Walang gana kong kinuha ang alarm clock kong kasalakuyang tumutunog. Nang mapatigil ko 'yun, agad akong bumangon at dinamdam ang preskong hangin na dumadampi sa mukha ko galing sa bintana kong nakabukas.
Agad na kumunot ang noo ko. Sinong nagbukas ng bintana? Kahit medyo malabo pa ang paningin ko dahil kagigising ko, nilibot ko ang paningin ko, pero wala akong nakita. Baka nakalimutan ko lang na isara kagabi 'yung bintana.
Inayos ko na ang buhok ko at tumayo na. Sakto namang may kumatok kaya dumiretso muna ako sa may pinto upang pagbuksan kung sino man 'yun. Siguro empleyado lang 'yun ng hotel. Pagkabukas ko halos lumuwa ang mata ko.
"Jimin?!" Nakangiti lang siya habang may hawak hawak siyang container na may laman na pagkain at bottled water.
"Good morning!" Masigla niyang bati sa akin. Napatingin naman ako ka agad sa kamay niya ng maaalala ko 'yung nangyari sa kanya.
"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ulit siya.
"Salamat sa panggagamot mo sa akin. Pasensiya ka na kahapon." Sabi niya. Tumango na lamang ako at pinapasok siya. Umupo ulit siya sa nag iisang sofa doon habang ako inaayos ko ang kama ko. Pagkatapos niyon ay ibinaling ko na sa kanya ang atensyon ko. Napataas na lang ako ng kilay ng mapansin na nakatingin lang siya, at mukhang kanina pa niya ako tinitingnan ng ganun.
"Nag-enjoy ka na ata kakatingin sa akin?" Nagbalik sa ulirat niya si Jimin at napailing na lang.
"Sorry." Sabi na lang niya. "Ano ba 'yang dala mo?"
"Breakfast mo." Lumapit ako sa kanya at kinuha ang container na may laman na pagkain, medyo mainit init pa. Umupo ako sa kama ko at binuksan ito.
Lihim na lang akong napangiti. Kanin at sunny side up kasi ang laman which is favorite ko talagang kainin tuwing umaga.
"Kain ka na." Aya niya sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanya at kinuha ko sa kanya ang kutsara at tinidor. Pero bago pa ako makakain, tinanong ko siya.
"Kumain ka na ba?" Tumango lang siya. Tumango tango na din ako at sinimulan ko ng kinain ang luto niya at well I enjoyed eating it. Saktong sakto ang pagkaluto.
"Masarap 'tong luto mo huh?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Natawa lang siya saka umiwas ng tingin.. Ang ganda ng ngiti niya, flattered eh nuh?
"Oo nga pala Jimin, kahapon nagpunta ako sa bahay. Bakit nawala 'yung mga gamit sa first floor?" Bigla namang naglaho 'yung ngiti sa labi niya.
"Na-donate ko sa Orphanage noon. Hindi ko naman na kailangan 'yung mga 'yun." Sabi niya sabay yumuko. Napatango na lamang ako.
"So anong balak mo sa bahay?"
"Ibebenta ko sana kaso sinabi mo na sayang, narealize ko din na oo, siguro nga mapapakinabangan ko pa din 'yun para sa atin." Natigil ako sa pagkain, may sinabi ba siya sa huli?
"Huh? Ano 'yun?" Umiling lang siya.
"Wala sige kain ka lang." Pilit na lamang akong tumango at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Habang kumakain napansin ko na nakatingin lang sa akin si Jimin. Sumulyap ako sa kanya, ngunit ngumiti lang siya at umiwas ng tingin. Inalis ko na lang iyon sa isip ko at inubos na ang pagkain.
Pagkaubos ko ay tumayo ka agad si Jimin at inabutan niya ako ng tubig. Kinacareer niya talaga eh nuh? Sabi niya babawi lang siya, hindi naman niya sinabing magpakaalila siya.
"Jimin, may kamay at paa naman ako, hindi mo naman ako kailangang pagsilbihan, hindi ko kailangan ng yaya." Ngunit umiling lang siya.
"'Diba sabi ko babawi ako sa'yo?"
"Pero hindi kasama dun ang pagiging alila mo."
Umiling ulit siya. "No, I'll do anything." Sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita, bahala na siya, bahala siyang i-impress ako.
"So anong balak mo ngayong araw?"
Kumunot ang noo ko. Ano nga bang balak ko? Maybe I'll just stay here, matutulog siguro maghapon. Hindi ko naman pwedeng yayain ulit si Lily, may trabaho pa 'yun. Oo siguro matutulog na lang ako buong araw.
"Wala, maybe I'll just stay here for a while."
Bumalik si Jimin sa sofa. "Uhm why don't we go on a shopping?" Suhestiyon niya, napatingin ako sa kanya. Shopping? Ano naman ang bibilhin ko? I have everything with me now.
"Nah sorry, I have everything." Nginisian niya naman ako.
"Really? You still don't have me." Nagsalubong ang kilay ko, heto na naman siya, bumubulong na parang hindi lang siya ang tao dito.
"Pakilakasan nga, anong sabi mo?"
Umiling lang siya.
"How about let's go watch a movie?" Umiling ulit ako, may TV naman dito and besides sayang ang pera, manonood lang naman.
"Lets have a walk?" Umiling ulit ako. Nakakapagod at nakakatamad.
"Eat outside?" Umiling ulit ako, kakakain ko lang tapos kakain ulit ako? Seryoso?
"So what do you want us to do?"
May 'us'? Bakit kailangan ba dapat kasama siya sa gagawin ko ngayong araw?
"Kasama ka?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, bakit ayaw mo?" Umiling ako.
"Hindi naman sa gan'un, kaso lang... bakit?"
"Kasi gusto ko?" Ahhh, napatango tango ako. Ang ganda ng sagot. Isang napakaayos na tanong. Tapos ang sagot ganun? Ang galing rin eh nuh?
"Palakpakan.. At bakit mo gusto?"
Bumuntong hininga na lamang siya at sumandal sa sofa na inuupuan niya. "C'mon Mia, quit asking too many nonsense question." Nakangisi na niyang sabi.
"So what are your plans?"
"Uhh maybe I'll just sleep all day?"
An evil smirk form into his lips. "So I'm also going to sleep with you?" My eyes widened. Anong sleep with me? Gusto niya bang masapak ng di oras?
"Oo pwede, pero sa sahig ka matutulog. You see this bed? Pang isahang tao lang 'to."
"Oh talaga? Baka pwede kitang patungan para maging isa tayo."
Uminit bigla ang pisnge ko, fvck this. A-ano bang s-sinasabi niya? Napalunok na lamang ako ng maramdaman kong nanginginig ang buong katawan ko kahit ang totoo ang init init naman. Kinuha ko ka agad ang unan sa tabi ko at binato iyon sa kanya.
"Pervert!" Inis na sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya na parang wala lang sa kanya 'yun. Sipain ko siya dyan eh!
"Umalis ka na nga lang. Puro kamanyakan 'yang nasa isip mo, bumalik ka na lang dun sa girlfriend mo." Natigil siya sa pagtawa, at binigyan niya ako ng serious look.
"Bakit ako babalik sa kanya kung iba na ang gusto ko?"
Napataas ang kilay ko. So anong ibig niyang sabihin dun?
"Edi dun ka na lang sa iba mo." May iba pa lang gusto pero nandito siya sa hotel kasama ako. Aba ang lakas din ng trip niya eh nuh?
"Eh paano ba 'yan? I'm with her now?"
Binato ko na lamang siya ng isa pang unan. Niloloko na naman ako eh.
"Tumigil ka nga!"
◈●◈●◈●◈
End Of Chapter
Oo wala pa ding internet, so kapag napublish na 'to, ibig sabihin meron na hahahaha ^__^
RilleFeeeee ♡♡

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016