Huminga lang ng malalim si sir V saka hindi na siya nagtanong pa. Yumuko na lang ako hinintay ang sarili ko na pansamantalang makalimutan ang pinag usapan namin. Worst topic ever..
"But does he also feel the same?" Tanong bigla ni sir. Pasimpleng kumunot ang noo ko, akala ko ba tapos na 'yang topic na 'yan?
"Well I'm not lucky." 'Yun na lang ang natatanging sagot ko sa kanya, tumango tango si sir. Bago pa siya makapagtanong ulit ng tungkol kay Jimin, inunahan ko na siya.
"Sir, kung maaari po, pwede po bang huwag na muna natin siyang pag usapan?" Pakiusap ko sa kanya. Tumango ulit siya bilang sagot.
Isinalpak ko na lang ulit ang earphones ko sa tenga ko at nakinig na lang sa music. Hinihintay na lang namin na makarating kami sa pupuntahan namin.
Ilang minuto din kaming natahimik kaya napagdesisyunan ko ng magsalita. Kung ako tinanong niya ng mga personal na tanong, why don't I try to ask him too right? Para naman hindi maging awkward ang buong byahe papunta lang 'dun.
"Ah sir would you mind also if I ask you something personal?" Nahihiya ko pang tanong sa kanya.
"Sure, hindi naman ako mamamatay kung pag uusapan natin 'yan hindi ba?" Natatawa niya ding sabi. Tama nga naman siya, hindi naman niya ikamamatay 'yun.
"I just want to ask sir, bakit po papalit palit kayo ng babae? Ibang babae bawat araw. Don't feel offended sir ha?"Natawa na lang si sir sa tinanong ko. Pero halata sa kanya na ayaw niyang napag uusapan 'yun.. Pakiramdam ko tuloy isa na akong tsismosa.
"Ahy sir, kahit huwag niyo na po palang sagutin. Parang ayaw niyo po kasing pag usapan natin." Natawa na lang ulit si sir V.
"Mia alam mo kung ano ang ayaw ko sa usapan natin? 'Yun ay sa tinatawag mo akong sir. Wala tayo sa trabaho kaya you can just call me V."
Napakamot na lang ako sa ulo. Tatawagin ko siya sa pangalan niya lang? Hindi ako sanay, but sige. Baka magalit lang sa akin si sir ay este V pala.
"Sure V." Nahihiya ko pang tawag sa pangalan niya. Nakakaloka talaga kasi hindi ko maimagine na tinatawag ko lang siya sa pangalan niya, kasi nga 'diba pinaglilingkuran namin siya at mas mataas siya kaysa sa amin. Tapos tatawagin ko lang siyang V? Ang taray ano?
"So you're asking about why I date different woman everyday?"
Nahihiya akong tumango.
"Let's just say that I'm just being kind. Lahat ng babae na may gusto sa akin pinagbibigyan ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? Kind ba ang tawag dun? O paasa? Aba't loko pala 'tong boss namin.
"So you're not a playboy?" Walang alinlangan na tanong ko sa kanya.
"Oo na lang. I've never been interested in women, simula pa nung una."
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Pero kung wala siyang interes sa mga babae, bakit niya pa pinagbibigyan hindi ba? Ang sakit kaya para sa amin na malaman mo na pinansin ka lang ng taong gusto mo dahil pinagbibigyan ka lang niya kasi may gusto ka sa kanya.
"So you're just being kind huh? Ni minsan ba hindi mo naisip na naging heartbreaker ka na din?" Prangkang tanong ko sa kanya, wala eh, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na huwag sabihin sa kanya iyon.
"Sumagi na 'yun sa isip ko." Sabi niya.
"Then why don't you stop breaking their hearts?"
"I can not do that Mia. Kasi kahit na anong gawin ko masasaktan at masasaktan ko pa din sila, kung hindi ko sila pinagbigyan at tinanggihan ko lang sila, masasaktan pa din sila."
But it's better to hurt them with the truth.
"Alam mo V? Hindi ko alam kung sasang ayon ako sa'yo or hindi. Well being kind is good but being paasa and heartbreaker are not. Alam mo bang mga kababaihan galit sa mga katulad niyo? Dyan kasi nag uumpisa ang ka-ampalayahan ng mga babae eh.. At saka sir--I mean V hindi sa galit ako sa'yo, naglalabas lang ako ng opinion. I just want you to know that it's better to hurt us with the truth than to hurt us with a lie, kasi mas maiintindihan namin 'yun."
Natawa na lamang si V. Alam kong na-offend ko siya pero ito kasi ang tama. Ang itama ang mali niya at malaman niya na hindi tama ang ginagawa niya.
"V you don't know how to reject right?" Pahabol na tanong ko sa kanya.
Saglit siyang tumango.
"Honestly yes."
Sabi na eh.. Kaya pala nagpapaka-"KIND" siya sa mga babae. 'Yan kasi ang mahirap. Ang magreject ng nararamdaman, nakakainis kasi si konsensiya.. nanggugulo. Ayan tuloy pati desisyon naaapektuhan.
"Kung ganun, mag aral ka ng magreject, para wala ka ng nasasaktan."
"Okay I'll try."
Saglit ulit kaming natahimik, then naisipan kong tumingin saglit kay V. Nakangiti siyang nagmamaneho. Magkaibang magkaiba sila ng ugali ni Jimin. Napakalaking diperensiya.
Pero I think may isa silang pagkakapareho. Kapag nagmahal sila, maybe maganda sa pakiramdam. 'Yung kay Jimin, kahit hindi ako nakaramdam, kitang kita ko kung paano siya magmahal.. At 'yung kay V, siguro pag magmamahal he's going to do everything for that woman he loves, base 'yan sa ugali niya. Kasi kahit papaano pinapahalagahan niya pa rin ang babae at ang pakiramdam nito, feeling ko kapag nagmahal siya, hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit sa babaeng mahal niya.
Ang sarap tuloy magmahal ng katulad ni V. Saan kaya ako makakakita ng ganyang klaseng tao? I want someone like that.
"Mia." Tawag sa akin ni V.
Tumingin ulit ako sa kanya.
"Tanong lang ha? Anong masasabi mo sa taong manhid?"
Manhid? Katulad ni Jimin na hindi mapansin pansin ang pagmamahal ko sa kanya?
"Uhm well, uhh tanga sila para hindi nila maramdaman ang pagmamahal na binibigay at ipinapakita sa kanila."
"Tanga? So 'yung babaeng gusto ko tanga?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wait? May gustong babae si sir V?
"Sir--I mean V. May gusto kang babae? Akala ko ba 'you've never been interested in women?'"
"Noon lang 'yun."
Oh my gosh.. isang kagimbal gimbal na balita ang aking nalaman ngayon. Seryoso siya?
"Hindi naman siguro siya tanga hahaha, baka naman kasi hindi mo pinaparamdam sa kanya na gusto mo siya." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Nagbago tuloy pananaw ko sa mga manhid haha, baka kasi manhid sila kasi hindi pinaparamdam ng taong 'yun ang pagmamahal niya."
"Oh. Alright, so should I show it to her?"
Tumango ako.
"Haha that girl is a lucky one."
◈●◈●◈●◈
End of chapter

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016