Chapter [8.]

2.5K 142 13
                                        

Chapter Eight

Mia

--

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko, kahit inaantok pa ako, pinilit ko ang sarili ko na bumangon at gumising. Grabe, hindi naman ako nagpuyat kagabi, pero bakit antok na antok ako na para bang kulang ang tulog ko? Ayaw na ayaw ko ng ganitong pakiramdam eh. Para tuloy ang sarap um-absent sa trabaho.

Bumangon na ako, bago ako lumabas ng kwarto ko, inayos ko na muna ang sarili ko. Kailangan ko pa palang maghanda ng pagkain para sa breakfast ni Jimin.

Pagewang-gewang akong naglakad palabas ng kwarto. Paglabas ko nakaamoy ako ng hindi kanais nais na amoy, napatakip na lamang ako ng ilong. Ano ba naman 'yan! Ang baho! Parang amoy ng patay na daga na pinaghalo halong ewan. Saan 'yun nanggaling?

Baka mamamatay ako nito. Pagkarating ko sa kusina, halos lumabas na ang mata ko sa nakita ko.. ANONG NANGYARI SA KUSINA?! Pigil-hininga akong pumasok sa kusina, bukod sa parang dinaanan ng sampung bagyo itong kusina sa sobrang kalat, dito rin nanggaling ang masamang amoy. Nakakadiri talaga!

Napatingin ako sa paligid. Nagkalat ang mga gamit dito sa kusina, tapos ang dami daming plastic ng noodles ang nagkalat plus may mga hotdog, karne, itlog, ham at kung ano-ano pa. Napasabunot na lamang ako sa sarili ko! Anong klase ng tao ba ang gumamit ng kusinang ito?! It's a total disaster!

Paano na ako makakapagluto niyan?! Hayyyyy!! Sino bang gumamit nitong kusina at nagkaganito? Hindi man lang nilinisan pagkatapos! Naku talaga!

Lumapit ako sa isang sulok kung saan hindi masyadong dinaanan ng bagyo. Oo kung itong parte ng kusina lang ang titingnan mo, aakalain mo talagang napakalinis ng kusina, kaso hindi eh. Lumapit ako dito kasi may nag iisang bowl dito na may takip na plato. Tiningnan ko kung ano 'yun. Nakunot ang noo ko ng makitang ang laman lang pala n'on ay noodles na may halong itlog.

So? Ito lang ang niluto ng kung sino man 'yun? Tapos ganito ang inabot ng kusina? Sino bang may gawa nito? Alangan naman ako. Alangan namang si Jimin.

Wait? Jimin? Hindi ba dalawa lang kami ni Jimin dito sa bahay? Hindi kaya, siya ang may gawa nito? Hindi naman kasi pwede na ibang tao.

"Bukas ng umaga wala na ako dito sa bahay. Huwag mo na akong ipagluto ng pagkain."

Hindi kaya siya ang nagluto ng sarili niyang pagkain? Nasapo ko na lang ang noo ko. Grabe! Sana ginising na lang niya ako para magluto, hindi naman niya kailangang magpakahirap na magluto ng noodles eh. Hayyyy!

Kinuha ko ang bowl na 'yun at inilagay sa isang kaldero para ipainit. 'Yun na lang kakainin ko, tinamad na akong magluto. Habang iniinit 'yun, nagsimula na akong maglinis. Nakakainis talaga! Umagang umaga na-i-istress ako.

Nang matapos ko ng maglinis, kumuha na ako ng plato ko. Nilagyan ko iyon ng noodles na niluto ng taong 'yun, tingnan nga natin kung worth it ang pagkakalat niya sa kusina!

Tumikhim ako ng isang beses. Hmmm? Okay lang naman. Pasalamat siya at okay lang 'tong niluto niya, kung hindi mamaya, malalagot talaga siya sa akin.

◆◆◆

"Bakit late ka?" Tanong sa akin ni Lily ng makarating ako sa trabaho ng late. Napairap na lamang ako ng maalala ko kung ano ang naging dahilan ng pagkalate ko. Letchugas barabas! Hindi ko alam na kinain ng paglilinis ko ng kusina ang oras ko, huli na para malaman ko na late na ako nung pagtapos kong kumain. Nakakaasar ano?

"Naglinis kasi ako, tapos hindi ko na namalayan ang oras." Sabi ko, kunwaring hindi naiinis. Tumango siya bilang sagot, nilabas ko na ang laptop ko para magsimula na sanang magtrabaho ng bigla ulit magtanong si Lily sa akin.

"Hindi ba bukas na ang bakasyon natin? Sasama ba kayong dalawa?" Tanong niya sa akin, nakatingin lang ako sa kanya. Pinaalala na naman niya, hayyyyyy buhayyyyy!

Bumuntong hininga ako.

"Ako lang ang pupunta. Busy kasi siya. Meron na kasi siyang trabaho na pinagkakaabalahan." Sabi ko.

"Ay, sayang naman." Nanghihinayang na sabi niya.

Tsk. Okay lang 'yun atleast wala ring sisira ng araw ko.

"Uy! Pumasok si Mia, akala ko mag-a-absent ka." Lumingon ako kay Chen, as usual may dala na naman siyang kape, pero iisa na lang.

"Ano na naman?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Ay! wait! Sasama ka ba bukas?" Tumango ako sa tanong niya, "Eh 'yung pandak mong asawa?" Kumunot ang noo ko, kasabay n'on ang pagtaas ng kanang kilay ko. Ano 'yun? Tinawag na naman ba niya si Jimin ng pandak? Gusto ba niyang masapak ng 'di oras?

"Tumigil ka nga sa kakapandak mo sa kanya, 'di naman kayo nagkakalayo ng height n'on at saka may pangalan siya."

Uminom ng kape si Chen pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya, pagkatapos naman n'on ay napatawa siya ng mahina.

"Pero hindi hamak naman na mas matangkad ako sa kanya, kaya pandak siya."

Aba't manlalait pa eh! Kung ibuhos ko kaya sa kanya 'yang kapeng iniinom niya? "Chen, sabing tumigil ka na eh, bumalik ka na nga sa trabaho mo!"

"Teka, bago ako bumalik sa trabaho, may itatanong lang ako sa'yo."

"Ano?!" Iritado kong tanong sa kanya.

"Sinong mas gwapo? Ako o si pand---Jimin?"

Kumunot ang noo ko. Anong klaseng tanong 'yun? Kapag ba sinagot ko 'yang walang kakwenta kwentang tanong titigil na siya sa kakabulabog sa akin?

"Malamang si Jimin ang isasagot niya." Sabat ni Lily sa usapan namin ni Chen.

"Asawa niya 'yun eh, at saka halata naman na kung sino talaga ang gwapo sa inyong dalawa. Asa ka pang ikaw ang isasagot niya." Natatawang sabi ni Lily. Tama nga naman.

"Oh edi siya na! Letche, Lily! Si Mia ang tinatanong ko! Ikaw ba si Mia ha?! At saka huwag mo ngang nilalait 'tong kagwapuhan ko. Alam mo bang tinitilian ako ng mga babae?"

"Ahahaha! Tama ka nga naman Chen, tinitilian ka ng mga babae kasi mukha kang ipis!" Sabi ni Lily.

Natawa na lamang ako sa kanila, pagkatapos no'n ay bumalik na si Chen sa pwesto niya. Magsisimula na sana akong magtrabaho ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Jimin calling...

Agad ko namang sinagot ang tawag niya.

"Hello?"

Bakit kaya siya napatawag? Kailangan niya ng alalay sa trabaho niya? Well sorry siya hindi ako available and I will never be available.

"Kai---"

[Good morning!]

Nagulat ako ng sabihin niya iyon. Good morning? Wait? May lagnat ba siya? Anong good sa morning at binati niya ako? Wait? Ano? Binati niya ako ng good morning? Teka teka? Epekto ba 'to ng niluto niyang pagkain? Ano daw? Hindi ako makapaniwala. Binati niya ako ng good morning sa unang pagkakataon..

Napahawak ako sa dibdib ko. Same feeling. My heart started to skip a beat again.

Goodness gracious Jimin Park, why are you making me feel like this?

◈●◈●◈●◈

End of chapter

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Where stories live. Discover now