Chapter FourMia
--
Pasimple kong pinahid ang luha ko para hindi nila mapansin na naiyak ako sa masakit na katotohanan na sinabi ni Jimin. Tagos hanggang buto! Ang sakit lang sa puso na para akong paulit ulit na dinadaganan ng matatabang tao sa sakit.
"Oo na, alam ko naman 'yon, huwag mo ng ipagdiinan." Bulong ko, nakakainis kasi. Tao rin naman ako na nasasaktan, 'di man lang niya naisip na baka masaktan ako sa sinabi niya. Bakit? Ano bang akala niya sa akin? Manhid? 'Di tao? Walang pakiramdam? Walang puso?
"Ah? Ate, kuya, uuwi na ako." Singit ni Jungkook upang mabaling ang atensyon namin sa kanya, tumango na lamang kami ni Jimin saka ito tuluyan ng umalis. Naiwan na lang kaming dalawa dito ni Jimin at hanggang ngayon, wala pa rin sa aming dalawa ang naiisipang magsalita.
"Bibili lang ako ng pagkain sa labas, ikaw? May gusto kang kainin?" Tanong ko sa kanya bago ako lumabas para bumili.
"Wala, gusto kong umuwi na lang." Sabi niya. Tiningnan ko lang siya ng matagal, sige bahala siya. Lumabas na ako para bumili ng pagkain. Pagkalabas ko naman ng emergency room, halos makahinga na ako ng maluwag. Hindi na kasi ako komportable sa loob na kasama siya dahil sa mga sinabi niya sa akin, masyado talagang masakit sa pakiramdam na mas gugustuhin mo na lang na makalanghap ng sariwang hangin para hindi mo na masyadong maramdaman 'yung sakit.
Kailangan ko ng bumili ng pagkain, ginugutom na naman ako, kung ano ano na naman pinagsasabi ko.
--
Hindi na ako bumalik sa trabaho ng makauwi na kami ni Jimin sa bahay, sabi kasi ng doktor kailangan kong bantayan ang isang 'to kung kumakain siya. Kainis, para na tuloy akong babysitter nito. Hapon na noong nakauwi na kami kaya nagluto na ako ng pang hapunan niya, oo kahit labag sa kalooban ko na ipagluto siya ay ginawa ko pa rin kasi magmula kahapon hindi pa siya kumakain, kawawa naman.
Nang matapos ko ng maluto 'yon, nilagay ko sa tray ang pagkain niya at dinala ko sa kwarto niya, naabutan ko naman siyang nakahiga lang sa kama niya habang nagtitipa sa cellphone niya na animo'y may katext. Nang mapansin niya ako, saglit lang siyang tumingin sa akin at ibinalik niya sa kanyang cellphone ang atensyon niya. Nilagay ko na lang sa side table niya ang pagkain.
"Kumain ka, at pagkatapos niyan inumin mo itong gamot." Ibinaling ulit niya ang atensyon sa akin.
"Busog ako." Walang ganang sagot niya, tinaasan ko siya ng kanang kilay. Busog? That's a lame excuse! Paano siya mabubusog e wala naman siyang kinain magmula kahapon! Ako bang niloloko ng pandak na 'to?
"At paano ka naman nabusog aber? Anong kinain mo? Huwag mong sabihing laway mo?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Bakit ba? Busog nga ako!" Sigaw niya sa akin. Grabe talaga siya, magsisinungaling na nga lang, halatado pa.
"Kung busog ka edi sana 'di ka napunta sa hospital! Kumain ka! Baka gusto mo ako na ang magsubo niyan sa'yo?"
Sinamaan lang ako ng tingin ni Jimin pagkatapos ay iniwan ko siya doon. Kapag hindi siya kumain malilintikan talaga siya sa akin. Lumabas na ako sa kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. Mamaya babalik ako, kapag talaga walang nangyari sa pagkain niya sisipain ko talaga siya.

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016