakangiting sagot pa niya at parang mas maaliwalas ang mukha niya ngayon.

"May trabaho kasi ako. Hindi kita ma-entertain at baka mapagalitan ako." Alalang iginala ko ang aking tingin sa paligid dahil sa pag-aalalang mabigyan nang 'di magandang impresyon ang pakikipag-usap ko sa oras nang trabaho.  At hindi nga ako nagkamali nang makitang nakatingin nga sa amin ang iba kong kasamahan.

"Gan'un ba? Yayain pa naman sana kitang lumabas. Sagot ko na ang araw mo, Natalia."

"Hindi na! Sa ibang araw na lang," mabilis pang tanggi ko at alalang napatingin ulit sa paligid namin.

"Miss, magkano 'tong dress na 'to?" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at gan'un na lang din ang gulat ko nang mabungaran ang mukha ni Terrence.

"Julius, wait lang, huh," paalam ko pa at nilapitan agad si Terrence na tipid namang nakangiti.  Saglit din niyang tinapunan nang tingin si Julius na noo'y parang mataman ding nakatitig sa kanya.

"Wait, tingnan ko," maagap na sabi ko pa sabay nagbuklat sa kamukhang damit para tingnan ang presyo. "P750.00 ito."

"Is he your boyfriend, Natalia?" mahinang tanong pa niya at gulat lang akong napatitig sa kanyang mukha. Diretso ang titig niya sa akin at para bang naghihintay talaga sa isasagot ko.

"No." Umiling ako at dumiretso nang tayo. "Bakit mo naman naitanong?" usisa ko pa at napakibit balikat lang siya.

"So, is he courting you?" tanong ulit niya at para bang nagpipigil siyang mangiti. May nakakatawa ba?

"H-hindi ko alam," mahinang sagot ko pa kasabayan nang marahan ding pag-iling.  Parang mas gusto ko ulit itanong ang tanong ko kanina.

"Okay, I'll tell him that he's your suitor," nakangising sabi pa niya sabay kumindat sa akin.

Napaawang ang labi ko at takang napatitig sa kanya lalo pa nga't 'di ko masiguro kung tama ba narinig ko. Sinong pagsasabihan niya? Si Vaughn? Pero ano namang pakialam ni Vaughn kung may manligaw sa akin?

"Ano bang sinasabi mo? Si Vaughn ba ang nag-utos sa'yo na tanungin ako?" magkakasunod kong tanong pero sa halip na sumagot ay humalakhak lang siya at bahagyang umiling.

"I'll see you again, Natalia," pahabol pang sabi lang niya bago tuluyang lumayo.

Napailing ako at hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Muli kong binalikan si Julius na nakakunot-noo pang napatitig sa akin.

"You knew him?"

"Si Terrence?"

"Yeah. Terrence Lee Zamora."

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon