Napayuko na lamang ako pagkatapos kong marinig ang sinabi niya at makita mula sa ekspresyon ng mukha niya ang galit na nararamdaman niya. May kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa puso ko ng sabihin niyang may isang desisyon ang mga magulang niya para sa kanya ang sumira ng buhay niya, alam ko naman na ako ang desisyon na tinutukoy niya. Alam kong isa ako sa mga taong sumira ng buhay niya, bakit sino pa ba ang nagpilit ng sarili sa kanya? Hindi ba ako lang?
Lahat kami hindi nakapagsalita sa gulat. Oo nagulat din ako dahil ngayon ko lang nalaman na may sama siya ng loob sa mga magulang niya simula noon, bakit hindi ko alam 'to? Bakit ko nga pala malalaman? Hindi naman siya nagshe-share sa akin ng mga problema niya, ni hindi nga niya ako makausap ng maayos. Mag share pa kaya?
"Uhm, hindi naman sa nagiging tsismoso ako, pero ano ba 'yung desisyon ng mga magulang mo na sumira ng buhay mo?" Nagtatakang tanong ni Chen.
Sarkastikong ngumiti si Jimin saka niya ako pasimpleng tiningnan. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"I can't tell it I'm sorry." Sabi niya. Tumango na lang si Chen. "Okay I understand."
"Jimin." Napatingin kaming lahat kay V. Seryoso siyang nakatingin sa kanya, kitang kita base sa itsura niya ang inis.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na baka 'yung desisyon ng magulang mo sa'yo, ang para sa'yo talaga. Kung pakiramdam mo na sinisira lang ng kung ano o SINO man 'yun, malay mo sa hinaharap iyong bagay o TAO na 'yun magiging mahalaga na sa'yo. Payong kaibigan lang Jimin, habang maaga, pahalagahan mo na siya, hindi madaling maghanap ng katulad niya."
Pagkatingin ko kay Jimin, hindi ko mabasa kung ano man ang dinaramdam niya ngayon. He is wearing a blank expression in his face. Hindi mo malaman kung anong nasa isip niya.
"Mukhang tama si sir V, Jimin." Singit ni Lily.
Ngumiti lang ng sarkastiko si Jimin sa kanila.
"Pero paano kung wala talaga? Na hindi ko kayang pahalagahan 'yun?" Para namang biglang tumigil ang tibok ng puso ko. Tagos hanggang bones to the highest level na 'yun. Parang konting konti na nga lang eh ikakamatay ko na ang lahat ng masasakit na sinasabi niya. Oo alam kong hindi niya ako mahal at hindi niya ako mamahalin kahit kailan, pero sana naman huwag naman niyang ipagdiinan sa akin iyon ng paulit ulit. Kasi paulit ulit akong nasasaktan eh.
"Then if you can't value that, why don't you just let that go? Matanda ka naman na hindi ba? Kaya mo ng mabuhay ng mag isa, hindi mo na kailangang magrely sa parents mo, may sarili ka ng trabaho. Hindi porket anak ka nila, sila na ang magdedesisyon para sa'yo. Matuto ka ding ipaglaban ang karapatan mo, lalo na kung 'yun ang tama. Payong ASAWA lang Jimin. Please just let that go."
◆◆◆
"Astig ng advice mo kanina." Natatawang sabi ni Jimin habang nakaupo sa sofa at naglalaro ng kung ano sa cellphone niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Astig? Oo astig 'yun.
"Bakit kasi hindi mo na lang ako pakawalan huh?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Eh sa ayaw ko, bakit ba?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko siya maintindihan eh, ayaw niya ako, di niya ako gusto, hindi niya ako mahal, wala siyang pake sa akin, at hindi niya ako kayang pahalagahan. Hindi pa ba 'yun enough reason para sa kanya na hiwalayan ako? Sa totoo lang napakarami na niyang rason eh,
"Bakit ikaw? Ang galing mo ding magsinungaling nuh? May pa I will take care, take care ka pang nalalaman, hindi mo naman ginagawa." Inis na sabi ko sa kanya, tinawanan niya lang ako saka niya ibinaba ang cellphone niya.
"Psk... Nakakatawa ka talaga, minsan pa-tanga tanga ka din." Tinaasan ko siya ng kilay. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin 'yun, tanga?
"Ikaw din Jimin Park. Sobrang tanga mo para hindi ako pakawalan." Tumigil siya sa pagtawa at tiningnan ako ng seryoso.
"What?"
"Tanga ka." Diretso kong sabi sa kanya.
"Paano mo nasabing tanga ako?"
"Kasi isang malaking katangahan 'tong ginagawa mo. Nahanap mo na si Trisha, kung pipirmahan mo 'yun annulment papers, pwede ka ng makipagbalikan sa kanya, para maging masaya ka naman sa buhay mo." Sabi ko sa kanya, tinaasan na naman niya ako ng kilay. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at naglakad papunta sa kwarto.
"Kung nagugutom ka, may pagkain dyan. Matutulog na ako." Sabi ko at agad na nagtungo sa kwarto, akmang isasara ko na sana ang pinto ng bigla siyang humarang.
"Oopss I won't let you use the bed. Ako ang matutulog dyan." Nakangisi niyang sabi sa kanya. Kumunot ang noo ko, ano bang sinasabi nito? Gusto niya bang masapak o ano? Tinulak ko siya palabas ng kwarto, pero medyo malakas siya kaya hindi ko siya magawang paalisin dito sa kwarto.
Baboy kasi!
"Jimin ano ba? Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo, lumabas ka na! Dun ka na lang sa sofa matulog at saka ako ang nauna dito sa cottage na 'to!"
"Oh? Laos na 'yang rason na 'yan, sa panahon ngayon uso na ngayon ang agawan." Pagkasabi niya nun ay tumakbo siya at sumalampak sa kama, sinakop niya ang buong kama. Literal na bumagsak ang balikat ko sign na sumusuko na ako. Nakakainis talaga! Walang gana akong lumapit sa kanya at kumuha ng unan. Umayos naman na siya ng higa saka niya ako tinitigan.
"Want to sleep at my side?" He asked in a husky voice.
"No need, dun na lang ako kay V makikitulog. Baka sa kama niya pa ako patulugin." Sabi ko, lalabas na sana ako sa kwartong 'yun ng biglang may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Nilingon ko si Jimin saka padabog na inalis ang kamay niya sa braso ko.
"O ano na naman problema mo? Sa'yong sa'yo na nga 'yang kama eh."
Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa akin. 'Yung paraan ng pagtingin niya para sinasabi niya na may nagawa akong masama sa kanya.
"Bakit?!"
"Bakit dun ka sa alien mong boss makikitulog? Pwede ka namang matulog dyan sa upuan eh." Sabi niya.
"Eh sa ayaw ko nga sa upuan eh! Gusto ko sa kama!"
"Ahh so tabi kayong matutulog?"
"Hindi!"
"Eh bakit dun ka makikitulog?!"
"Kasi siya gentleman, hindi tulad mong walang pakialam! Alam kong papatulugin niya ako sa kama at hindi sa sofa lang!"
Kumunot lalo ang noo niya at hinawakan ang braso ko. Inis ko ulit inalis ang kamay niya kaso potching candy! Ang higpit ng pagkakahawak niya!
"Jimin!"
"Ano?!"
"Pakawalan mo nga ako!"
Pinakawalan niya kamay ko, akmang lalabas na sana ulit ako ng bigla siyang humarang sa pinto.
"Hindi ka makikitulog sa kanya! Oh ayan! Dyan ka na matulog sa kama!" Hinila naman niya ako palapit sa kama at tinulak pahiga.
"Dyan ka na!" Sabi niya saka niya kinuha ang nag iisang kumot at isang unan. Bago siya umalis, tiningnan muna niya ako ng masama.
Problema ng taong 'yun?
◈●◈●◈●◈
End Of Chapter

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016