EIGHT

1.8K 64 3
                                    

RACHEL'S POV

"Chel, chel, gising na, kumain muna kayo oh. Chell.." tapik sa akin ng kung sino.

Sasapukin ko na sana eh pero narinig ko ung salitang pagkain. At dahil doon, naalala ko ung gutom ko.

Iminulat ko yung mata ko and nagulat ako sa gumigising sa akin na ang lapit ng mukha.

"Gising na po.. kain ka muna sleeping beauty. " ngiting ngiti siya sa akin.
Mukhang good mood ang baby boy ah.

"Hmmmmn." Sabi ko lang at umupo na ng sofa.

Nakita ko naman na ginigising na din ni Ara and Kim yung mga labidabs nila.

Tumabi naman sa akin si Jovy tapos nakatitig lang kina Ara and Kim na parang nagtatanong yung expression.

Nakahalata siguro na tinitignan ko siya kaya napatingin siya sa akin. Grabe, matunawww ako jannnn.. wag kang gannyaann >.< ganda ng eyes niya, sa sobrang pagkabrown, nakikita ko na yung iris ng mata niya.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay para hindi halatang nakoconscious ako sa tingin niya.

Ngumiti lang naman siya sa akin ng sobrang tamis.

"Eto na yung Hawaiian overload mo oh Chel." -sabi niya at inabot yung tatlong box ng greenwhich.

"Dami naman!!!! Thank youuuu!" Sabi ko tapos kiniss ko siya sa pisngi.

Bago ko pa narealize yung ginawa ko, grabe na yung mga tingin na binigay sa akin nung apat.

Kumuha nalang ako ng pagkain ko para maibaling sa iba ang atensyon ko.

"Asan na si Aly at Den. Gutom na ko. Dito na tayo sa sala kumain." -Kim

As if on cue. Lumabas si Aly na mukhang badtrip kasunod si Den. Naupo naman siya sa sofa na katapat namin ni Jovs tapos tumabi din si Den sa kanya. Hindi sila nag iimikan. Nakakapanibago. May LQ ata ah.

Tinignan ko nman si Jovs na tinitignan din sina Aly. Parang nagtatanong pa rin ung expression niya.

Narealize ko, wala pa palang nakapagsabi sa kanya. Baka hindi pa niya alam. Kaya bumulong ako sa kanya.

"Usap tayo mamaya."

Tinignan niya lang ako at ngumiti. Grabe, nakakapanibago ulit, bakit parang masipag ata siya ngumiti ngayon.

"Good mood ka ata ah." Sabi ko sa kanya at siniko siya sa tagiliran

Pabulong naman siyang sumagot.

"Nakita ko yung crush ko eh." -siya habang ngiting ngiti.

Aray..
Grabe...
Di ko ata kaya.
Medyo nadisappoint naman ako dun.
Napasimangot nalang ako sa kanya at tumawa naman siya. Good mood talaga.

"Ganda mo ngayon Chel." Habang nakangiti.

Sarap ng feeling na masabihan ka ng maganda. Lalo na pag sa kanya galing. Namumula na siguro ako ngayon. >.<

Pagtingin ko sa mga kasama ko, nakatingin lang sila sa amin ni Jovjovs. Tinaasan ko naman sila ng kilay kaya nagsitinginan naman sila sa ibang direksyon.

Wala pa ring imikan sina Aly at Den. Pati rin sina Ara at Bang. Tahimik lang silang kumakain.
Samantalang si Mela at Kim naman, konti nalang, magkakandungan na silang dalawa. Enjoy na enjoy naman si Kim habang sinusubuan ni Mela.

Pagtingin ko sa katabi ko, nakatingin naman siya ngayon kina Mela at Kim.

Ipinahid ko yung hintuturo ko sa ketsup ng fries tapos itinapat sa pisngi niya.

MAYBE IT WILLWhere stories live. Discover now