Kapwa lang kaming tatlo na nakatayo sa harap ng puntod ni Diana, hindi ko akalain na ganun siya kamahal ni V.. Tahimik lang siya na nakatitig sa puntod niya na parang nakatingin siya sa mga mata ni Diana.
Sobrang sakit talaga, kapag mahal mo 'yung tao at iniwan ka.
"I wanted to be alone, can you just leave me?" Biglaang pakiusap niya sa amin ni Jimin, nagtinginan lang kami at napagdesisyunan na namin na umalis na.
Tumingin ako sa kanya.
Maybe he really needs to be alone to think. Hinawakan ko na ang kamay ni Jimin at nagsimula na kaming maglakad palayo sa kanya.
"Grabe, hindi ko maiwasang huwag maawa sa kanya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya."
"How'd you know that it hurt so much?"
"I don't know basta pakiramdam ko lang masakit maiwan ng taong mahal mo." Tumingin ako ng diretso kay Jimin, naalala ko noon andami ko ng rason para iwanan siya, pero hindi ko magawa kasi iniisip ko kung anong mararamdaman ni Jimin. Kahit alam kong hindi naman siya magiging malungkot talaga.
"Hey, stop worrying about him, nakayanan naman niya na wala si Diana sa tabi niya ng tatlong taon. I know that he will be alright." Tumango na lang ako bilang sagot, naglakad na lang kami hanggang sa driveway ng may biglang tumawag kay Jimin. Tiningnan niya ang cellphone niya at agad ding tumingin sa akin.
"Wait, I'm just going to answer this." Sabi niya at lumayo sa akin. Nagtaka ako bigla, bakit kailangan niyang lumayo? Is it really that important? Bakit? Sino ba 'yung tumawag sa kanya.. teka? Wait? Bakit ba ako nag iisip ng ganyan? Pinaghihinalahan ko ba siya? Pinagdududahan?
Wala naman siyang babae eh.
Sinapok ko ang sarili ko. Wala na ba akong tiwala sa kanya? Agad agad? Kakaumpisa lang namin tapos ganito agad? Aba't ayos din ako eh nuh? Ang sarap ingudngud sa toilet bowl.Mamaya maya ay natapos na siyang kausapin 'yung kausap niya sa cellphone, kung sino man 'yun.
"Sino 'yun?" Tanong ko sa kanya, pagkadating na pagkadating niya. Umiling lang siya. "Si Jungkook lang 'yun, nangangamusta."
Nagsalubong ang kilay ko. Nangangamusta? Eh bakit kailangan niya pang lumayo hindi ba? Napatango na lang ako..
"Okay. Tara na?"
◆◆◆
Iminulat ko ang mata ko.. Napatingin ako sa paligid. Bahagyang kumunot ang noo ko, bakit ako nandito sa kwarto ni Jimin? Teka? Nakauwi na pala kami? Ganun na ba katagal ang tulog ko? Ang naalala ko kasi nasa kotse kami, pauwi na, tapos andito agad kami?
Pero bakit andito ako sa kwarto ni Jimin? Pwede naman niya akong idala sa kwarto ko.
Bumangon ako at umayos ng upo at kinusot ang mata ko.. maya maya may biglang bumukas ng pinto, pagtingin ko si Jimin may dalang tray ng pagkain habang nakangiti na naglalakad patungo sa akin.Ngumiti na din ako sa kanya. Nakakahiya naman, naghanda pa siya ng pagkain para sa akin.. nang tuluyan ng makalapit sa akin si Jimin, inalagay niya sa harap ko ang tray.
"Nakalock kwarto mo kaya dito na lang kita dinala at saka pinagluto na kita ng lunch."
Wow pinagluto pa talaga ako.. Ang special ko naman talaga, tiningnan ko ang pagkain na niluto niya. Kahit simpleng scramble egg at hotdog lang ang niluto niya, pakiramdam ko busog na busog na ako.
"Kain ka na." Aya niya sa akin. Tumango na lang ako at kinain iyon.. Maya-maya ay natigil ako sa pagkain kasi bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang, eh kasi naman nanunuod lang siya sa akin na para bang inaaral niya kung paano ako kumain.
"Kumain ka na ba?" Instead na tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at saka binigyan ako ng isang ngiti.
"Kain ka na." Nilahad ko sa kanya ang kutsarang may lamang pagkain, at first akala ko hindi niya kakainin kasi, sinubo ko na 'yung kutsara, pero nagkamali ako.
Sinubo niya ang kutsara at tumawa na parang kinikiliti siya, kunot noo akong ngumiti sa kanya, bakit kaya siya tumatawa? Hindi kaya kinikilig ang isang 'to sa akin?
"Tumigil ka nga." Pakiusap ko sa kanya ngunit mas lalo lang siyang tumawa. Ano bang tinatawa tawa nito? 'Yung pagkain na niluto niya? Bakit okay lang naman ah? Masarap and properly cooked siya, ano ba talaga 'yun? 'Yung mukha ko ba?
"Pangit ba ako?"
"Pwede ng panaksak nguso mo.. ang tulis." Natatawa niyang saad, instead na tumawa din ako gaya ng ginagawa niya, nanatili pa din akong nakanguso.
Seriously?
"Jimin." Naramdaman siguro niya na sumeryoso ako kaya tumigil siya sa pagtawa pero nababakas pa din sa labi niya ang pilyong ngiti. Nagulat na lang ako ng bigla niyang ilapat niya ang daliri niya at may kung anong tinanggal siya sa labi ko.
"Sorry na oh? Huwag ka ng magtampo please?" Parang bula na bigla na lang naglaho ang galit ko sa kanya ng sabihin niya ang mga katagang 'yun.
"Okay lang 'yun." Sabi ko at binigyan siya ng isang ngiti. See that? Ganyan ang epekto sa akin ng lalaking 'yan.. Hindi ko magawang magalit sa kanya, mahal na mahal ko 'yan eh.
"Kain ka na." Sabi niya at itinuloy ko na ang pagkain ko.
◆◆◆
"Sir!" Hawak hawak sa kamay ko ang mabibigat na papel na ipinagawa sa akin ni V, masaya pa din akong nagtungo sa office niya para ilagay ang lahat ng 'yun sa loob. As usual, pagpasok ko bumuntong hininga na naman siya na para bang ayaw niya akong makita sa loob ng office niya, and as usual too, sanay na ako na ginaganyan ako ni V. Ganun pa din ang trato niya sa akin... but I will still not give up. I'm willing to help him, no matter what happen, hindi naman kasi pwedeng ako lang masaya ang buhay ngayon..
Dapat siya din.
"Ilagay mo na lang dyan at bumalik ka na dun." Walang emosyong sabi niya at itinuloy kung ano man ang ginagawa niya. Nilagay ko sa table niya ang mga papel at instead na bumalik, umupo ako sa upuan na katapat niya lang. Napatigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako, more on tinaasan niya ako ng kilay..
"Makailang beses ko na bang sinabi sa'yo na ayoko? Bakit ba ang kulit mo?"
"Sir naman, hindi naman kasi pwedeng ganito na lang na sa tuwing makikita mo ako, maaalala mo siya at masasaktan ka na naman, tapos feeling ko ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Alam mo bang hindi ako makatulog?"
Nasapo niya ang noo niya at bumuntong hininga ulit.
"Ano bang mangyayari kung pumayag ako?" Halos mapunit na ang labi ko ng sabihin niya iyon..
"Ibig bang sabihin nun pumapayag ka na?" Masaya kong tanong sa kanya. "Kailan pa naging sagot ang isa pang tanong huh Mia? That was just a 'What if'." Paglilinaw niya sa akin, tumango na lang ako bilang sagot.
"Well, you can finally say that you've move on and you're truly happy." Pagkatapos kong sabihin iyon, ilang oras kaming natahimik at mamaya maya ay tiningnan niya ako ng diretso sa mata.
"Okay deal."
◈●◈●◈●◈
End Of Chapter

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016