"Wow sir V, ayos ah? Smiling mode ngayon?" Pagkapasok ko pa lang ng office namin, iyan na agad ang narinig ko kaya napangiti na lang ako, lumapit ako sa cubicle ko at inilagay dun ang mga gamit ko at ibinaling ko ang tingin ko kay V na kasalukuyang masayang nag e-entertain ng mga empleyado niya.
I'm glad he's following me. Sana talaga matulungan niya ang sarili niya. Pagkatapos kong maayos ang gamit ko, tiningnan ko ang wrist watch ko, maaga pa naman, I still have time to have coffee.
Lumapit ako kila V, napansin niya na palapit ako sa kanya kaya ibinaling niya ang tingin sa akin at kinawayan ako, as usual he smiled at me like what I have said.
"Good morning." Bati ko sa kanya at saka sa kausap niya.
"Good morning." Bati nila. Aalis na sana ako para magkape muna sa labas ng biglang hawakan ni V ang kamay ko pabalik sa kanya. Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niya.
"Sir? May kailangan ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. "Thank you." Sabi niya saka niya binitawan ang kamay ko, binigyan ko na lang siya ng isang ngiti. "Welcome sir. Sir magkakape lang ako sa labas." Tumango siya at lumabas na ako ng office. Nagtungo ako sa XOXO cafe, sakto naman na nakita kong papasok si Jungkook sa cafe na pupuntahan ko kaya tumakbo ako palapit sa kanya.
"Jungkook!" Lumingon siya sa akin, mukhang nagulat pa siya ng makita niya ako. Tumigil siya sa paglalakad, ng makalapit ako sa kanya bigla siyang yumuko.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako. Ngumiti lang siya saka siya tumango. Tiningnan ko ang wrist watch ko. 8 am na, bakit hindi pa siya pumapasok?
"Bakit hindi ka pa pumasok? Baka ma-late ka sa klase niyo. Ano bang gagawin mo dito?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Kailangan ko po kasing mag-isip isip." Sabi niya na ikinagulat ko.
Tungkol saan naman ang pag iisipan niya?"Hindi ka papasok?" Tumango siya.
"Baka bumaba grades mo niyan sa kaka-absent mo."
"Ate, ngayon lang naman ako hindi papasok eh." Bakas sa boses niya ang lungkot kaya mas lalo akong nagtaka.
"Teka nga, may problema ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya. Umiling siya, pero kahit na iyon ang isinagot niya sa akin alam kong may problema siya.
"Come on, share it to me, baka makatulong ako." Akmang magsasalita na sana siya ng biglang may tumawag sa pangalan niya, sabay kaming napalingon ni Jungkook sa babaeng iyon na hinihingal habang palapit sa kanya.
Nang makalapit na siya sa kanya, tiningnan ako ng babae at nagpalipat lipat siya ng tingin sa amin na para bang inaalam niya kung magkakilala kami.
"Eunah, ano na naman ginagawa mo? Bakit mo na naman ako sinusundan?" Halatang hindi komportable si Jungkook ng dumating 'yung babaeng tinawag niyang Eunah.
"Hindi kasi kita mahanap sa school kaya hinanap na lang kita sa labas, tara na ma-lelate na tayo." Hinawakan ni Eunah ang kamay ni Jungkook pero agad din siyang bumitaw.
"Hindi muna ako papasok, kailangan ko munang kausapin si ate Mia." Sabay tingin sa akin. Nagulat pa ako sa sinabi niya, at dahil napansin kong hindi siya comfortable sa presensiya ni Eunah, tumango na lang ako.
"Pasensiya na Eunah kung hindi muna makakapasok si Jungkook, kailangan kasi muna naming mag usap." Sabi ko sa kanya. Bumunsangot siya at tumango na lang.
"See you tomorrow na lang Jungkook." Sabi niya saka siya umalis. Ng mawala na siya sa paningin namin, pumasok na kami sa cafe.
Humanap kami ng magandang pwesto at doon kami umupo.
"Ate pwedeng magtanong?" Tanong niya. Natawa na lang ako. "Nagtatanong ka na." Sabi ko, natawa na lang siya ng mahina.
"Ano pong naramdaman niyo nung nalaman niyo na ikakasal kayo? Nung hindi niyo pa alam kung sino ang lalaking 'yun?" Tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya naitanong?
"Well, nung hindi ko pa alam kung sino ang pakakasalan ko, nagalit ako. Sino ba naman kasi ang may gustong magpakasal sa taong hindi mo gusto at kilala hindi ba?" Tumango lang siya na parang may iniisip siya, kumunot ulit ang noo ko.
"Bakit mo natanong 'yun Jungkook?" Bigla siyang napatingin sa akin.
"My parents want me to marry this random girl." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatitig na lang ako sa kanya, mangyayari na naman sa kanya ang nangyari sa kuya niya?
"Ayaw kong matulad sa inyo ni kuya, ate. May iba akong gusto, ayaw kong magpakasal."
Nanlaki ang mata ko at tinitigan lang siya. Hindi pa din ma-sink in sa utak ko ang sinabi niya, so that's it? He's going to marry someone he doesn't even know, he doesn't even love.
"What? I think you should fight for your rights. Kahit anong mangyari you should do whatever is right." Tumango tango si Jungkook, at huminga ng malalim.
"'Yung ayaw ko lang naman po kasi eh matulad 'yung relasyon namin ng magiging asawa ko sa relasyon niyo." Napatitig na lang ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman kasi kung anong nangyayari noon sa amin ni Jimin, away dito, away doon.. hindi matapos tapos. Ngumiti na lang ako ng maisip ko kung anong nangyayari ngayon sa kasalukuyan.
"Just so you know Jungkook, we're already okay." Sabi ko dahilan para manlaki ng mata si Jungkook sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Okay na po kayo?" Gulat na tanong niya na para bang hindi siya naniniwala sa akin, na para bang hindi siya makapaniwala.
"Kung okay na po kayo, eh paano naman si...." biglang napatigil si Jungkook at tinitigan lang ako, parang may iniisip siya na dapat pinag iisipan ng mabuti.
"Mas mabuti siguro kung kay kuya manggaling 'yun. Sige ate una na ako." Magsasalita pa sana ako pero nakalayo agad siya sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba 'yun? Bakit hindi niya tinuloy? Bakit si Jimin pa ang may kailangang magsabi nun? Ano ba kasi 'yun?
Bumuntong hininga na lang ako. Tatanungin ko na lang si Jimin mamaya.
◈●◈●◈●◈
End Of Chapter

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016