[20.]

2.3K 126 6
                                        

Matalim akong tiningnan ni Jimin ng makauwi kami sa cottage. Pareho lang kaming nakaupo sa sala, hanggang ngayon hindi ko pa ding mapigilang huwag umiyak. Eh kasi letchugas na past 'yan!

"Ano? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya ulit sa akin. Mariin lang akong umiling. I'll never let him know what's reason behind this. For sure he'll just going to laugh at me again. Mas mabuting makasiguro, ang hirap sa pakiramdam ang masaktan eh...

"Okay? What do you want me to do?!" Bahagya akong napatingin sa kanya. Sa simpleng sentence lang na iyon, parang biglang gumaan ang loob ko, para bang nabawasan ang sakit ng nararamdaman ko. He's willing to do something to make me stop crying.

Tumahan ako sa pag iyak at tiningnan lang siya. I know he's just faking his worried look in his face, but why do I feel like he's sincere and he is going to do something.

Hindi ako dapat naniniwala sa expression na pinapakita niya sa akin ngayon, but I can't really stop myself. Para siyang totoo..

"W-Wala. Matutulog na lang ako. Nakakapagod, bumalik ka na lang doon at ituloy niyo ginagawa niyo." Naglakad ako papunta sa kwarto at sinara iyon. Ni lock ko na rin para hindi siya magtangkang pasukin ako sa kwarto.

Walang gana akong umupo sa kama at napahilamos na lang sa palad ko. Ano bang nangyayari sa universe? Bakit nagkakaganito? Bakit nagsisimula na naman akong umasa? Bakit siya nagkakaganun? Andami kong tanong.. Gusto kong malaman ang lahat ng sagot sa tanong na 'yan.

Napakunot noo ako at pabagsak na humiga sa kama. Wadahel. Ayoko ng ganitong feeling, parang anytime soon, mawawala na ako dito sa mundong ibabaw sa sobrang pag iisip! Andami kong iniisip! Andami kong tanong na hindi masagot sagot. Konting konti na lang talaga sasabog na ako na magdadahilan ng pagkamatay ko.

"Jimin..." bulong ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa phone ko at tinitigan si Jimin. You little freak, bakit hanggang ngayon you still have my heart? Pwede bang pakibalik na lang sa akin if you'll just going to break it over and over again..

Napapikit na lang ako ng maramdaman kong dinadalaw na ako ng antok. Tuluyan na akong nakatulog.

◆◆◆

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may kung anong tela ang nakapatong sa katawan ko, kinusot ko pa ang mata ko at dahan dahang umupo. Napakunot noo ako ng mapagtanto kong nakakumot ako. Sa pagkakaalam ko hindi ako gumamit nito bago ako natulog, napatingin naman ako sa pinto, halos manlaki ang mata ko ng makita itong nakabukas. Ni-lock ko kaya itong pinto hindi ba?

Sumilip ako sa labas at wala akong nakita, napagdesisyunan kong tumayo at lumabas para makita kung ano o sino ang nandoon.

Pero wala akong nadatnan. Tumingin ako sa bintana, palubog na ang araw. Inayos ko ang buhok ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Agad din akong lumabas at naabutan ko si Jimin at Trisha na nag-uusap. More on parang nagtatalo, mukhang hindi nila napansin na nasa likod lang nila ako, hindi ko na naisip pang istorbuhin sila.

"You're just going to give this up huh?! Nakalimutan mo na ba? Hindi ba pangarap natin 'to? Bakit gi-give up ka ka-agad huh?!" Kumunot ang noo ni Jimin.

"That was just long ago Trisha. Hindi na ngayon."

Napamewang si Trisha na parang inis na inis sa sinabi ni Jimin, ako din napakunot ang noo, ano bang sinasabi nilang pangarap at bakit hindi na ito pangarap ni Jimin?

"Kung ganun? Bakit ka kumagat sa oppurtunity na 'to?!"

"Kasi ang akala ko pangarap ko pa rin 'to, nagkamali lang pala ako."

Nasapo ni Trisha ang noo niya at tinulak si Jimin ng mahina. Akmang pupuntahan ko na sana sila, ng bigla akong mapatigil sa tanong ni Trisha.

"Dahil ba sa babaeng 'yun?! Pinipili mo na naman siya?!"

Natahimik si Jimin at tiningnan niya lang si Trisha.

"Ano ba Trisha?! Kailangan bang paulit ulit kong sasabihin sa'yo na hindi ko pinili si Mia. Napilitin lang akong piliin siya, alam mo 'yan."

Huminga ako ng malalim, at tumalikod sa kanilang dalawa, nagfefeeling na okay lang nagkibit balikat na lang ako na parang hindi ko alam ang nangyayari, na hindi ko narinig ang sinabi niya, na okay lang sa akin kahit hindi niya ako piliin.

My goodness! 'Di na ako nasanay. Dapat nga wala na lang sa akin 'yun. Pero wala eh, naaapektuhan pa din ako, nasasaktan pa din ako. Nakakaimbyerna kasi itong pusong 'to. Hanggang ngayon mahal ko pa din siya at nakakayanan kong tiisin ang lahat. Paano kaya 'to nangyari na okay lang sa akin kahit durog na durog na ako? Paano ba maging manhid na lang? Paano ba mawalan ng puso? Ng pakiramdam? Paki turuan naman ako please?

Naglakad na lang ako pabalik sa kwarto at wala ulit ganang umupo. Nagsipatakan na naman ang traydor kong luha.. hinayaan ko na lang ulit ang sarili ko. Ayoko ng magpigil, ayaw ko ng magpanggap na okay lang ako. Nakakapagod na, gusto ko ng maging masaya, 'yung totoong masaya.

Mamaya maya ay may narinig akong yapak, agad ko namang pinunasan ang luha ko. Hindi pwedeng nagkakaganito ako, hindi pwedeng nakikita niya akong ganito, it will just make me weak. Kapag nagiging made in China na naman ang ipapakita niya sa akin.
Pumasok siya sa kwarto at tinitigan lang ako. Blangko ang expression ng mukha niya, I can't even read what's on his mind.

"Nagquit na ako sa trabaho ko. Just to inform you." Sabi niya saka siya umalis sa tapat ng pinto. Yumuko at napabuntong hininga na lang ako.
Humiga ulit ako sa kama, tumingin ako sa ceiling at pinigilan ang sarili kong huwag siyang isipin, pero pinapahirapan ako ng utak at puso ko. Akala ko ba magkaaway ang puso at utak pagdating sa pag ibig? Eh bakit nagpapakontrol 'tong utak ko sa puso ko? Bakit niya hinahayaan puso ko?

Please utak huwag mo na siyang isipin. Pagod ka na ba hindi ba? Why don't you just quit on thinking about him huh? Are you really that stupid? Am I really that stupid?

◈●◈●◈●◈

End of flashback

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Where stories live. Discover now