Chapter 6

115K 3.2K 108
                                    

CHAPTER 6

VAUGHN CRAIG's POV

Magkasama kami ni Sam ngayon tulad nang naipangako ko sa kanya kahapon. Nanood kami ng sine at matagal-tagal na rin naming hindi nagagawa 'to. I enjoyed being with her. She's such a sweet girl. But still, I couldn't name what I felt for her. I knew I love her pero parang may kulang pa and I just couldn't figure it out. At hindi ko pa rin naman ma-imagine ang sarili kong maging totally pussy whipped. Those words gave me chills down to my spine. That was just a big no.

Matapos naming manood ng sine ay natatawang ipinakita pa niya sa akin ang suot niyang singsing. Napailing ako at hindi ko lubos maisip na maipapagawa ko talaga 'yun. Noong mga times kasi na nagseselos ako sa lalaking akala ko ay bibigyan talaga niya ng singsing ay nagpagawa rin ako ng sariling version ko. At 'yun nga ang may design na condom sa ibabaw. Ipinalit ko iyon para ipahiya siya roon sa lalaki pero hindi naman pala para doon iyon. I didn't know that it was her great grandfather's ring she intended to give back to her mom!

"Why the hell are you wearing that, Sam?" Iiling-iling pa akong tinaasan siya ng kilay at halakhak lang muna ang ipinansagot niya.

"Ang sama mo kasi. Kamalas lang na si Kuya Dalton ang unang binagsakan nitong singsing na 'to," natatawang pag-alala pa niya. Yeah. That one was memorable. I almost died laughing at that time and Dalton wanted to wring my neck!

"Don't remind me. Muntik na akong mapatay ni Ton nang dahil d'yan." Umismid ako at ang epic pa rin talaga ng naging marriage proposal ni Dalton dahil sa singsing na 'yun. But I should compliment him. Nalusutan pa rin niya nang maayos ang proposal na 'yun and she got Janella's golden yes.

"At feeling mo naman kasi magbibigay talaga ako ng singsing sa lalaki? Baliw ka rin, e, 'no?"

"Tsss..." Sinamaan ko siya nang tingin at malambing lang niya akong niyakap sa baywang.

"Ang cute mo magselos," ngiting-ngiti pang sabi lang niya and I really didn't know how to react on that. Kahit naman sino sa mga barkada ko ay wala akong nasasabihan patungkol sa feelings ko para kay Sam. Pero gusto ko lang din ang sigurado. For now, I couldn't promise anything since nakukuha ko pa ring tumitig sa ibang babae. I would never want to hurt Sam's feeling.

"I'm not jealous." Umiling ako at inakbayan siya. "I just thought that you're too young for a relationship."

"Why can't you just admit that you're in love with me too, huh?" nakanguso pang sabi niya and a part of me wanted to kiss her.

"Let's take it slow, Sam. I am not ready to commit yet. Ayokong masaktan ka lang." Ginulo ko ang kanyang buhok habang matamang nakatitig sa kanyang mukha.

"Why don't you just focus on me, huh?" Ginagap niya ang aking mukha at mataman akong tinitigan pabalik. Inilapit niya ang kanyang mukha at ginawaran ako nang manipis na halik sa labi. Nasa parking lot na kami at walang katao-tao. "I love you. I will always love you, Vaughn..." Hinaplos niya ng kanyang daliri ang aking labi at napalunok na lang ako.

Muli niya akong kinabig palapit at wala ako sa sariling napasunod. I dip my tongue into her mouth and I lose myself for a minute. She could kiss so damn good!

"Sam..." Pinilit kong humiwalay sa kanya at ayokong mabigyan siya nang maling pag-asa. Si Sam ang pinakahuling babaeng gusto kong saktan. "Hey..."

"Just kiss me, please," sumamo pa niya habang hinahaplos pa rin ng kanyang palad ang aking panga. Panandaliang nadala na naman ako sa mapupungay niyang mga mata at muli siyang ginawaran nang halik.

"I need to take you home, Sam. Ayokong mapagalitan tayo ni Tito Drew." I was referring to her father na sobrang close rin sa akin at sa pamilya ko.

HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now