[49.]

1.8K 86 5
                                        

"Lily, ano ba 'yung sinasabi ni Jimin? Dapat na ba akong maniwala na... 'yun nga?"

Napakamot ng ulo si Lily, kanina niya pa ginagawa 'yun, at kanina ko pa din pinapaliwanag sa kanya ang mga sinasabi ko.

"Ano nga 'yun? Pwede ayus-ayusin mo kasi pangungusap mo. Hindi kita maintindihan eh." Napakamot na din ako sa ulo ko.

"UMAMIN SIYA NA GUSTO NIYA AKO. Pero sa tingin ko biro lang 'yun." Nasapo ko na lamang ang noo ko. Gusto ko sanang maniwala eh, kaso 'yun nga baka maniwala na naman ako sa wala.

"Emeged? Really? Omo! Congratulations! Your feelings are mutual!" Parang nakalanghap ng katol 'tong kasama ko, kaya napakamot na lamang ako sa ulo. Makailang beses kong inulit 'yun tapos, ganito? 'Yun lang ang sasabihin niya? Saka nagtatanong ako sa kanya kung maniniwala na ba ako, pero anong sabi niya? Our feelings are mutual daw?

Sipain ko siya dyan eh!

"Lily, I'm asking you. Should I believe him?" Kumunot ang noo niya. "Alam mo ang ganyang klaseng tanong, ikaw lang ang makakasagot. Paano kapag sinabi kong huwag kang maniwala, pero naniniwala ka naman. Pero alam mo? Kung ako sa'yo, I'll try again."

Sabagay, tama si Lily. Sinubukan ko ng tanggapin ang sinasabi ni Jimin na babawi siya sa akin, na hahayaan ko siya sa kung anong gusto niyang gawin sa akin. Binigyan ko siya ng panibagong chance, kung sa kanya, nabigyan ko siya. Kung subukan ko din kayang bigyan ang sarili ko ng another chance para maniwala sa kanya?

"Mas maganda kung susubukan mo." Pangungumbinsi sa akin ni Lily, nanatili lang akong nakatingin sa kanya, still thinking about it. Kailangan pa din kasi 'tong pag isipan ng mabuti, hindi lang naman kasi 'yun basta basta na desisyon lang.

Napapaisip pa din kasi ako, looking back on my past, matinding hirap ang pinagdaanan ko ng mapaniwala niya ako na ganun din ang nararamdaman niya para sa akin. I felt betrayed, thinking that he's the most important person in my life, to think that I trusted him my heart. Sobrang sakit, 'yung para bang piniga ng sobra sobra 'yung puso mo, and I don't want to feel that again. Kasi ang hirap na eh.

Kaya kailangan ko talagang pag isipan 'to ng mabuti.

"Huy Mia?" Nagbalik ako sa ulirat ko ng tawagin ako ni Lily.

"Lalim ng iniisip mo, malulunod ka na yata." Inabutan naman niya ako ng candy, takang tinanggap ko iyon.

"Para saan naman 'to?"

"Para makapagrelax ka."

"Anong connect nun?"

"That candy will help you. Sige na ngalngalin mo na, magtratrabaho na ako, tapos na 'yung coffee break ko." Tumango na lamang ako at no choice I have to ngalngal this as what Lily stated. Gusto ko din makapagrelax.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Oo nga pala, kasalukuyan akong nandito sa building kung saan ako nagtatrabaho noon. Malaki din ang ibinago nito, simula ng mawala ako.

Paalis na sana ako ng mapatigil ako. Dumaan lang naman kasi sa harap ko si Chen at Chanyeol. My friend of mine also, and sa tingin ko hindi nila napansin ang presensiya ko.

"Chen! Chanyeol!" Sigaw ko. Kapwa sila napalingon sa akin, well I gave them my sweetest smile I could give. Sheeezzz...

Tumakbo naman sila palapit sa akin.

"Nagbalik ang traydor!" Sigaw ni Chen na ikinagulat namin ni Chanyeol. Agad ko naman siyang binatukan. Anong traydor sinasabi niya? Sipain ko siya dyan eh..

"Tumigil ka nga, anong sinasabi mong traydor huh?! Hindi ka ba masaya na nandito na ako?"

"Bakit ka kasi umalis?" Tanong niya.

"Oo nga." Sabat naman ni Chanyeol.

Huminga ako ng malalim. Enough with that effin topic.

"Basta. So kumusta na kayo? Itong company?"

"Ay masaya! Lumago simula ng nawala ka." Biro ni Chen sa akin. Bigla naman kaming kinalbit ni Chanyeol, kapwa kami napatingin sa kanya. Tinuro niya ang wrist watch niya.

"Late na tayo sa trabaho bro. Ahh Mia, una na kami." Tumango na lamang ako at umalis na sila. Andami ko palang naiwang importante dito ano? Hayyy, buti na lang naisipan kong bumalik, nakakamiss din maging masaya.

◆◆◆

Tahimik lang akong naglalakad ng mapagdesisyunan ko na munang kumain. Nagugutom na pala ako, hindi ko man lang narealize. Ang galing nuh? So nagpunta ako sa pinakamalapit na fastfood dito, which is Jollibee my ever favorite. Pumila ako para umorder, habang naghihintay, hindi ko namalayan na pinagtritripan ko na pala ang likod ng nasa harap ko.

"Medyo brusko 'tong katawan niya. May pandesal kaya 'to?" Lihim akong napahagikgik. Ano ba 'tong iniisip ko. Ang laswa ko, nandidiri na ako sa sarili ko.

Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa likod niya. Haist! Nung turn na ng nasa harap ko ang nag-oorder, nakunot bigla ang noo ko. Wait. Kilala ko 'tong boses na 'to ah? Wait lang...

Nanlaki ang mata ko. "Jimin?" Napalingon naman 'yung lalaki sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, after a second may sumilay na ngiti mula sa labi niya.

"Are you following me huh?" Mas lalong nanlaki ang mata ko. Anong sinasabi niya?

"H-hindi ah! Oorder din sana ako kasi gutom na ako nuh!"

"Don't worry, nabilhan na kita." Nakangiti niyang sabi at inalis ang tingin sa akin.

"Ate, take in na pala, andito na kasi 'yung kasama ko." Sabi niya. Tumango na lang 'yung babae, pagkatapos nun ay binayaran na niya 'yung bill at naghanap kami ni Jimin ng pwesto sa taas at napili namin sa malapit sa bintana.

Nang makaupo kami, ay kanya, kanya kaming kuha sa pagkain namin.

"Who would have thought, we'll be ending dating each other right?" Gulat na napatingin ako sa kanya. Date?! Anong date?! Hindi 'to date!

"Buhusan kita ng coke dyan gusto mo? Hindi 'to date, nagkataon lang na nagkita tayo."

Tinawanan niya lang ako. "Hindi pa ba date ang tawag dito? Ako na ang sumagot ng pagkain na kakainin natin oh?"

"Ahh ganun? Edi sige, hindi na lang ako kakain.."

"'To naman, hindi mabiro! Sige na kain ka na. Hindi na 'to date."

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ko inumpisahan kainin ang spaghetti ko.

"I love you."

◈●◈●◈●◈

End of chapter

So yeah, until now there is no internet. Grabe dalawang araw na, pangatlong update na wala pa ding internet. Ang saya ng buhay nuh?
Hahahaha ^___^

RilleFeeeee ♡♡

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Where stories live. Discover now