[30.]

2K 112 8
                                        

Konting konti na lang talaga sasabog na puso ko sa kaba habang papasok ako sa opisina. Hindi ko talaga makalimutan kung ano ang sinabi sa akin ni Jimin, about Diana.. Parang ayaw ko na tuloy magpakita kay V, ayaw kong magdagdag ng sakit ng loob sa kanya lalo na at nakikita niya sa akin si Diana.

"Mia!" Napalingon ako kay Lily na kasalukuyang nagkakape sa labas ng opisina kasama si Chen na parang may pinag uusapan. Sinenyasan ako ni Lily na lumapit sa kanila, lumapit ako at tumabi sa sa kanya.

"Oh anong pinag uusapan niyong dalawa? Mukhang napakaseryoso niyo." Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga si Lily saka niya ako inakbayan.

"Mia, sorry." Kumunot ang noo ko. Anong sorry? Bakit siya nagsosorry? May kasalanan ba siyang nagawa sa akin?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Nasabi ko kasi kay Chen kung ano talaga trato sa'yo ni Jimin." Sabi niya na halos ikagulat ko. Tinaasan ko ng kilay si Lily.. "Tapos na kami dyan Lily, masaya na kaming dalawa ni Jimin, nagbago na siya.. magbabago na siya para sa akin." Sabi ko.

This time si Chen naman ang bumuntong hininga at tinitigan ako ng diretso sa mata na parang hindi pa siya kumbinsido sa sinabi ko. Hindi naman na ako nagsisinungaling ah? Totoo na 'yun.

"Bakit hindi mo sinabi ka agad para naalis kita sa puder niya?" Sabi ni Chen, kumunot muli ang noo ko. Hindi ba siya nakikinig? Sabing tapos na kami dun at nasa moving on na kami..

Wala na kaming problema sa isa't isa at isa pa, as if naman sasama ako sa kanya nuh? Kahit na ganun si Jimin sa akin nun, mas gusto ko pa ring kasama ang taong mahal ko.

"Okay na kami.. he's willing to change for me. Okay? Huwag na kayong mag alala sa akin." Sabi ko, akmang tatayo na sana ako ng bigla kong makita si sir V na palabas kaya nanatili lang akong nakaupo at kunwaring may inaayos sa sapatos ko.

Ayaw ko lang na makita niya ako, baka maisip na naman niya si Diana.

"Mia anong ginagawa mo?" Medyo napalakas ang boses ni Lily sa pagtatanong sa akin kaya lumingon sa gawi namin si V at tumigil siya sa paglalakad. Nasapo ko na lang ang noo ko, pahamak naman 'tong si Lily eh..

"Okay lang ako, inaayos ko lang sapatos ko." Sabi ko at dali-daling tumayo, sumulyap ako kay sir then pasimple akong ngumiti sa kanya at tinakpan ko ang mukha ko ng nakalugay kong buhok.

"Are you alright Mrs. Park?" Tanong niya sa akin. Tumango na lang ako at lalayas na sana sa harap niya ng bigla niyang hablutin ang kamay ko iniharap niya ulit ako sa kanya.

Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa, hinawi lang naman niya ang buhok ko at tinitigan niya ako ng eyes to eyes. Napalunok na lang ako.. sheezzz pumasok na naman ba sa utak niya si Diana? Huwag naman sana...

Inalis ko ang kamay ni V na nakahawak sa buhok ko at umiwas sa kanya ng tingin. "Okay lang talaga ako sir. Sige sir kailangan ko na pong magtrabaho." Dali dali akong naglakad palayo sa kanya, ng makarating ako sa cubicle ko, nakahinga ako ng maluwag.. mukhang ang hirap nitong gagawin ko, araw araw akong iiwas sa kanya para lang hindi niya maiisip si Diana, kasi konsensiya ko na kung masasaktan siya kapag naaalala niya na naman siya, bakit kasi nagkataon na magkamukha kami? But seriously? Magkamukha ba talaga kami??

'Yung talagang magkamukha na magkamukha? 'Yung tipong maaalala mo ang taong kamukha mo sa'yo?

Kung oo, gusto kong makita kahit picture niya lang. Kasi kung maaari magpapapalit ako ng mukha para kay V. Pero joke lang 'yun, kuntento na ako sa pagmumukha ko.

Ang hirap din kasi ng ganito, ni hindi ko man lang alam na sa tuwing nakikita ako ni V eh nasasaktan siya, sana kung alam ko lang matagal na akong umalis sa trabaho ko. Kaso mahal ko din 'tong trabaho ko eh, may kaibigan na din ako dito, hindi pwedeng iwan ko na lang sila ng basta basta dahil lang dun..

Tutulungan ko na lang siyang makamove on. Bahagyang kumunot ang noo ko ng may maaalala ako.

Tanga? So tanga ang babaeng gusto ko?

The only thing I knew was I was smiling ear to ear. I think I know what will I do.

Dali dali akong lumabas ulit ng office upang habulin si V, di bale ng araw araw niyang maaalala sa akin si Diana kung ang katumbas naman nito ay makakamove on siya.

Nang makalabas ako, saktong pasakay siya sa isang taxi, nakunot ang noo ko, taxi? Bakit siya gumagamit ng taxi? Nasaan kotse niya? Teka nga?! Ano bang pakialam ko huh? Paano kung nasira lang pala 'yung kotse niya? Or kaya nasa parking lot pero sa pagmamadali niya kailangan na niyang umalis at nagtaxi na lang siya... PERO isang malaking PERO...

"Sir V wait!"

Tumakbo agad ako sa taxi at walang pasabi na sumakay dito, gulat na gulat naman siya ng makita niya ako sa tabi niya. Ngumiti ako sa kanya..

"Saan kayo pupunta sir?" Tanong ko sa kanya ngunit imbes na sagutin niya ang tanong ko eh kumunot ang noo niya na parang ayaw niya sa presensiya ko.

"Uuwi lang ako, bumaba ka na." Sabi niya, umiling ako at sinenyasan na 'yung driver na magmaneho na.

"Ah sir, tanong lang saan po ba talaga tayo pupunta? Sa sementeryo o sa bahay niyo po?" Tanong nung driver, kunot noo akong tumingin kay V. Sementeryo? Akala ko ba uuwi? Gusto niya atang masapak?

"Ah sige ho, diretso na po kayo sa Sementeryo." Sabi ko sa driver, hindi na sumagot pa si V.

Mukhang alam ko na kung sino ang dadalawin niya. Si Diana, sino pa ba kasi ang taong mahalaga sa kanya na nawala sa kanya? Hindi ba si Diana lang? At saka gusto ko siyang makilala kahit wala siya.

"Sir, hindi naman sa nanghihimasok ako, pero naikwento po sa akin ni Jimin si Diana." Tumingin siya sa akin ng diretso.

"Wow, he's now sharing some private stuffs huh? Okay na kayo?" Pag iiba niya ng topic. Nasapo ko na lang ang noo ko, it seems like he doesn't want us to talk about that. Okay then..

"Yes sir, we're already okay." Sagot ko sa kanya.

Tumango lang siya..

"If he already told you about her, are you already aware that you exactly look like her?" Tanong niya sa akin. Dahan dahan akong tumango at yumuko.

"Then why are you still here? Showing me your face?"

◈●◈●◈●◈

End Of Chapter

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon