[42.]

1.8K 95 27
                                        

Mia

"Ma pwede bang kunin niyo na lang ako? Sasama na lang ako sa inyo kahit saan? Ayoko na dito.." Hindi ko na kasi talaga kaya dito.. parang lahat na lang kasi ng bagay sa mundo, lahat ng nakikita ko, it always remind me of Jimin. Oo hanggang ngayon mahal ko pa din siya, but this? Itong weirdo na nararamdaman ko? This should be stop.

Ayoko ng ganito. Kung bakit kasi narinig ko pa 'yang boses ni Jimin eh. Ganito ba talaga ang effect niya sa akin? Boses lang niya nagbabago na agad nararamdaman ko. Hindi ba dapat galit ako sa kanya? Pero bakit natitiklop ako pagdating sa kanya.. nawawala 'yung galit na para bang unti unti na namang lumalambit puso ko.
Nakakaletche na eh. Parang anytime soon masisiraan na ako ng bait at mababaliw na ako.

[Anak hindi pwede..] sabi naman ni mama sa kabilang linya. Nasapo ko na lang ang noo ko at huminga ng malalim. If my mom said no, expect that she will never change her mind. No is a no.

"Okay ma, pero konsensiya niyo na kung pag uwi niyo ulit dito sa mental hospital na ako nakatira." Sabi ko sa kanya, natawa lang si mama.

[Ano ka ba anak.. So how's my beautiful daughter there?]

"Heto ma, maganda pa din kahit papano."

[Palabiro ka talagang bata ka.]

"Ma?! Hindi 'yun biro ano ka ba?"

[Ay hindi ba? Hahaha, anak I need to end this call right now.]

"Sige po ma.. tawag po ulit kayo, and make sure na kasama niyo na si papa."

[Sure anak. Bye I love you! I hope you find your true love soon!] Magsasalita pa sana ako ng bigla ng ibaba ni mama 'yung tawag. True love?? Si mama talaga eh, sana nga talaga mahanap ko na 'yung true love ko soon.

Nagpunta ako sa kwarto para sana ayusin na 'yung gamit na gagamitin ko ng biglang may kumatok sa pinto ko. Siguro 'yung tao na naman sa kabila ang kumatok para manghiram.

Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

"I'm glad I knew where you lived." Masaya niyang sabi sa akin. Napalunok na lang ako at pumagilid upang papasukin siya.
Hinanap din ba ako ng isang 'to? Paano niya nalaman na nandito ako? Na dito ako nakatira?

"Taehyung?" Ngumiti lang siya sa akin at siya pa mismo ang nag aya sa akin na pumasok kami sa loob ng condo.

"Siguro tinatanong mo sa isip mo kung paano ko nalaman?"

Tumango ako bilang sagot.

"Ahh oo, paano nga ba?" Eight months ko siyang nakita at eight months ko din siyang hindi nakausap, somehow I felt ashamed. Hindi ko na alam kung paano siya papakitunguhan katulad ng ginagawa ko noon. Eight months ago.

"But I have a good news." Masaya niyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at hinintay ko na lang siya na sabihin niya sa akin kung anong good news ang sasabihin niya.

"I Finally moved on. Thanks." Sabi niya. Nahihiya ko siyang tinapik ang balikat niya. "Congrats." Sabi ko lang. Pagkatapos nun ay bigla kaming binalot ng katahimikan.

Ni isa sa amin hindi kumibo, nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa but because I felt so awkward, umiwas na ako ng tingin sa kanya.

"Coffee or juice?" Tanong ko sa kanya.

"Tubig na lang." Sabi niya, bago ko siya iwan sa sala, sinenyasan ko siyang umupo muna at kuhanan siya ng tubig. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng tubig, kumuha na din ako ng mga hotcakes na kanina ko lang niluto.

Nagtungo na ako sa sala at inilapag sa lamesa ang pagkain at tubig niya. Kinuha naman niya ka agad 'yung tubig at uminom siya ng kaunti at pagkatapos nun ay tinitigan niya ako.

"Hindi mo ba gusto na nandito ako? It seems that you don't like my presence." Malungkot na niyang sabi sa akin. Well hindi naman sa malungkot at ayaw, nahihiya lang talaga ako sa kanya. Ewan ko ba bigla na lang ganito, well siguro dahil sa tagal naming hindi nagkausap at nagkita kaya ganun.

"No, it's not like that." Sabi ko.

"Eh ano?" Napahawak na lang ako sa batok ko, umiwas ako ng tingin sa kanya at bumuntong hininga.

"Nahihiya lang ako sa'yo." Napataas siya ng kilay sa sinabi ko at bahagya siyang tumawa.

"Hey look at me. Do you want me to help you? Para hindi ka na mahiya sa akin. Kasi kahit ako nahihiya na din sa sarili ko kapag ganyan ka." Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.

"Baliw." Bulong ko na lang, at mukhang narinig pa yata niya kaya nadagdagan na naman 'tong hiya ko. Letche talaga.. Nilait ko ba si Taehyung ng ganun ganun lang? Ang astig ko din pala nuh?

Natawa na lang si Taehyung. Haha, mukhang kailangan ko ding tumawa ng parang sa kanya to lighten up the atmosphere hahahaha..

"Haha." Pilit kong tawa ngunit ng marinig niya 'yun, mas lalo siyang tumawa. This time kumunot na ang noo ko. Ano 'to? Tatawanan niya lang ako? Ganun lang 'yun?

"Taehyung?" Tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa at tinitigan niya ako, "Yes?"

"Kain ka na muna ng hotcakes." Sabi ko.

"Okay." Kumuha na lang siya ng hotcakes at kinain 'to. Tiningnan ko lang siya kung paano kumain, and then narealize ko na ang gwapo pala niyang tingnan, at mas lalo siyang gumwapo. Yes I won't deny it, gwapo naman talaga siya.

"By the way Mia, magkaibigan na ulit kami ni Jimin." Sabi niya habang kumakain. Para namang tumigil ang paghinga ko ng marinig ko ang pangalan niya.

Magkaibigan na ulit sila?

"P-paano?" Tanong ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtanong sa kanya. Ewan ko ba, hindi ko dapat 'to tinatanong sa kanya eh.. dapat hindi namin siya pinag uusapan, but I can't just help myself, ayaw ng utak ko na pag usapan siya pero 'tong letcheng puso na 'to ayaw papigil. Gusto niyang pag usapan namin si Jimin. 'Yung taong walang ibang ginawa kung hindi ang saktan ako. Ang astig.

I'm so tired of getting heartaches daily but I can't help but to love him more each day... it is hard to let go and forget him.

Paano ba 'to?

"To cut the story short bago ka umalis nag away muna kami, but after that day naging okay kami. He realized something, at tama siya. We became friends." Tumango ako bilang sagot na lang.

Tumigil sa pagkain si Taehyung at tinitigan ako ng seryoso.

"And I must tell you something." Seryoso niya ding sabi.

"I used to like you Mia San."

●◈●◈●◈

End of chapter

Geh tinapos ko muna 'tong chapter na 'to. Maghuhugas na ako ng plato. Maya ulit.

Happy valentines ulit! ^__^

RilleFeeeee ♡♡

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Where stories live. Discover now