[45.]

1.8K 94 5
                                        

"Kasama ko pala si Mia."

Napapikit na lang ako sa inis. So wala na akong choice? Magpapakita na ako sa kanya? Fvck this, hindi dapat ganito eh, letcheng kaibigan siya. Huminga na lang ako ng malalim at dahan dahan na humarap sa kanila.

Pagkaharap ko, sinabay ko na din ang peke kong ngiti sa kanila. Mas lalong tumibok ang puso ko ng magtama ang tingin namin ni Jimin, as usual binigyan ko lang siya ng isang ngiti. Isang pekeng ngiti.

Pagkatapos nun ay kay Trisha ko naman ibinaling ang tingin ko ang nginitian din siya. Ngumiti din siya pabalik pero hindi na bakas sa kanya ang sarcasm na kadalasan niyang pinapakita sa akin noon.

"Join us?" Yaya ni Trisha. Tatanggi na sana ako kaso 'yun nga, naunahan na naman ako ng loko. "Sure!" Sabi naman ni Lily at wala na akong choice kung hindi ang lumipat ng table, at sa table pa nila.

Tumabi ako sa tabi ni Trisha, habang si Lily sa tabi ni Jimin.

"Kababalik mo lang?" Tanong sa akin ni Trisha, nabigla ako sa paraan ng pagtatanong niya. Para kasing wala ng bahid ng kasarkastikuhan ang tono ng boses niya. Pero bakas pa din sa boses niya ang lungkot. Well siguro lungkot dahil nagbalik na naman ang kontrabida sa buhay nilang dalawa.

Huwag siyang mag alala, hindi ko na sila guguluhin, at sisiguraduhin ko na ngayon na ang last na magkikita kita kami.

"Ahh oo, kakabalik ko lang."

"Ah, how are you?"

"I'm fine."

"Would you like to eat something?" Si Jimin naman na ang nagsalita.

"Hindi na, kape na lang saka meron na kaming overload dito. Papapakin na lang namin." Sabi ni Lily habang todo kung makangiti.

Hangang hanga din ako sa babaeng 'to. Nagagawa niya pang ngumiti sa ganitong sitwasyon. Aish.. ang awkward na talaga, parang mas gugustuhin ko na lang na mapag isa kaysa sa ganito na ang awkward ng atmosphere. Si Lily kasi, andaming pakulo.

Haaayyy...

"Okay." Tumayo na si Jimin para kumuha ng kape para sa amin, naiwan naman kaming tatlo and as usual, sobrang tahimik namin maliban na lang kay Lily na maingay na kumakain ng overload.

"Uhm, nakalimutan ko may gagawin pa pala ako. Mauna na ako sa inyo. Pakisabi kay Jimin na nauna na ako huh?" Walang pasabi sabi na umalis siya, at para siyang si flash kung makapaglakad, napakabilis niyang nawala. Maya-maya ay dumating na si Jimin dala dala ang kape namin.

Pagkalapag niya, nilibot niya ang paningin niya. Hinahanap niya si Trisha.

"Asan si Trisha?" Tanong niya.

"May gagawin daw siya kaya nauna na." Sagot ni Lily sa kanya. Tumango lang si Jimin saka siya umupo sa tabi ni Lily. Heto na naman kami napakatahimik, humigop na lamang ako ng kape at tumingin sa kung saan saan para malibang ako.

"Kumusta bakasyon mo Mia?" Napatingin ako kay Jimin ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Ang tagal ko ng hindi naririnig pangalan ko na siya ang bumanggit at kahit ayokong aminin, hanggang ngayon, napakaganda pa din pakinggan mula sa kanya ang pangalan ko. Sounds so over acting but that's what I feel.

Level 9999999 na 'tong katangahan ko para sa kanya, oo inaamin ko pero gumagawa naman ako ng paraan para mawala na 'tong nararamdaman ko para sa kanya eh.

"Kumusta bakasyon mo?" Tanong niya ulit sa akin.

"Okay lang, masaya naman." Sabi ko na parang walang nangyari, na parang hindi ako galit sa kanya. Tumango lang siya.

"Grabe ang tatahimik niyo. Make some noise naman, 'tong dalawang 'to parang walang pinagsamahan."

Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nabulunan ng biglang sabihin iyon ni Lily. Binabalik niya ba 'yung past namin? Ano naman ngayon, kung ganito namin pakitunguhan ang isa't isa? Dapat naiintindihan niya kung bakit.

"Tumahimik ka na nga lang Lily." Inis na sabi ko sa kanya. Nag peace sign lang siya sa akin saka siya lumaklak ng kape. Napatingin naman ako kay Jimin na kasalukuyang nakatingin sa akin. Pero agad din siyang umiwas.

Uminom na lang ako ng kape.

Maya-maya ay tiningnan ni Lily ang wrist watch niya. "Lagot!" Kumunot ang noo ko. Problema niya?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"5 minutes late na ako sa date namin ng mama ko!" Sabi niya, tumayo naman siya.

"Una na ako sa inyo! Usap muna kayo dyan!" Sabi niya at dali dali naman siyang tumakbo palabas ng cafe.

Napahawak na lang ako sa batok ko at pasimpleng sumandal sa upuan. Ayos din siya nuh? Iiwan niya ako kasama siya? So ano na? Anong gagawin ko? Tumingin ako kay Jimin... siguro, kailangan ko na din muna umalis at maghahanap ng matutuluyan ko.

"Ah Jimin?" Tumingin siya sa akin.

"S-siguro mauuna na muna ako." Paalam ko sa kanya. Patayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na ikinagulat ko. Itong puso ko parang kabayo, sobrang bilis ng tibok na para bang anytime soon sasabog na. Agad naman kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"May alam akong hotel, doon ka na lang muna tumuloy." Sabi niya.

"Salamat." 'Yun na lang ang nasabi ko. Huminga ako ng malalim. So what are we going to do next?

"Okay ka na ba?" Biglaang tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Bakit niya natanong 'yun? Aanhin siya ng sagot ko? Paano kapag sinabi kong hindi pa ako okay? Anong gagawin niya?

"Oo naman, ako pa." Pagsisinungaling ko. Ang galing ko talagang magsinungaling ano? Tumango tango lang siya. Maya-maya ay natahimik ulit kaming dalawa. Napagdesisyunan ko na din na puntahan na lang muna namin ni Jimin 'yung sinasabi niyang hotel na pwede kong tuluyan pansamantala.

"Maybe kailangan na nating pumunta sa hotel na 'yun Jimin. Inaantok na kasi ako eh." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at sabay na kaming lumabas ng cafe. Akala ko sasakay pa kami ng taxi kaya nagstay na lang muna ako sa harap ng XOXO cafe para maghintay ng taxi, kaso nagulat ako ng bigla niyang kuhanin ang luggage ko at sinenyasan ako na sumunod sa kanya.

Nagtungo kami dun sa isang sasakyan na sa pagkakaalam ko ay kotse niya. Oo naaalala ko, kotse niya 'yun.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya at hindi na ako nagpakyeme. Sumakay na ako ng kotse at inilagay na din niya 'yung luggage ko sa back seat at sumakay na din siya.

"Hindi ba magagalit si Trisha?" Tanong ko bago niya pinaandar 'yung kotse. Natawa lang siya ng mahina.

"She don't have the right. Wala na kami."

◈●◈●◈●◈

End Of Chapter

Sheeesh, wala kaming pasok ng five days, ang saya saya talaga ! Malapit na din matapos 'tong story na 'to. Last four chapters ! Mamimiss ko kayo ! 😄😄

RilleFeeeee ♡♡

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Where stories live. Discover now