Chapter 41

85.6K 1.9K 44
                                    

A/N:

You knew the drill, people.  Rated SPG. Mga bata, dito na lang. Sa mga 'di masyadong bata, sa kabilang book HMC Private Chapters. Sorry ulit sa abala. Ito ang paraan para hindi maging mature ang buong story, okiez? Pasensya na.

Love,

Ate Mommy Dean



********


CHAPTER 41

NATALIA's POV

Tahimik kaming pumasok ni Vaughn sa kwarto at parang nakalimutan na niyang kanina lang ay takot na takot siya sa lugar na ito. Igting pa rin ang kanyang panga at parang ang daming iniisip. Kung si Sam kaya ang pinili niya, magiging kasing komplikado kaya ang sitwasyon namin ngayon?

Ini-lock ko ang pinto at tahimik lang siyang naupo sa bed. Aburidong ginulo niya ang kanyang buhok at alam kong mahirap para sa kanya ang sitwasyon namin ngayon.

"Hey..." Ikinaway ko ang aking kamay sa harap ng kanyang mukha at malungkot lang niya akong tiningala.

"I'm sorry, Natalia," malungkot pang sabi niya sabay kabig sa aking baywang at desperadong isinandal ang kanyang mukha sa aking tiyan. Pinigilan ko ang maiyak at ayokong isipin niya na pinanghihinaan ako ng loob.

"Hey, okay lang ako. Hindi mo naman ginusto ang mga nangyari." Pampalubag loob ko pa habang hinahaplos ang malambot niyang buhok.

Tiningala niya ako at diretsong tinitigan sa mukha.

"I love you, Natalia. I will marry you no matter what," seryosong sabi pa niya at isang mapait na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at mariin lang siyang pumikit.

Yumuko ako at hinalikan ang kanyang labi. Agad din naman siyang tumugon at marahang tumayo. Ginagap ng dalawang palad niya ang aking mukha at mas idiniin ang paghalik.

Buong pagpaparaya kong tinanggap ang kanyang halik. Awtomatikong nawala lahat ng kanyang pag-aalala at napalitan iyon nang pagnanasa.

Pangangailangan.

Pagmamahal.


Pinagsaluhan namin ang mainit na sandaling iyon upang pagtakpan ang pag-aalala ng aming mga puso.

"I love you, Natalia. I love you so much," seryosong sabi pa niya. Namamawis na ang kanyang noo.


"I love you too, Vaughn. So much." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at muling kinabig para halikan.

"Sleep, Natalia," malambing pa niyang sabi at tipid na ngumiti. "Ayokong mag-iisip ka nang kahit ano. Promise me that. Please," sumamo pa niya at wala ako sa sariling tumango.

Masyado pa akong pagod at ang bigat nang pakiramdam ko sa aking mga mata. Agad akong nakatulog bitbit ang kaligayahang si Vaughn lang ang may kakayahang magparamdam sa akin.


********

VAUGHN CRAIG's POV

Lumabas ako sa kwarto at gusto kong uminom para makatulog. Mahimbing na ang tulog ni Natalia at napangiti lang ako dahil mukha ngang pinagod ko siya. Nang matanawan ko sina Dalton na nakatambay sa may veranda ng bahay at nang tila tangkang lalapitan ako ay agad kong kinabig ang pinto pasara. I didn't want any of them to see the nakedness of the woman I love. Gan'un pala ang pakiramdam. Dati rati ay wala lang sa amin iyon. Pero simula nang magka-asawa rin sina Chance, Tyrone at Dalton, naging maingat rin sila sa kani-kanilang mga asawa.

Sinenyasan ko silang bumalik sa veranda at agad naman nilang naunawaan ang sinabi ko.

"How's Natalia?" alalang tanong pa ni Chance.

"She's okay," seryosong sagot ko lang sabay dampot sa basong may lamang alak.

Nakangisi sa akin si Terrence na prenteng nakaupo sa rocking chair at nakataas pa ang isang paa.

"I think you're pretty much okay too," nakaismid pang sabi ni Tyrone na mabilis ding naupo sa pasimano.

"This is not going to be easy," pag-amin ko rin naman sa kanila at nakiupo din sa pasimano sa tabi ni Tyrone.

Nanatiling nakatayo si Dalton sa may pinto at si Chance naman ay naupo rin sa kabilang pasimano paharap sa amin.

"Sam won't be easy on you. Alam mo kung gaano ka-obsessed ang babaeng 'yun sa'yo," sabi pa ni Dalton at makahulugang nakipagtinginan kay Chance.

"She wouldn't be little devil witch if she's an easy one," sabat din naman ni Terrence at umiling-iling lang.

"Sigurado ka na bang ipapakilala mo na si Natalia sa mismong pagdating ng parents mo?" tanong pa ni Tyrone na seryoso pa rin ang mukha.

"I needed to," seryoso ko rin namang sagot at isa-isa silang tinapunan nang tingin. "Ayoko namang mag-isip pa si Natalia. I am dead serious about her, dude. She's the one for me."

Napangisi sina Terrence at Dalton. Habang seryoso pa rin ang mukha nina Chance at Tyrone.

"Siguraduhin mo lang na seryoso ka rin sa papasukin mo, Vaughn. Alam mo ang puwedeng mangyari kapag nalaman nila kung ano si Natalia dati." Si Tyrone na malalim pang napahugot nang buntong-hininga.

"Yeah, I know." Malalim lang din akong napahugot nang buntong-hininga at alam kong impossibleng hindi ipaalam nila Sam iyon sa parents ko. Malaking gulo ito kapag nagkataon.

"Kakayanin mo nga bang manindigan hanggang sa huli, dude?" tanong pa ni Chance at bago ako sumagot ay inubos komuna ang alak na laman ng aking baso.

"This isn't something I planned, dude," seryosong sagot ko rin at parang pigil ang ngiti ni Dalton. "Akala ko n'ung umpisa, libog lang 'to. Tawag ng laman." Narinig ko ang manipis na pagtawa ni Tyrone sa gilid ko pero hindi ko lang siya pinansin. "But she made me felt something. It's way beyond I felt for Sam before. It's something deeper. Something so strange and scary at the same time... but wonderful.  And then I realized, I just can't live without her."

"Now, that's a good speech on your wedding," nakangising sabi pa ni Terrence at nakipag apir pa kay Chance.

"Seryoso ako dito, dude," nakasimangot pang sabi ko at nagtawanan lang sila. "Sana lang kayanin ni Natalia."

"Kakayanin niya 'yun kung hindi ikaw ang unang susuko, dude," sabi pa ni Chance at bahagya pang napailing.

"That will never happen. I'll fight for Natalia 'til the end," siguradong sagot ko pa at halos sabay-sabay lang silang napatango.

But I could't deny, kinakabahan ako sa kahahantungan nang pagpapakilala ko kay Natalia.

It will never be easy.





********

A/N 2:

Dear Readers,

Dahil sa espesyal na kahilingan ng aking minamahal na anghel na may sungay na si Lanie, binabati ko ang kanyang butihing ina na si Nanay Myrna!  Hello po! Bagong reader ko po pala kayo. Enjoy po kayo! At salamat sa pagbabasa ng aking mga kalokohan! hehehe! 

Magandang buhay po para sa inyong lahat!

Love,

Ate Mommy Dean

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now