"Yaah Jimin, sige na sabihin mo na sa akin. Ano ba 'yun? Bakit kailangan ko pang malaman sa tamang panahon?" Tanong ko sa kanya. Nacu-curious na ako sa secret niyang iyon eh.. nakangiti lang si Jimin habang nagluluto ng pagkain naming dalawa. Nakakagulat nuh? Siya na ang nagluluto, tinuruan ko kasi 'yan eh at saka sa tulong ng youtube at cooking book nakakapagluto na siya.
"Hindi muna pwede eh. Kailangan talaga sa tamang panahon." Napabusangot na lang ako. Lagi namang tamang panahon, ano bang mangyayari kung ngayon ko malalaman 'di ba? Pero sa bagay, baka surprise niya 'yun.
Tiningnan ko kung anong niluluto niya. Napangiti na lang ako ng maamoy ko ang aroma nito.
"Adobo? Wow parang last week lang kita tinuruan ng mga simpleng dish, nagluluto ka na ng adobo." Sabi ko sa kanya. Natawa lang siya at niyakap ako mula sa likod habang hinihintay na maluto iyon. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ang bango mo.." bigla niyang sabi habang inaamoy niya ang leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya kaya humiwalay ako sa kanya.
"Bakit?" Gulat na tanong sa akin ni Jimin ng bigla akong humiwalay sa kanya. "Sorry 'di ako komportable eh." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko at dahan dahan na lumapit sa akin, hanggang sa magkadikit na ang mga katawan namin, bigla naman akong kinabahan sa ginagawa niya. Fudge, what the hell? Anong balak niyang gawin? Napapikit na lang ako at hinintay ang labi niya sa labi ko. 'Yun naman ang gagawin niya 'di ba? Hahalikan ako?
Pero seconds have already passed but I can't still feel his lips on mine. Bakit antagal? Nag-s-slow motion ba? Napagdesisyunan ko ng ibukas ang mata ko, and I saw him smiling like an idiot.
Napasimangot na lang ako at sinamaan ng tingin si Jimin. Ang kapal niyang paasahin ako ng halik.. dapat inalam niya na umasa ako.. ishh, aalis na sana ako ng kusina ng bigla niyang hilahin ang kamay ko at hinalikan ako.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya dahil sa gulat but at the same time, kinilig din ako. Sheeezz. Bigla naman siya humiwalay saka siya humarap sa niluluto niya, habang ako nakatulala pa din habang tinitingnan siya. My goodness... From the second time around, I felt his lips on mine.
Napangiti na lang ako at tumalikod sa kanya at naglakad palabas ng kusina. Pabagsak akong umupo sa sofa at tumingala sa kisame at hinawakan ang labi ko..
Labi niya lang, busog na ako. Parang di ko na kailangang kumain pa. Busog na busog na talaga ako.
Di na ako kakain .. After a while may biglang kumatok sa pinto, napaayos ako ng upo at lumapit doon at binuksan ko ang pinto.Nanlaki ang mata ko ng makita sina mama at papa na kasalukuyang nakangiti sa akin ngayon. Agad ko silang niyakap..
"Mama, papa." Mangiyak ngiyak kong sabi ko habang yakap yakap sila. Ang tagal ko na kasi silang hindi nakikita eh.. at ang tagal ko na din silang hindi nakakausap.
Humiwalay ako ng yakap sa kanila at pinahid ang luha ko.
"Ma? Pa? Napadalaw po kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Anak, pwede papasukin mo muna kami sa bahay niyo?" Masayang sabi ni mama sa akin at pinapasok ko sila, umupo sila sa sofa na inupuan ko habang ako naman umupo sa tapat nila.
"Anak, we just missed you so much.. and we have something to tell you." Bakas sa boses nila ang pagkaseryoso kaya biglang naglaho ang ngiti sa labi ko. Parang ganito din 'yung naramdaman ko nung sinabi nila sa akin na magpapakasal ako. Pakiramdam ko isa 'tong masamang balita.
"Pa? Tungkol saan?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya.
"Tungkol ito sa relasyon niyo ni Jimin anak .. ang totoo niyan--" biglang natigil si papa sa sinabi niya ng dumating si Jimin, hanggang ngayon, hawak hawak niya pa din 'yung sandok.
"Ah magandang umaga po Tita, tito." Tumango lang sila mama at papa habang ako nakatingin lang kay Jimin. Bakit niya pa rin tinatawag na tita at tito ang magulang ko? We're married and he should also call them mom and dad right?
"Jimin dapat tinatawag mo na din silang mama at papa." Sabi ko ng makaupo siya sa tabi ko. "Sorry, hindi pa kasi ako nasanay eh, don't worry I'll ca---"
"No need Jimin." Biglang sabi ni papa na ikinagulat naming dalawa. Anong no need? Hindi ba ang pangit tingnan kung tinatawag mo pa din na tita at tito ang mga magulang ng asawa mo?
"Ahhh Mia?" Napatingin ako kay mama. "Yes ma?" Bumuntong hininga si mama saka siya tumayo at nilapitan ako.
"Pwede bang ilibot mo naman ako dito sa bahay niyo? Hayaan muna natin silang mag usap ng papa mo." Sabi sa akin ni mama. Nagtataka man kung anong nangyayari, tumango na lang ako. Since ngayon ko lang ulit makakasama sila mama, lahat ng gusto nila gagawin ko. Pero bakit kailangan silang mag usap ng papa at ni Jimin? Importante ba 'yun?
Una kaming nagpunta ni mama sa likod ng bahay, which is sa garden. Nilibot ni mama ang tingin niya at dahan dahang napangiti.
"Ang ganda dito sa bahay niyo. Ayos lang ba kayo ni Jimin? Hindi ka ba niya sinasaktan?" Tanong sa akin ni mama, nakangiting tumango ako sa kanya.
"Well he used to hurt me with words, but we're okay now ma. We're fine.. masaya na kami sa isa't isa and I'm glad that he already realized that I love him so much." Masaya kong saad habang nakatingala sa langit, iniisip si Jimin. Napansin ko na nakatingin sa akin si mama, kaya ako napatingin sa kanya. Bigla na lang naglaho ngiti sa labi ko ng mapansin ko na malungkot si mama.
"Ma? Ano pong problema niyo?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Yumuko lang si mama saka unti unti ko ng naririnig ang paghagulgol niya, nagulat ako ng bigla niya akong niyakap habang umiiyak siya. Wait? Anong nangyayari? Anong problema nila?
"Ma?" Bakas na din sa boses ko ang lungkot, niyakap ko na din lang siya at hinayaan na lang siya na umiyak sa balikat ko.
"We failed to protect you anak, akala namin, ito ang nararapat. Akala namin magiging masaya ka. Pero nasaktan ka lang and it is our fault." Ti-nap ko na lang ang likod ni mama at bumuntong hininga na lang ako.
"Ma, if this is all about Jimin, it's already okay. Ma okay na po kami.." Sabi ko para hindi na mag alala si mama, but still umiiyak pa din siya.
"Hindi ko naman po kayo sinisisi eh, alam ko naman po na kailangan niyo 'yung kompanya.. if you think na mali po ginawa niyo, nagkakamali po kayo." Dugtong ko para mabawasan 'yung alalahanin niya, para hindi na niya sinisisi ang sarili niya. Ayokong nagkakaganito ang mama ko, masakit para sa akin.
"We're sorry anak."
"It's okay ma, I understand."
Niyakap lang ako ni mama ng mahigpit.
◈●◈●◈●◈
End of chapter

BẠN ĐANG ĐỌC
★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ She gave up, she's tired. ⇨[Park Jimin ×× Ahn Solbin] ⇨Written in Filipino ⇨Highest Rank: #135 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: December 27, 2015 ⇨Date Finished: February 19, 2016