Chapter FiveMia
--
"Hey! V! Open this fvcking door!" Napatingin ulit ako sa babae na kumakatok sa pinto ni Sir V na kulang na lang ay gibain na niya. Kanina pa siya katok ng katok, kanina pa siya sigaw ng sigaw at kanina pa siya nambubulabog! Hindi niya ba alam na kanina pa kami hindi makapagtrabaho ng maayos ng dahil sa kanya. Bakit kasi ayaw niyang tanggapin na nagsawa na sa kanya 'yung tao?
Sanay na kami sa ganitong sitwasyon na palaging may nagwawala na babae pagkatapos niyang pagkainterasan. Yes, Sir V is a playboy, lahat ng babae na natitipuhan niya napapasakanya at pagkatapos niyon wala na, pagsasawaan na niya.
"Psst, Mia, patahimikin mo nga 'yang babaeng 'yan saka tumawag ka na ng security guard." Utos sa akin ni Lily, kumunot ang noo ko. Ano? Ako pa uutusan nito, ayaw ko nga. Baka ako pa mapagbuntungan ng inis niyan kay Sir V. 'Di pa ako handang maubusan ng buhok ano.
"Ikaw na lang kaya."
"Mia, sige na. Ikaw mas malapit at saka 'di ako marunong makiusap."
"Bakit sa tingin mo kaya kong pakiusapan 'yan? Tingnan mo nga siya, para siyang hayop na nakawala sa zoo."
Bigla namang nanlaki ang mata ni Lily na para bang nakakita siya ng multo. Nakatingin siya sa likuran ko kaya lumingon na rin ako, pagkalingon ko halos mawalan ako ng hininga ng magkatitigan kami ng babae. Nakatitig siya sa akin na para bang sasabog na siya sa inis. Tumayo ako.
"What did you just said?!" Sigaw sa akin nung babae. Para namang unti-unti ng lumalabas ang puso ko sa katawan ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sheezz gano'n na ba kalakas ang boses ko para marinig niya?
Nakakainis bakit ko pa kasi sinabi 'to? Pero kasi totoo naman na para siyang animal sa zoo na nakawala. Kung magwala akala mo parang wala ng bukas.
"Ah, Ma'am." Lumunok muna ako bago ko masabi ang susunod kong sasabihin, at sa tingin ko kailangan ko ng mag isip ng ipang-a-alibi ko sa kanya.
"Ma'am h-hindi naman po ikaw 'yong tinutukoy ko." Pagkasabi ko niyon bigla akong nakatanggap ng isang malutong na sampal mula sa kanya.
"Liar!" Sigaw niya sa akin napapikit na lang ako para ihanda ko ang sarili ko sa susunod niyang pagsampal sa akin. Pero segundo na ang nakalipas at wala pa rin akong nararamdaman na kamay sa pisnge ko.
"Hey! Let me go! You fathead!" Naimulat ko na lang ang mata ko ng marinig kong nagsalita ang babae. More like sumigaw. Nasa harap ko ang nakatalikod na si Sir V habang hawak hawak niya ang braso ng babae. Lumapit sa akin si Lily at pati na rin si Chen.
"Uy okay ka lang?" Tanong sa akin ni Lily, nagulat kami ng bigla siyang batukan ni Chen.
"Anong klaseng tanong 'yan Lily? Nakita mo na ngang nasampal, tapos tatanungin mo kung okay? Baliw ka na ba?" Sinamaan lang ng tingin ni Lily si Chen. Tama nga naman kasi talaga si Chen eh, kailan pa ba kasi magiging okay ang taong nasampal? Nakakaimbyerna, ang sakit no'n. Parang hindi tao ang nanampal sa akin. Letche talaga.
"Please, Leah, go." Pakiusap ni Sir V sa babaeng tinawag niyang Leah na sumampal sa akin. 'Yung kaninang mabangis na mukha na pinakita sa akin ni Leah, parang biglang naglaho at napalitan ng isang maamong mukha.
Aba ang taray din niya. Sarap niyang ingudngod sa toilet bowl na may faeces. Nakakainis siya, tapos ano? Magpapaawa siya? Psk! Hindi ba siya nahihiya sa sarili niya? Bakit kasi ipinagpipilitan niya pa ang sarili niya sa taong kahit kailan hindi siya mamahalin? Maswerte nga siya kasi bago pa siya masaktan ng tuluyan may pagkakataon pa siyang makatakbo at maiwasan ang sakit, samantalang ako huli na ang lahat para sa akin.
Nakakulong na ako at nasanay na ako sa presensiya niya at hindi ko na alam kung paano pa makatakas sa ganitong sitwasyon."V, please, don't leave me, hindi ba okay na tayo kahapon? Bakit tayo biglang nagkaganito?" Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Leah sa kanya.
"Leah.. Imposibleng hindi mo ako kilala." Sabi ni Sir V.
"At walang tayo, Leah, tandaan mo 'yan." pagkasabi niyon ni Sir V ay pinakaladkad na niya sa mga security guard si Leah palabas. Humarap sa akin si Sir V at tiningnan niya ako na para bang nag aalala siya para sa akin.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, napapikit na lamang ako ng maalala ko ang sinabi ni Jimin sa akin.
Ito tatandaan mo, Mia, walang tayo, walang natin...
That was what he exactly said. Ito na naman ako ngayon, nararamdaman na naman 'yong sakit. Bakit kung kailan okay na ako? Bakit kung kailan nakakalimutan ko na ang katagang 'yan, meron at meron pa rin talagang magpapaalala sa akin niyan?
Paborito yata ako ni tadhana eh. Well being one of tadhana's favorite is the hardest thing to be. Bukod sa paglalaruan ka niya, papahirapin ka pa ng todo todo. Ang taray 'no? Nakakatawa talaga.
"Mia?" Napatingin ako kay Sir V.
Pilit lang akong ngumiti sa kanya. Nakakainis 'yong babaeng 'yon, kung hindi siya nagwala at sirain ang araw ko ngayon, hinding hindi ko maiisip itong mga 'to.
"I'm okay sir. Nasampal lang naman po ako eh."
NASAMPAL LANG NAMAN NG KATOTOHANAN NA HINDING HINDI AKO MAMAHALIN NI JIMIN.
◆◆◆
Nanatili lang nakatingin sa akin si Jimin habang ako naman hanggang ngayon dinadama pa rin ang sakit ng dahil sa pagkakasampal sa akin nung babae at ang sakit na nararamdaman ko ngayon ng dahil sa katotohanan na hindi ako mahal ni Jimin.
"Ano ba kasing ginawa mo at sinampal ka?!" Sigaw niya sa akin.
Tumingin lang ako ng masama sa kanya. Bakit ko naman sasabihin sa kanya? Mamaya niyan pagtawanan niya ako sa isasagot ko.
"Patingin nga!" Lumapit siya sa akin at inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa pisnge kong nasampal. Tinitigan niya lang ito hanggang sa magtagal, napagdesisyunan kong humarap sa kanya. Nagkatitigan kami ni Jimin ng mata sa mata hanggang sa lumayo siya sa akin.
"Bakit kasi ang tanga tanga mo?!" Sigaw niya bigla sa akin na ikinagulat ko. Anong sabi niya? Tanga ako?
"Alam mo, Jimin kung wala kang masasabing maganda, pwedeng manahimik ka na lang?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit ako mananahimik? Anong gusto mo? Manahimik na lang kahit na nasampal ka? At saka hindi ba totoo na tatanga tanga ka?"
Naikuyom ko na lang ang kamao ko, gustuhin ko mang sapakin ang taong 'to hindi ko magawa kasi may pumipigil sa akin na gawin iyon.
Ang puso ko. Hindi ko siya kayang saktan. Katulad ng ginagawa niya sa akin.
"May pagkakataon kang umilag! Pero pinairal mo 'yang katangahan mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya, nagulat siya sa ginawa ko.
"Tanga ka rin pala eh. 'Diba sabi mo may pagkakataon ako para umilag? Ngayon alam mo na kung bakit hindi ako nakailag? Kasi, Jimin biglaan 'yon. At isa pa, huwag mo ng ipalandakan sa akin na ang tanga tanga ko! Oo alam ko naman 'yon eh, ang tanga tanga ko kasi minahal kita kahit alam kong hindi gano'n ang nararamdaman mo para sa akin. Ang tanga tanga ko kasi mas pinili kong magpakatanga sa'yo! Grabeng katangahan 'to hindi ba, Jimin? At saka wala ka ng magagawa pa kasi nasaktan na ako, hindi ako nakailag kasi tatanga tanga ako."
Nanatili lang na nakatingin sa akin si Jimin, pero bago pa siya makapagsalita inunahan ko na siya. Kinuha ko ang papel na no'ng isang araw pa nakatago sa bag ko at inabot sa kanya.
"Nag file na ako ng annulment. Pakipirmahan na lang."
◈●◈●◈●◈
End of chapter
Anh Solbin as Mia in the multimedia
RilleFeeeee ♡♡

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016