Chapter [7.]

2.8K 150 11
                                        


Chapter Seven

Mia

--

Nasapo ko ang noo ko ng muli kong maisip 'yun. Ano kaya ang dahilan kung bakit ayaw niyang pirmahan 'yun? Hindi ba't nasasakal siya sa akin? Saka ito naman hinahangad niya simula pa nung unang araw ng pagiging mag asawa namin. Balak niya ba akong pahirapan pa?

"Mia! Pinapatawag ka ni Sir V." Nagising ako sa iniisip ko ng sabihin iyon ni Chanyeol. Tumango lang ako bilang sagot. Tumayo na ako at nagtungo sa office ni Sir. Pagkapasok ko doon ay naabutan ko siyang prenteng-prente na nakaupo sa upuan niya habang nakatingin sa malayo.

"Good afternoon po Sir, pinapatawag niyo raw po ako."

Napatingin siya sa akin. Ngumiti lang siya sa akin at tinuro niya ang upuan sa harap niya. Umupo ako dun.

"Ah yes, Mrs. Park, I asked you here to ask if you're okay now."

Tumango ako bilang sagot, wala lang naman sa akin 'yung sampal ni Leah, medyo naiinis lang ako sa kanya kasi sinampal niya ako ng dahil lang doon.

"Ah, Sir okay na po ako." Sagot ko sa kanya, tumango siya. Natahimik kaming dalawa kaya napatingin na lang ako sa floor, nakakahiya eh.

"Okay, you can go back to your work now." Tumayo na ako at lalabas na sana ng bigla niya ulit akong tawagin.

"Mrs. Park." Lumingon ako. "Yes Sir?"

"Okay lang ba sa'yo na magbakasyon tayo sa dagat? Tutal summer naman na ngayon."

B-bakasyon? K-kami? Kaming dalawa lang? Wait what? Bakit niya ako niyayaya? Ibig bang sabihin niyon ay natitipuhan na ako ni Sir V?

Oh my gosh.

"Ahh s-sir? Tayo lang bang dalawa?" Pigil hiningang tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang natawa. Huh? Bakit? Nagjoke ba ako?

"No, what I mean is, kayo na nagtatrabaho sa akin. Is it okay?" Napataas ang kilay ko ng sabihin niya iyon. 'Yun ang ibig niyang sabihin doon? Letche bakit kasi hindi niya klinaro na kami pala niyayaya niya at hindi lang ako.
Hayyyy!

"Ahh 'yun po ba 'yun hehe sorry po."

"Okay lang, so ano? You want to come? This will be only a three day vacation, pwede niyong isama pamilya niyo. I hope makapunta kayong mag asawa."

Parang bigla namang nawala 'yung ngiti ko sa labi. Sarap sanang pakinggan ang salitang 'mag asawa' sa tenga, kaso naalala ko he doesn't treat me like that. It is more on treating me like his personal maid. Mamaya kapag sinama ko siya sa bakasyon, gawin niya lang akong alila at sigurado akong hindi rin siya sasama.

"Ahh y-yeah sure Sir." Pagkasabi na pagkasabi ko nun, lumabas na ako ng office niya.

"Uy bakit ka daw pinatawag ni Sir?" Tanong ka agad sa akin ni Lily ng makarating ako sa cubicle ko.

"Tinanong niya lang ako kung okay na ako at kung okay lang din daw sainyo kung magbakasyon tayong lahat sa Beach, three days vacation with family."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Talaga?! Oh em gee! I'm so excited! S'yempre oks na oks 'yan sa akin. Isasama ko si boyfieee!" Masayang sabi niya. Tumango tango na lang ako sa sinabi niya.

"Ah, Lily pwede bang ikaw na lang ang mag inform sa iba?"

"Sure! Pero friend? Sasama ka ba? Isama mo si Jimin ha?"

Napatingin ako sa kanya. Isasama ko si Jimin? Tsk. as if sasama 'yun, huwag na lang. Okay na ako kahit mag isa ko lang, di naman siya kailangan sa bakasyon eh. Sasabihin ko na lang na busy siya kaya hindi sumama.

"Sige, sige."

◆◆◆

Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Jimin na prenteng prente na nakaupo sa sofa habang nanonood ng kung ano man sa TV. May balak pa sana akong batiin siya ng 'magandang hapon' kaso ano namang maganda sa hapon? Tuloy-tuloy lang akong naglalakad papunta sa kwarto ng bigla niya akong tawagin. Lumingon ako sa kanya.


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May sasabihin lang ako."

Kumunot ang noo ko, sana naman importante ang sasabihin niya.

"Ano?"

Tinitigan ako ni Jimin bago siya nagsalita.

"Bukas ng umaga wala na ako dito sa bahay. Huwag mo na akong ipagluto ng pagkain."

At bakit wala na siya dito ng umaga? May lakad siya?

"Kung tinatanong mo kung bakit, meron na akong trabaho at kailangang maaga ako."

Nawala ang kunot sa noo ko ng sabihin niya 'yun, well mas okay 'yun, kaysa naman mag-stay lang siya dito sa bahay magdamag at nagpapalaki ng pwet sa kahihintay ng tamang oras para magtrabaho sa kompanya ng mga magulang namin. Kung tutuosin dapat nga nagtatrabaho na siya kasi sa kanya ipapamana ang kompanya pero may kung ano siyang sinasabi na gusto niyang hintayin 'yung tamang oras. Kung alam niya lang na araw-araw ang tamang oras. Pero sabagay mas mabuting na 'yung ganito na may pagkakaabalahan siya habang naghihintay sa oras na matagal ng dumating.

Isa pa less hasle na rin, atleast 'di na siya manggugulo.

"Okay." Tumaas na ako sa kwarto para magpalit ng damit, pagkatapos n'on ay nagpunta rin ako ka agad sa kusina para magluto ng pagkain na kakainin namin. Pagkarating ko sa kusina parang bigla akong tinamad na magluto. Kumuha na lang ako ng noodles sa cabinet at niluto ito.


"Mia." Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumulpot sa gilid ko. Tumingin lang ako sa kanya at saka pinagpatuloy ang pagluluto. Grabe nakakagulat, kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako.

Para siyang kabute letche! "Ano kailangan mo? Gutom ka na? Ito noodles pagtyagaan mo." Sabi ko. Napakamot na lang siya sa noo niya at umupo siya. Sabi na eh, pagkain na naman ang hanap nito. Bwisit talaga siya. Kumuha ako ng bowl at nilagyan iyon ng noodles saka ko nilagay sa harap niya. Tinitigan niya lang ulit ako.

"Bakit na naman? Ayaw mo?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit may sinabi ba ako?" Napairap na lang ako sa kanya at tumalikod na sa kanya para kuhanan ko ang sarili ko ng pagkain, natatakam na rin kasi ako eh. Pagkakuha ko ng pagkain ko, umupo ako sa tapat niya. Napatigil ako saglit ng mapagtanto kong ito ang kauna unahan namin na kumain ng sabay. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na makasama at makasabay mo 'yung taong mahal mo sa hapag kainan.

Lihim na lamang akong napangiti. "Anong nginingiti ngiti mo d'yan?" Bigla namang naglaho ang ngiti sa labi ko nang marealize kong nakatingin na siya sa akin. Napalunok na lamang ako at umiwas ng tingin. Nakakahiya, baka kung ano-ano na naiisip niyan sa akin.

"Ah excited lang ako ako. May three days vacation kasi kami ng mga ka-officemate ko. Gusto mong sumama?" Nanlaki ang mata ko ng tanungin ko siya nun. Aish! As if sasama 'yan.

"Vacation? Saan? Kailan?"

"Hindi ko pa alam pero meron kaming vacation. Kasama ng mga pamilya." Well dahil hindi naman asawa ang turing niya sa akin. Ibig sabihin n'on ay hindi kami pamilya, dapat hindi ko na lang siya niyaya.

"Okay." Kumunot ang noo ko. "Anong okay?" Okay na sasama siya?

"Wala 'yun. 'Di ako sasama, baka masira lang araw ko."

Napa make face na lamang ako. Tsk. Alam ko, 'di naman niya kailangang sagutin 'yun eh! Nakakainis ka talaga, Mia! Ang tanga mo, bakit kasi tinanong mo pa 'yun kung alam mong hindi rin siya sasama? At saka bakit ba gusto mong sumama siya? Baka masira rin lang ang araw mo. Tskkk... Ibang klase ka talaga!

◈●◈●◈●◈

End of Chapter

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon