Chapter 19

112K 3K 172
                                    


CHAPTER 19

VAUGHN CRAIG's POV

Matapos na pakawalan namin ang pamilyang Samaniego ay dumiretso na kami ni Natalia sa mansion. My parents went abroad for a business conference so I didn't have a choice but to stay on our mansion for a while.

"Anong ginagawa natin dito?" Halos magdumilat pa si Natalia sa pagtitig sa aming mansyon.  Parang walang balak bumaba ng sasakyan.

"It's my parents house," nakangiting sagot ko naman sabay baba.  Umikot ako sa kanyang gawi at agad na pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. "Come out, Cinderella." Inilahad ko ang aking kamay pero parang alanganin pa rin siyang lumabas.

"Nand'yan ang parents mo. Ayoko, Vaughn," mabilis pa niyang tanggi at mukhang maputla na.

"They went abroad for a business conference. Walang ibang tao rito kundi ako at tatlong katulong."

"Bakit kailangang dito pa?"

"Gusto mo bang hilahin pa kita palabas d'yan, Cinderella?" Nagtaas ako ng kilay at agad naman siyang napairap.

"Fine!" maktol pa niya, pero inabot na rin naman ang aking kamay.

Napangiti na lang ako at simula kasi nang magkasama kaming dalawa, hindi na niya ako masungitan 'di katulad noong unang beses niya akong makilala. But then, yeah. I was a complete asshole back then and lately I think I am more of a good guy. Weird, eh?

Mariin niyang kinagat ang kanyang labi habang abalang iginagala ang paningin sa paligid. Our mansion was more of an ancestral house, but then it has a modern feel from the inside. If I am not mistaken, mana pa ito ng dad ko sa great grandparents niya.

"Bakit ba kasi isinama mo ako rito?" hindi pa rin mapakaling tanong niya at mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Wala ako sa sariling napangiti dahil sa simpleng hawakan namin ng kamay ay sobrang gumagaan ang pakiramdam ko.  This holding hands thingy wasn't really my thing. But now... yeah, I am not quite sure.  Things are really getting weird.

"Nagbilin sa akin sina Mama at Papa na dumito muna ako habang nasa abroad sila."

"Bakit hindi ikaw na lang?" Nakasimangot pa siyang tumitig sa akin at 'di ko na naman naiwasan ang mapakunot-noo.

"And what? Leave you alone at my suite, Cinderella? No way," masungit pang sagot ko.

"Wala akong nanakawin sa mga gamit mo kung iyon ang inaalala mo," masungit ding balikwas niya sabay irap.

"I didn't say anything like that," masungit ko ulit na sabi. "I don't want to leave you alone in there. And besides, I want you with me," wala pa sa sarili kong sabi na nakapagpatulala rin sa akin. Where did that came from? "I mean it's lonely to be alone, you know—" bawi ko rin naman at alanganing napakamot ng ulo.

Napatitig lang siya sa akin na para bang may sinisiguro sa sinasabi ko. Bandang huli ay lumamlam lang ang kanyang mga mata at malalim na napabuntong-hininga.

"Shall we?" Bahagya kong hinila ang kanyang kamay at iiling-iling na ngumiti.

"May magagawa ba ako?"

Hindi ko napigilang mapangiti at walang sabi-sabing hinalikan siya nang mabilis sa labi.

"Come on." Kinagat ko ang aking labi at namumula naman siyang napatango.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad na sumalubong sa amin ang aking pinakamamahal na si Yaya Aida.

"Vaughn, hijo." Abot-tainga pa niyang ngiti at sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap. Damn, I missed her. I missed home.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now