Huminga na lamang ako ng malalim at umiwas sa tingin niya. Parang nakalimutan ko kung paano magsalita pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi ako makaisip kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Ano ba kasing sinasabi niya? Hindi ko din kasi siya maintindihan, anong sinasabi niyang nagsisisi siya? Totoo ba talagang nararamdaman niya 'yon o pinaglalaruan na naman niya ako?
Hindi na madaling magtiwala sa kanya, sinira na niya ang tiwala ko noon. Napahawak ako sa batok ko, what should I say?
"Bahala ka sa anong gusto mong gawin mo. Wala akong pakialam." 'Yon na lamang ang nasabi ko at muling nahiga. Nakatalikod na sa kanya.
"Okay.. I think I must go now." Hindi na ako tumango o ano pa sa sinabi niya. Aalis lang naman siya, wala na akong pake. Bahala na siya basta ako gagawa ng paraan para makalimutan na siya.
Narinig kong sumara ang pinto kaya bumangon ako at tiningnan na lang ang pinto.. ano ng gagawin ko?
◆◆◆
Kasalukuyan akong naglalakad sa meeting place namin ni Lily, napagdesisyunan kasi ulit namin na mag usap. Sasabihin ko lang naman sa kanya 'yung mga sinabi ni Jimin. Hanggang ngayon kasi gumugulo pa din 'yon sa isip ko.
Ano? Hahayaan ko na lang ba bumawi sa akin si Jimin? Paano kung 'yun pala ang magdadahilan para hindi ako makamove on? Paano kung sa paraan na iyon ni Jimin, bigyan ko na naman ng panibagong pag asa 'yung sarili ko para maniwala at mag end up ako sa pagpapakatanga na naman sa kanya at ayaw ko ng mangyari pa iyon.
"Mia!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Lily. Nakita ko siyang kumakaway sa akin, ngumiti ako sa kanya at nilapitan ko siya.
"May trabaho pa ako, pero mas pinili kong samahan ka dito. Bakit may problema ka ba? Oo nga pala, anong nangyari sa inyo ni Jimin?" Excited at tuloy tuloy na tanong niya sa akin.
"One question at a time please?"
"Oo na! May problema ba?" Tanong niya, dahan dahan akong tumango bilang sagot. Si Jimin ang problema eh..
"Anong nangyari sa inyo ni Jimin?" Kalmado pero halata sa kanya na excited siya. Sipain ko 'tong bruha na 'to eh.
"'Yun na nga ang problema eh, 'yung nangyari sa amin ni Jimin. Hindi dapat nangyari 'yun."
"ANO?! SO MABUBUNTIS KA NA?!" Huh?! Ano bang sinasabi nito?! "Gusto mo bang masapak ha Lily? Anong buntis? Asa naman siya na sa kanya ko ibibigay 'to."
"Pero mabubuntis ka?" Tanong ulit niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hinding hindi ako magpapabuntis sa kanya, ano ba naman 'yang sinasabi mo?" Napakamot siya sa ulo.
"Eh anong nangyari sa inyo?" Mukhang disappointed pa ang bruha.
"Hinatid niya ako sa hotel na tinutuluyan ko ngayon tapos may sinabi siya sa akin."
"Eh anong sabi?" Napahawak siya sa braso ko. Para siyang nagbabasa ng pocket book na hinihintay ang bawat kabanata.
"Babawi siya sa akin." Natigil si Lily at kumurba ang isang mapang asar na ngiti sa labi niya.
"Really? Oh my gosh! Second chance na ba 'yan?"
Binatukan ko na siya. Hindi ko siya maintindihan eh, parang noon lang inis na inis siya kay Jimin, at kulang na lang gumawa siya ng paraan para maghiwalay kami. Tapos ngayon na wala na kami, para siyang may saltik sa utak na umaasa ng second chance sa amin.
"Makabatok 'to. So babawi siya? Parang liligawan ka niya ganern?" Nang aasar talaga ang loko eh nuh?
"Gusto mo ng sipa huh? Kanina ka pa.."

YOU ARE READING
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016