Chapter [6.]

2.5K 151 15
                                        


Chapter Six

Mia

--

"Nag file na ako ng Annulment, pakipirmahan na lang."

Nanatili lang na nakatingin si Jimin sa papel. Huminga na lamang ako ng malalim, tama ba itong ginawa ko? Oo tama ito, pagod na ako hindi ba? Hindi na ako masaya at ayaw ko ng magpakatanga sa kanya. To end this all, nag file na ako ng annulment, tutal ito naman ang gusto niya hindi ba? Matutupad na rin sa wakas ang gusto niya na makalaya, I'm already setting him free.

"Ayan, binigay ko na ang matagal mo ng hinahangad." Pagkasabi ko niyon ay umalis na ako sa harap niya at nagpunta sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto at umupo sa dulo ng kama. Huminga ako ng malalim at hinayaan ko na ang sarili ko na umiyak, tutal last naman na 'to kasi pagkatapos nito tapos na. Hindi na ako iiyak pa ng dahil sa kanya, he's not worth of my tears.

Hahayaan ko na lang muna ang sarili ko na umiyak kahit ngayong araw lang, kahit ngayong oras lang. Kasi bukas tapos na ang lahat, wala na akong dapat iyakan kasi sa wakas tapos na ako sa sakit na nararamdaman ko. Katulad ni Jimin, malaya na rin ako, malaya sa sakit na dinudulot niya. Pinahid ko ang luha ko at napagdesisyunan ko na lamang na matulog na muna. Kailangan ko ito, kailangan ko munang magpahinga..

◆◆◆

"Jimin?" Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya bago ako umalis ng bahay, hindi ko naman ginagawa ito tuwing umaga pero ngayon kailangan kong gawin, nagluto kasi ako ng pang umagahan para sa kanya, hindi naman sa pinagpapatuloy ko ang pagpapakatanga ko, nagmamagandang-loob lang ako sa kanya, tutal last naman na 'to eh, pagkatapos nitong huli na 'to kanya-kanya na kami. At saka para na rin naman ito sa kalusugan niya, mas mabuting bago ko siya iwanan, maiiwan ko siyang malusog.

Katok lang ako ng katok pero wala pa ring sagot mula sa kanya kaya tumigil na ako. Siguro tulog pa siya, hindi bale na makikita rin lang naman niya 'yung pagkain na niluto ko para sa kanya. Kung sakaling lumamig man 'yun ipainit na lang niya.

Papaalis na sana ako ng may marinig akong nabasag sa kwarto ni Jimin. Natigil ako sa paglalakad at lumingon, anong nangyayari sa loob? Hanggang ngayon naririnig ko pa rin na parang may nababasag kaya tumakbo ako palapit doon.

"Jimin!" Sigaw ko sa kanya, hindi niya sinasagot ang pagtawag ko sa kanya kaya mas lalo akong kinabahan. Ano na naman bang nangyayari? Ano 'yung naririnig ko? Bakit may nababasag?

"Jimin!" Tawag ko ulit sa kanya kakatok pa sana ako ng bigla niyang buksan ang pinto. Napatitig ako sa kanya, magulong magulo ang buhok niya at mukhang pagod na pagod siya. Nag aalala akong tumingin sa kanya lalo na ng makitang may dugong tumutulo sa floor galing sa kamao niya.

"A-anong problema?" Nauutal kong tanong sa kanya habang titig na titig sa kamao niyang dumudugo. Anong ginawa niya para masugatan siya? Bakit dumudugo ang kamao niya?

Agad kong tinanggal ang jacket ko at pinulupot sa kamay niya para tumigil ang pagdurugo nito.
Laking gulat ko ng bigla niyang alisin ang jacket ko at tinabig niya ang kamay ko.

"PWEDE?! UMALIS KA NA LANG?!" Sigaw niya sa akin.

Natigil ako sa sinabi niya, bakit niya ako pinagtatabuyan? Ako na nga itong nagmamalasakit sa kanya siya pa itong magagalit sa akin?! Ano ba talagang problema niya?! Bakit lagi na lang siyang ganito?!

"Jimin, kailangang magamot 'yan?! Baka kung ano ng mangyari sa'yo!" Tiningnan niya lang ako saka siya ngumiti ng sarkastiko.

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora