Chapter [1.]

6.2K 213 76
                                        


Chapter One

Mia

--

"Ayun! Tapos na sa wakas!" Napasandal ako sa aking swivel chair ng matapos ko na ang trabaho ko. Salamat naman at makakauwi na ako ng bahay. Saglit akong napaisip, teka? Speaking of bahay, ayoko muna pa lang umuwi doon, makukunsime lang ako kapag nakita ko na naman ang napakapal na mukha ng taong 'yon.

"Huy, Mia, uwi na kami. 'Di ka pa ba uuwi?" Paalam sa akin ng ka-officemate at kaibigan ko na rin na si Lily. Mariin akong umiling. "Ayoko pang umuwi do'n sa bahay na 'yon." Inis na sabi ko sa kanya. Tinawanan lang ako ni Lily saka niya ako tinapik sa balikat.

"Away mag-asawa lang 'yan." Sabi niya saka siya tuluyang umalis. Away mag asawa? Bakit asawa ba ang turing sa akin ng lalaking 'yon? Kung tratuhin niya ako para niya akong alalay. Lahat na lang pinapagawa niya sa akin, lahat na lang inuutos niya sa akin at ako namang itong tangang sinusunod siya kahit abot langit na ang pagtitiis na ginagawa ko.

Mamaya-maya pa ay narinig ko na nagbukas ang pinto sa office ng boss namin. Tumayo agad ako para salubungin siya ng paalam, uuwi na rin siguro siya ngayon. Pagkalabas niya saktong tumingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang simpleng ngiti.

"Sir, aalis na po kayo?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya ako. "Oo bakit ikaw, Mrs. Park 'di ka pa ba uuwi?" Tanong niya. Ngumiti lang ulit ako sa kanya. "May ginagawa pa po kasi ako, Sir." Imbes na sumagot siya nginitian niya lang ulit ako saka niya ako tinalikuran.

"Mag ingat po kayo Sir V!" Habol ko bago siya makalabas. Hindi na siya lumingon saka ako umupo ulit sa swivel chair ko. Hayyy, kahit kailan talaga ang snob niya pero hindi naman siya masungit kaya ayos lang. Bumuntong hininga na lamang ako saka ako tumingin sa laptop. Ano pa bang pwedeng gawin para may rason ako na hindi muna umuwi sa bahay na 'yon?

Bahala na nga, basta may magawa lang okay na. 

Searching Y8...

"Ayos 'yang nilalaro mo a? Apir naman d'yan!" Nagulat ako ng may nagsalita mula sa likuran ko kaya agad kong naisara ang laptop ko.

Nakatitig lang sa akin si Chen habang nakangisi. Pinanlisikan ko siya saka siya tinulak palayo. "Wala kang pakialam, doon ka na nga!"

"Oo na! Uuwi na ako, ikaw bakit 'di ka pa uuwi? Hinihintay mo ba ako?" Mapang asar na tanong niya. Napangiwi ako sa sinabi niya. Ano bang sinasabi nito? Ang kapal ng mukha.

"Mukha bang kahintay-hintay 'yang pagmumukha mo? Umalis ka na nga." Nakakayamot siya akala naman niya kung sinong gwapo, walang wala pa siya sa kuko ni Jimin. Speaking of Jimin pala, siguradong nagwawala na 'yun sa bahay dahil wala pa ako. I mean wala pa siyang makakain hangga't wala ako. Tsk, ano siya? magluto siya ng sarili niya, hindi niya ako alalay.

"Bye, Mia! Ingat ka! Tandaan mo papakasalan pa kita!" Sigaw ni Chen, napataas ako ng kilay. Sinasabi niya? "Ulol may asawa na ako!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Nag thumbs up lang siya sa akin saka niya ako nginisian.

"Walang forever, magbebreak din kayo no'n!" Pahabol niya saka siya lumabas. Umirap ako sa hangin, pakialam ko ba d'yan sa forever na 'yan? Oo tama si Chen, makikipaghiwalay na ako kay Jimin. He doesn't deserve my love. Kung bakit kasi naisipan ko pang pakasalan siya. Masyado akong nabulag ng pagmamahal ko para sa kanya.

"Mia." Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko na naman ang boses ni Chen. Nakakunot akong lumingon sa kanya. Akala ko ba aalis na 'to? Kanina pa siya nanggugulo, actually simula pa noong pumasok ako dito.

"Ano ba? Akala ko uuwi ka na? Bakit ka pa bumalik?!" Inis na tanong ko sa kanya. Inabutan naman niya ako ng kape, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit mo ako binibigyan ngayon ng kape?" Tanong ko sa kanya, ano 'yon? Kunwari uuwi siya, pero ang totoo kukuhanan niya ako ng kape? Style niya bulok tsk.

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Where stories live. Discover now