TWENTY

1.7K 52 6
                                    


CHEL'S POV

Lumipas pa ng mga minuto at tanging ang iyak lang ni Lola ang maririnig sa loob ng bahay.

Nakatayo lang si Jovs habang nakayuko.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang ilayo sa bahay na to at ipalimot sa kanya ang buong nangyari.

Gusto kong ibalik yung ngiti niyang suot niya bago siya pumasok dito.

Lumapit naman si Lola kay Jovs at niyakap niya ito habang umiiyak.

"Sorry Apo." Sabi ni Lola.

Lumapit na din si Lolo sa kanila at niyakap din si Jovs habang nakapako lang ako sa kinatatayuan ko.

Nakakatakot si Jovs. Walang mababanaag na kahit ano mang expression sa mukha niya. Nakatitig lang sa sahig at hindi gumagalaw.

"Sorry apo." Pag uulit ni Lola.

Parang dun naman natauhan si Jovs at tinignan ng nakangiti si Lola.

"Hey tahan na Lola. Bakit po kayo umiiyak? Ayokong umiiyak kayo ng dahil sa akin diba?" At niyakap niya ang dalawang matanda.

"Sorry din po. Pati tuloy kayo, nadamay pa sa galit nila sa akin." Sabi ni Jovs habang inaalo si Lola

"Pssh. Malaking kalokohan yan apo. Walang basehan ang galit nila at hindi ko naiintindihan kung anong pumasok sa kokote ng magulang mo para sabihin nila lahat yun!" Pagalit na sabi ni Lolo

"Oh Lo, okay na, wala na po. Blood pressure niyo po." Sabi naman ni Jovs ng tumatawa-tawa

Hindi ko alam kung saan pa nahuhugot ni Jovs ang mga ngiti at tawa niya pagkatapos ng nangyari.

"Oh, cge na po La, gumagabi na po. Kailangan na din po magpahinga ni Chel." Sabi niya ng nakatingin sa akin

"Teka Apo, wag mong sabihing uuwi pa kayo sa lagay na yan?" Sabi ni Lola

"Sorry La, kelangan po." Sabi naman ni Jovs at hinalikan na sa noo si Lola at niyakap naman si Lolo bago lumapit sakin at hinawakan sa kamay.

"Sorry." Bulong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya ng naiiyak na din. Bakit feeling ko, inaako niya talaga lahat ng kasalanan na binibintang sa kanya.

"Ay Jovy. Apo, Happy Birthday." Sabi ni Lola at lumapit pa ulit kay Jovs at hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

Napatingin naman ako kay Jovs na nakangiti lang kay Lola.

Birthday niya ngayon.

At wala kaming kaalam-alam.

Birthday niya ngayon.

At ganun pa ang nangyari.

"Happy Birthday Apo. Sorry kasi bago ka pa nakadating, nauna na dito ng papa mo." Sabi naman ni Lolo na nakahawak lang sa balikat ni Jovs.

"Okay lang po Lolo. Tama na po yang sorry sorry. Walang na hong problema." Ngiti ni Jovs sa matanda.

"Sorry Jovy." Ulit ni Lola

"Okay na po yun Lola. Basta okay kayo at walang nangyari sa inyo, okay lang din po ako. Wag niyo po akong intindihin. Matagal na po akong nasanay." Sabi ni Jovs at hinigpitan ang hawak sa akin.

Birthday niya ngayon.......

"Dito na kayo magpahinga ni Chel, Jovy. Mukhang pagod na kayo eh at gabi na." sabi naman ni lola

"Ay hindi na po Lola. Nagpaalam po kami kay coach na bago mag curfew, makakabalik na po kami dun." Pagsisinungaling ni Jovs.

Wala kaming training bukas at wala ding pasok bukas kaya okay lang na sa monday na kami bumalik.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon