[11.]

2.4K 142 10
                                        

"Buckle up guys! Andyan na si sir V!" Napatigil ako sa paglalaro ng biglang sumigaw si Maureen 'yung isa pa naming ka-officemate. Humarap ako sa computer at pinatay ko na 'yun. Inayos ko muna ang mga gamit ko at nagpunta sa labas. Nadatnan ko naman na silang sumasakay sa isang Van habang si sir V naman nakasakay sa kotse niya.

"Mia! Hindi na kami kasya dito!" Napatingin naman silang lahat sa akin. Hindi na ako kasya? Wait, so ibig sabihin nun hindi na ako makakasama? Ayookoooo! Gusto kong sumama! Pinaglaban ko 'tong outing na 'to kay Jimin tapos hindi pala ako makakasama? Letchugas barabas naman 'yan!

"Baka kasya pa ako dyan! Wait lang."

"Mia!" Napatingin naman ako sa gawi ni sir V.

"Dito ka na lang sumakay, huwag ka ng makipagsiksikan dyan."

Huh? W-what? Ibinaling ko ang tingin ko sa kanila Lily. Baka kasya pa ako dun sa Van, okay lang naman kahit siksikan kami 'diba?

"Dun ka na lang! Gusto mo bang magkapalit palit tayo ng mukha dito?" Nakangitin saad ni Lily. Magsasalita pa sana ako ng bigla ng sinara ni Lily ang pinto.

Napabusangot na lamang ako. Loka loka talaga 'yung babaeng 'yun. Wala na tuloy akong choice!
Naglakad ako palapit sa kotse ni sir V at sumakay sa passenger seat.

Bago niya pinaandar ang kotse, tiningnan na muna niya ako at nginitian. "Mag seatbelt ka na."
Tumango na lang ako bilang sagot. Nagseatbelt na ako at pinaandar ni sir V ang kotse. Sinalpak ko ang earphones sa tenga ko at nakinig sa music. Nakatingin din ako sa labas ng bintana para pakiramdaman ang kantang pinapakinggan ko.

"Mia." Lumingon ako kay sir V na kasalukuyang nakatingin pa din sa daan habang nagmamaneho. "Uhm, bakit hindi sumama si Jimin?" Tanong niya. Napakamot na lamang ako sa batok, bakit parang napakabigdeal para sa kanila kung hindi sumama si Jimin? Pwede bang kapag nakita nilang wala si Jimin, huwag na lang silang magtanong? Kasi mas lalo lang akong nai-stress.

"Ugh busy eh." Sabi ko. Tumango si sir V, pagkatapos nun ay hindi na naman kami nag usap. Hindi naman kami close ng boss namin sa trabaho. Hindi siya masungit, hindi din siya mabait kaya ni isa sa mga ka officemate namin ang may close sa kanya.

Kaya nga kanina nag aalinlangan pa ako kung sasama ako sa kanya, kasi nahihiya ako sa kanya. At saka feeling ko nanliliit ako sa sarili sa tuwing nakikita o nakakasama ko siya.

Para siyang star. Ang hirap niyang mareach.

"Uhmm ano naman pinagkakabusyhan niya?" Biglang tanong ni sir V sa akin.

"Ah may trabaho na po kasi siya kaya busy na siya."

"Anong trabaho ba 'yun?"

"Wala pong nababanggit si Jimin eh, kaya hindi ko po alam."

Napatango si sir V, napabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap talaga makisama lalo na kapag hindi mo close 'yung kasama mo. Pakiramdam ko, gusto ko ng lamunin ng lupa sa sobrang pagkahiya. Ewan ko ba wala naman akong dapat ikahiya pero nararamdaman ko pa din ito.

"You're 23 right? Would you mind if I ask you something personal?"

Napatingin ako kay sa kanya. Anong meron sa age ko at sa 'something personal' na 'yan? Since I'm curious, sige...

"I wouldn't mind sir. Ano po ba 'yun?"

Nanatili lang na nakatingin sa daan si sir na para bang nagdadalawang isip siya kung tatanungin niya ba o hindi.

"Ilang taon na kayong kasal ni Jimin?" Tanong niya sa akin.

Jimin na naman? And now he wants to talk about our married life? Nakakalokang topic. Gustuhin ko mang huwag sagutin ang tanong na 'yan, hindi ko magawang sabihin sa kanya na ayaw ko siyang pag usapan.

"Isa't kalahating taon na po. Bakit niyo po ba natanong?"

"Uhm.. nagtataka lang ako, kasi nagpakasal kayong dalawa at the age of 22. Masyado pa kayong bata for marriage right?"

Bumuntong hininga ako.

It was never our plan.. Si Jimin at ako, kailanman hindi plinano na magpakasal sa isa't isa. Pero ako? Simula ng makilala ko siya, pinangarap ko na talagang pakasalan siya, pero siya? Ni minsan hindi sumagi sa isip niya iyan dahil una sa lahat hindi niya ako kilala, pangalawa wala siyang pakialam sa akin at pangatlo, nung mga panahon na 'yun may iba siyang gusto.

He's willing to give his life to that girl. Lahat gagawin niya para sa kanya, mahal na mahal niya kasi. 'Yung babaeng 'yun ang taong nagpapasaya sa kanya. Everyone envy her, na kahit ako kinaiinggitan siya, dahil lahat ng atensyon ni Jimin nasa kanya na. Puso ni Jimin na sa kanya and no one can take that away.

Sa kanyang sa kanya lang talaga si Jimin.

And when the day before our wedding? Jimin got hurt.. for making a decision.. to leave that girl. It was hard for him to break her heart. Pero kahit na nahihirapan siya, ginawa niya pa din kasi nung mga panahon na 'yun, wala na siyang takas at kahit anong gawin niyang pagtanggi sa pagpapakasal naming dalawa, wala pa din siyang magagawa.

At sa araw ng kasal namin.. dun na nagtatapos ang kanilang kwento.

And it's our turn to start ours.

Pero, isang malaking PERO. Kahit na anong gawin ko, hindi pa din nagbabago ang tingin niya sa akin. Para sa kanya, isa pa din akong maninira ng relasyon.

Para sa kanya isa pa din akong walang kwentang tao, walang puso at walang pakiramdam.

Para sa kanya, I'm just nobody.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Well, to be honest sir we got married because we were forced to marry each other. Malapit na po kasing mabunkrupt ang kompanya ng mga magulang ko, and ang family lang nila Jimin ang pwedeng makatulong sa mga magulang ko. But in one condition. I need to marry their son, which is Park Jimin."

Saglit na napatingin sa akin si sir sa gulat pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya sa daan dahil nagmamaneho siya.

"Oh.. uso pa din pala ang arrange marriage sa panahon ngayon." Hindi makapaniwalang sabi niya.

Tama nga naman, hindi ata malalaos 'yang arranged marriage lalo na sa mga negosyante. Well kay sir V ko lang nasabi sa kanya ang totoo, sila Lily hindi pa din alam na na-arranged marriage lang kami.

"Kung arrange marriage lang pala, okay lang ba ang pagsasama niyo?"

Napangiti na lamang ako ng tipid.
Ni isang beses hindi naging okay ang pagsasama namin.

"Okay lang naman po sir."

"Ah Mia, I have one question in mind. Okay lang ba kung tanungin kita?"

"Yes naman po sir."

"Sa isa't kalahating taon, natutunan mo na ba siyang mahalin?"

Nagulat ako sa tanong niya. Ngumiti ako ng sarkastiko, what a question..

"Since the day I met him I already fell in love with him sir."

◈●◈●◈●◈

End of chapter

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Where stories live. Discover now