THIRTY-NINE

1.5K 43 1
                                    


ALY'S POV

After a lot of soaking and a lot of shivering, unti-unting tumila ang ulan.

and for some reasons, bigla nalang nagpakita ang araw.

Making the clearing a big puddle of mud.

"Wag kayong mag-alala, maya-maya lang, matutuyo din yang lupa." Sabi ng isa naming guide bago nila kami iniwan.

Apparently, hindi na daw bago ang ganitong mood ng bundok.

And true enough, after 1 hour, nagpapatayo na kami ng mga tent namin sa palibot ng clearing.

"Okay ka lang?" Sabi ng papansin kong partner habang nagpupukpok ng ..... kung ano man yung pinupukpok niya.

At dahil naiirita na ako at hindi na ako komportable sa basang-basa kong damit....

"Hmmp.. wag mo na nga ako pansinin, mamaya, sisihin mo pa ako pag yang daliri mo ang napukpok mo."

Ilang sandali lang...

"Owwww!" Napatalon naman ako sa gulat nung sumigaw si Aly.

Nakita ko naman na napaupo na siya sa lupa habang hawak niyayung isang kamay niya sa may dibdib habang naluluha na.

"Ayan.. sabi ko na eh." Sabi ko at nagpaikot nalang ng mata.

"Den... may b-band-aid ka jan?? Ang s-sakit." Sabi niya habang sisinghot-singhot.

Para namang tinutusok yung puso ko..
Alam kong harsh ako kay Aly, pero kapag nasasaktan siya, hindi ko pa rin maiwasan na hindi siya pansinin.

Syempre, kaibigan ko pa rin siya.

Syempre, mahal mo pa. Sabi naman ng taksil kong utak.

"Pssh.  Stupid. Patingin nga.. di kasi nag-iingat eh."
Lumuhod ako sa tapat niya at pilit n kinukuha yung kamay niya pero iniiwas lang niya sa akin.

"Pahingi nalang ng band aid kung meron." Sabi nya. Namumula na talaga siya sa sakit. Tapos nangingilid na yung mga luha. And sure, naunahan na ng concern ang pride ko.

Uunahin mo pa ba yang arte mo eh nasasaktan na nga si Aly sa harap mo.

"Akin na kasi..  patingin muna." Malambot kong sabi.

"Dennnn..." medyo garagal niyang sabi habang mahigpit pa rin niyang yakap yung kamay niya sa may dibdib niya.

"Aly, ano to?? Pag ako ang may sugat, pinababayaan naman kita na ikaw ang gumamot sa akin ah. Titignan lang naman natin yang sayo. Promise, di natin lalagyan ng alcohol." Sabi ko sabay taas ng kanang kamay.

Ang laking tao, takot sa alcohol. -.-

Hinawakan ko yung injured niyang braso at marahang hinihila ko sa kanya.

Unti-unti namang niya akong hinayaan na tignan yung kamay niya.

"My god Aly! Anong ginawa mo! Di ka kasi nag-iingat eh!" Agad kong sabi nang matingnan ko yung hintuturo niya.

Her blood is slowly clotting on her fingernail leaving her whole finger swelling with bluish color.

I grabbed the first-aid kit sa bagpack niya at naglabas ng betadine at gauze at hinawakan ng mabuti yung kamay niya.

"D-den... aw... aw.. aray.." pagmamakaawa niya habang dinadampian ko ng gamot yung daliri niya.

"You know what? Now, it's my turn to get angry at you, you know?? Di nag-iingat eh!" Inis kong sabi habang nakatingin sa sugat niya.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon