Tahimik akong nakatingin sa apoy, habang sila nag uusap, nonstop ang bibig nila, maliban na lang sa aming dalawa ni Lily, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may problema siyang dinadala. Tinapik ko siya sa balikat.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya, she forced a smile then she looked away. May problema nga talaga siya, mas maganda kung ilalabas niya.
"Hey speak up. It's better to speak than to hide what you are feeling right now."Tumingin lang sa akin si Lily saka siya yumuko. Feeling ko may gusto siyang sabihin.. "Ikaw nga, hindi mo mailabas, ako pa kaya?"
Nagulat ako sa sinabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Parang may alam siya tungkol sa nararamdaman ko. Parang may nalaman siya na dapat hindi niya malaman."Ano ka ba Lily, wala naman akong problema eh. I'm perfectly fine." Pagkasabi ko nun, tumingin siya ng diretso sa mata ko. Lumapit siya sa akin at may ibinulong.
"Kailan ka pa nagfile ng annulment? Kailan pa kayo nagkalabuan ni Jimin?" Nagulat ako sa sinabi niya.
What? Lumayo ako ng kaunti sa kaniya. "A-anong alam mo?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
"Hindi ko sinasadya na marinig." Yumuko ulit siya. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at napayuko na din tulad niya, kung alam niya lang na simula nung una pa lang malabo ng mangyari na magkakaayos kami. Malabo ng mangyari na magkakaintindihan kami, at malabo ng mangyaring magkakagusto siya sa akin.
"I'm sorry, hindi ko talaga gustong itago 'to." Sabi ko. Napatingin ako sa direksyon ni V ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. He's wearing a worried look in his face.
Tumayo siya at tumalikod sa amin. May pinulot siya di kalayuan sa amin, pagtingin namin isang bote.
Bumalik siya sa pwesto niya."Guys, lets play a game? Spin the bottle." Nagkatinginan kaming lahat. Well that's interesting. "I'm in." Pagvovolunteer ko sa sarili ko, lumingon ako kay Lily na hanggang ngayon nakayuko pa din. Tinapik ko ang balikat niya.
"Huwag mo munang isipin 'yan at saka huwag kang mag alala, okay lang ako, and lastly huwag mo ng problemahin kung anong problema ko kasi pagdating sa problema, kuripot ako. I don't share it eh hahaha." Bulong ko sa kanya, tumingin lang siya sa akin at pilir na ngumiti. Nginitian ko din siya.
"'Yan, dapat ganyan ka.. Happy happy lang dapat okay?"
"Okay I'm in!" Masayang sigaw niya.. lahat na kami nagpagdesisyunan ng sumali. Mukha naman kasing masaya ito at para sa akin baka sa paglalaro ng larong to, pansamantala kong makakalimutan lahat ng problema ako.
"So ganito ang paglalaro. Iikot natin 'tong bote, kung ikaw ang naturo, all you have to do is to tell all your grudges in your heart. And we will give some advice. Gusto niyo ba 'yun?"
Kumunot ang noo ko. Ano? Wait?
Itinaas ko ang kamay ko. Hindi na pala ako sasali."Bakit?" Tanong sa akin ni V. Bumuntong hininga ako. "Ayaw ko na pa lang sumali." Sabi ko. Kumunot ang noo ni V. Ayoko lang talagang sumali, kahit gustuhin ko mang ilabas 'to, may part pa rin sa akin na ayaw kong ilabas 'to..
Para kay Jimin. Ayokong madungisan ang tingin ng mga tao sa kanya, ayaw kong magmukha siyang masama sa mata ng marami.
Akmang tatayo na sana ako para umalis ng biglang may humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko, si Jimin.. As usual ginagamit na naman niya ang peke niyang ngiti.
"Sinong nagsabi na di ka sasali?" Sabi niya saka siya umupo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya ng dahil sa gulat. Anong ginagawa niya dito? Anong sinasabi niya? Ibig bang sabihin nun sasali din siya?
"Ahh V pare sali kami ng asawa ko." Ngumiti siya sa kanya at inakbayan ako. Pasimple ko namang inalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Lets start the game?"
"Game."
Pinaikot na ni V ang bote at unang naturo si Chen.
"Ako pala naturo. Maglalabas ng sama ng loob? Uhm para 'to kay Jimin. Pasensiya na pare pero may sama ako ng loob sa'yo." Sabi niya. Nagulat kaming lahat sa sinabi niya, astig din pala niya, ang lakas ng loob niyang sabihin 'yun sa kanya.
"Kasi ikaw pinili ni Mia, sana ako na lang. Sa totoo lang kasi gusto ko siya, kaso nga lang ayaw niya sa akin kasi ikaw ang gusto niya, naiinis ako sa'yo kahit wala ka namang ginagawa." Sabi niya.
Saglit kaming natahimik sa sinabi niya, para na din siyang nagconfess ng nararamdaman. Gusto ko sanang mag advice pero, parang may humaharang sa lalamunan ko at wala akong maisip na sabihin sa kanya.
"Bago niyo ako bigyan ng advice, gusto ko lang malaman kung anong reaksyon niyong dalawa."
Jimin took a deep breath then he held my hand, napatingin ako sa kamay naming dalawa, nakakadalawang beses na siya sa paghawak sa kamay ko.
"I'm sorry kung ako ang nagustuhan ni Mia, and don't worry about her, I will take care of her, and I'll never hurt her."
Lily faked a cough, alam kong may gusto siyang iparating. Yumuko na din lang ako at bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ikaw Mia? Okay lang, hurt me with the truth, para naman makapagmove on na ako sa'yo." Sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"I'm sorry if I can't give back the love you're giving me. I'm sorry." Yun lang ang sinabi ko. Pagkatapos ay nagtuloy tuloy na ang laro hanggang sa maturo ang bote sa tapat ni Jimin. Bigla akong kinabahan.
Huminga ng malalim si Jimin bago nagsalita.
"I have this grudges in my heart that I think it will never leave. Galit ako sa magulang ko, simula ng sila na ang nagdedisyun sa lahat, kahit na ayaw ko, sumisige pa din sila. Para naman daw sa akin 'yun eh, pero kung para sa akin 'yun bakit hindi ako masaya sa mga desisyon nila? Natatawa na nga lang ako kasi lahat ng dapat ako ang nagdedesisyon, sila ang gumagawa. Pati kung anong susuotin ko sa hindi. Inis na inis ako sa kanila, galit na galit."
Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ni Jimin. Lahat ng sinasabi niya hindi ko inaasahan. Hindi ko alam na hindi ko pa siya masyadong kilala, na ganun pala ang nararamdaman niya.
Napayuko na lang ako.
"Nung umalis sila para asikasuhin ang business trip nila sa ibang bansa, I felt that freedom, I've always been wanting to achieve, nagagawa ko na ang lahat ng gusto ko, nagagawa ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Sapat na rason para mabuhay ako ng mag isa. Alam kong mali, na maging masaya na mawala sila sa buhay ko. Oo gusto ko silang mawala kasi isa sila sa mga taong humahadlang sa kasiyahan ko. Ang sama kong anak hindi ba? Nung bumalik sila, imbes na tanungin nila ako kung kumusta ako, do you know what they did? Nagdesisyun na naman sila para sa akin, at 'yung desisyun na 'yun? Sinira ang buhay ko."
◈●◈●◈●◈
End of chapter

BINABASA MO ANG
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016