Chapter 25

108K 2.9K 199
                                    


CHAPTER 25

NATALIA's POV

Isinakay ako ni Vaughn sa kanyang blue Maserati at dali-dali siyang nagmaneho palayo roon. Wala ni isang salita siyang sinabi sa akin at nananatiling diretso ang kanyang titig sa daan. Tiim ang kanyang bagang at halos mamuti ang kanyang kamay dahil sa mahigpit na hawak niya sa manibela.  Ilang beses na parang may gusto siyang sabihin pero tanging mura ang lumalabas sa kanyang bibig.

Tahimik akong umiiyak habang inaalala ang mga nangyari kanina. Nakalantad na ang sikreto ko sa mga kaibigan at kakilala nito. At maiintindihan ko si Vaughn kung magdesisyon man siyang pauwiin na ako. Hindi man siya magsabi ay alam kong ikinakahiya na niya ako. Sino nga bang mayamang katulad niya ang matutuwang magka-girlfriend ng isang stripper sa club? Kasama lang naman niya ako dahil sa pagbabayad ng utang sa pamamagitan ng sex. Iyon lang 'yun at walang iba.

Nang makarating kami sa kanilang mansion ay nakakabingi pa rin ang kanyang katahimikan. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko rin alam kung galit ba siya o papaano.

"Ang aga n'yo yata," bungad pa ni Yaya Aida pero hindi sumagot si Vaughn.

Nilagpasan namin si Yaya Aida na makahulugan pang tumingin sa akin.  Hindi kaila sa kanya ang pamamaga ng aking mga mata. Tahimik akong hinila ni Vaughn paakyat sa ikalawang palapag papunta sa kanyang kwarto.

Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ay nakakabingi pa rin ang kanyang katahimikan. Tila desperado siyang naupo siya sa bed at tumingin sa kawalan.

"I'm sorry," iyon na lamang ang nasabi ko at agad na namang uminit ang mga mata ko.

Marahan siyang nag-angat nang tingin sa akin at halos mapaso ako sa init na hatid ng kanyang mga mata.

"Bakit nagpahalik ka kay Mason?" malamig pa niyang tanong at saglit akong natigilan dahil hindi iyon ang inaasahan kong itatanong niya sa dami nang nangyari kanina.

"Hinalikan niya ako. Hindi ko alam na gagawin niya 'yun." Pinunasan ko ang aking luha at madilim ang mukhang iniharap niya sa akin.

"Ayokong may ibang hahalik sa'yo, Natalia," nakakunot-noo pang sabi niya at wala naman ako sa sariling tumango.

"Ayoko ring nagpapahawak ka sa iba," dagdag pa niya at napatango na lang ulit ako.

"Ugh, I wanted to kill that shit!" nanggigigil pa niyang sabi sabay marahas na ginulo ang kanyang buhok.

"We'll never work, Vaughn. Alam na nilang lahat kung ano ako dati," mapait pang sabi ko at naupo na rin sa kanyang tabi.

"I don't fvcking care about that," malamig pa rin niyang sabi at muling tumingin sa kawalan.

"Pagtatawanan ka nila. Pag-uusapan ka," naiiyak ko pang sabi. "Ayokong mapahiya ka sa kanila, Vaughn. Kaya habang maaga pa, tapusin na lang natin 'to. Huhulugan kita paunti-unti sa mga utang ko hanggang sa makabayad ako." Mabilis na bumigat ang aking pakiramdam dahil ang hirap sabihin ng mga salitang iyon. Naiisip ko pa lang na iiwanan ko na siya ay parang binibiyak na sa dalawa ang puso ko.

"Wala akong pakialam, Natalia," matigas pa niyang sagot at muli akong dinungaw. "You are not leaving me."

"Pero Vaughn-" Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil agad niyang inatake ang labi ko. Mariin niya akong hinalikan at hinapit nang husto ang aking katawan. Ibinuka niya ang aking labi at napasunod na lang sa gusto niyang mangyari. Ginalugad ng dila niya ang bibig ko at napakapit na lang ako sa kanyang leeg.

"You are not going anywhere, Natalia. Do you understand that?" sabi pa niya habang paunti-unti pa ring hinahalikan ang labi ko.

Wala ako sa sariling tumango dahil sa nahihilo pa rin ako sa ginawa niyang paghalik. Hindi ko alam kung masyado lang akong nag-iisip pero iba ang pakiramdam kapag hinahalikan niya ako. Parang may emosyon 'yun...

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now